Chapter Five

1.7K 53 0
                                    

"Eliza?"

"Kuya Marvin?" Gulat na wika ni Eliza nang lingunin niya ang tumawag sakanya. Nakangiti itong lumapit sakanya at pinasadahan siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito. Ngumiti siya at pinakita ang envelope na hawak niya.

"Mag-a-apply sana." Sagot niya at napatingin sa mataas na building na nasa harapan. Kasalukuyan na siyang nasa main office nang Paelzas Foods Corporation, ayon sa google at medyo nahihiya siyang pumasok. Malayo ito sa lugar kung saan siya nagtatrabaho dati kaya medyo nagtatakha siya kung paano napadpad si Charles doon dati.

"Eh ikaw?" Tanong niya dito. Pinakita naman nito ang envelope na hawak kaya napahagikhik siya.

"Mag-aapply sana, waiter o manager. Kung anong pwede." Kibit-balikat na wika nito. Napangiti siya dahil ang gwapo talaga ni Kuya Marvin, iyon nga lang ay may asawa na, a month before kasi ng mag-resign siya ay sinabi nitong ikakasal na to sa girlfriend nitong nabuntis, and that was two months ago. Medyo nanghinayang siya dahil 'quality' para sakanya si Kuya Marvin, yong tipo na sakanya na ang lahat at ubod ng gentleman, kaso ganon talaga siguro ang buhay, hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo.

Inaya na siya nitong pumasok kaya wala na siyang nagawa. Nag-iwan sila sa receptionist ng Id at sumakay sa elevator, sinabi din nito na nasa twenty-sixth floor ang human resource department kaya doon sila bumaba. Pagkapasok nila sa isang double glass door ay nanuot agad sa balat ni Eliza ang lamig ng aircon kahit na naka-blazer na siya. Marami ding tao ang nag-aantay sa waiting area na nakahilera at nakahanay sa pagpasok pa lamang ng pinto. Dalawang pinto din ang nasa harapan ng mga upuan at nakita nilang may lumalabas doon na babae para tawagin ang susunod. May ibinigay sa kanila na number ang guard na nagbukas sa kanila ng glasa door at umupo na sila sa bandang dulo habang naghihintay.

"Bakit ka nga pala dito nag-a-apply, eh diba graduate ka ng Archi?"

"Hindi pa kasi ako nakapagtake ng board, tsaka kailangan ko muna ng experience kahit ibang field." Sagot niya, half-truth dahil ang main purpose talaga ay mapalapit siya kay Charles, secretary din ang balak niyang applyan na sana ay makapasa.

"Kamusta na pala? Kinasal ka na diba?" Nakangiting tanong niya dito. Hindi naman siya nakakaramdam ng bitternes dito, in fact ay masaya siya, dahil magkakapamilya na ito at kita naman sa mga mata ni Kuya Marvin.

"Oo. Four months narin si Judy, next month ay malalaman na namin ang gender ng baby namin." Masayang sabi nito kaya napatango siya, marami pa silang napagkwentuhan hanggang sa tawagin ang number niya kaya napatayo siya,

"Una na ko, Kuya. Wish me luck." Aniya. Nag-thumbs up naman ito kaya napangiti siya.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang nasa tapat na siya ng pintuan. Huminga muna siya ng malalim saka tatlong beses kumatok, dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at binuksan ang pintuan. Inihanda niya ang kanyang ngiti hanggang sa makaharap ang babaeng nakasalamin na nakatingin sa kanya. Binati niya ito sabay abot sa resume niya.

Iminuwestra nitong maupo siya kaya umupo siya sa harapan nito at pasimpleng huminga ng malalim.

"Good afternoon, Miss Elizabeth Fang. What do you want me to address you?"

"Call me Eliza, Madame. That was my nick name." Nakangiti niyang tugon kahit sa kaloob-looban niya ay kabadong-kabado siya.

"So Eliza, tell me something about yourself."

Huminga siya ng malalim bago sumagot, "My pleasure, Ma'am. I am Elizabeth Fang,  twenty three years old, I am freshgraduate of Bachelor of science in Architecture in Celestine University. I am a summ cum laude and soon will took my board exam, for now I want to complete my goals and I believe that It was in your company."

"What are your hobbies, Eliza? Can you share some?"

"I love to read books and watching horror and paranormal movies."

"What was the last movie you watched? Can you summarize the movie for me?"

"It was, Crimson peak. The story was all about the two incest sibling, the older sister are obsessed with her brother, and in order to keep theit wealth they are both agree that the brother need to marry a rich woman and kill who were going to hindrance their plan. To make the story short, the brother fell in love with the last woman he married, the sister found out and tried to kill his wife but he never let her, instead, the brother got killed by her own sister, and the wife was the one who killed the psychopath sister. The end."

Napangiti sa kanya ang HR at masuring tinignan ang resume niya. "You were an Architecture graduate, why are you applying for secretarial position?"

"Just like what I said earlier, I have to reach my goals and I am confident that I will be fit for that position even If it has nothing to do for what course I took." Tumango-tango sa kanya ang HR at mataman siyang tinignan saka nag-excuse sakanya sandali. Nakita niya itong tumayo at kinuha ang wireless phone saka pinindot iyon. Narinig niyang may kausap ito kaya iniwas na lamang niya ang tingin at itinuon ang atensyon sa nanlalamig na kamay.

Ilang sandali pa ay bumalik na ito na may malawak na ngiti. May dala itong papel at ibinigay sakanya, binasa niya ito at bahagyang nanlaki ang mga mata.

"Endorsement letter?" She asked.

"Yes Eliza, please proceed to thirty-first floor for your final interview. Congratulations." Anito na ngumiti pa sa kanya at tumayo. Tumayo na rin siya at inabot ang nakalahad nitong kamay at nakipagkamay.

Nakahinga lamang siya ng malalim nang makalabas siya sa silid at nginitian si Kuya Marvin nang madaanan niya ito.

Alam niyang expected na niyang makakapasa siya pero iba parin pala talaga ang feeling kapag nangyari na. Agad siyang nakasakay ng elevator at mabilis na nakarating sa last floor. Kumpara sa pinanggalingan niya, napakatahimik at tila walang tao sa floor na ito. Dahan-dahan siyang pumasok sa doubl glass door na bumungad sakanya pagkababa sa elevator at nakita ang dalawang babae na nakaupo sa kanya-kanyang table. Lumapit sa kanya ang isa na nasa may bandang kaliwa, ngumiti naman siya dito at ipinakita ang letter na ibinigay sa kanya kanina.

Sinamahan siya nito hanggang sa labas ng pinto ng sa tingin niya ay final interviewer. Kumatok doon ang babae saka pinihit ang seradura. Nag-alangan pa siyang pumasok kaya napatingin siya doon sa babae pero ngumiti lamang ito at bahagya siyang tinulak. Napalunok na lamang siya at napahinga ng malalim. Iniayos niya ang sarili at inihanda ang ngiti, hinanap niya ang mag-iinterview sa kanya at ganon na lang ang kaba niya nang makita ang isang lalaking naka-coat and tie na mataman na nakatingin sa kanya habang nakangisi na parang kanina pa siya pinapanuod.

"Good afternoon, Sir." Bati niya dito, at pinilit na maging buo ang boses niya.

"Have a sit, Ms. Fang." Anito sakanya sabay turo sa couch na nasa harapan ng mesa nito.

She expected this but not this too soon! Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? Bakit biglang nakaramdam siya ng ilang matapos ang mga narinig niya? Lalo tuloy siyang desidido na malaman ang totoo.

I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon