Chapter 36: Painful Passing

14.4K 485 34
                                    

Chapter 36: Painful Passing

"She's definitely not the one who took the photo, but she may have an explanation for this." Raine.

Tumayo kaagad ako sa'king kinauupuan at kinuha ang litrato na hawak ni Raine bago pa man niya ito mailayo sa'kin. I only intended to confirm if it was really Krisha, but... but the woman Krisha was holding turned out to be the one I've been looking for.

I was stiffened at my feet.

"Hey stay out of this." Ang paghawi ng kamay sa'kin ni Raine matapos niyang subukan bawiin ang litrato na hindi niya matagumpay na nakuha.

Nanatili ang mata ko sa babaeng duguan. Halos walang makawalang salita sa aking bibig. I couldn't even lay a finger on this woman to keep her safe from me. Now what did they do.

"This was Kylie's mom." Halos pumiyok ako sa pagtatago ng nararamdaman ko, but I think I managed to straighten myself. "Nasaan siya?" Gamit ang usual na tono ng pananalita, tinanong ko sila.

I have a bad feeling about this. Natatakot ako sa isasagot nila.

"Ang sabi ko kasi sa'yo huwag ka ng makialam." Halo ng mapanisi at guilty tugon sa'kin ni Raine.

"Sagutin mo ang tinatanong ko." Gusto kong maging kalmado at magpanggap na walang pakialam. Pero nanay ko ang nakahandusay. She was the stranger who hid and raised me when I had no one. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob 'yon.

Tinignan ko sila Raine at Alliyah. Tila bigla na lang nilang nalunok ang mga dila nila dahil hindi nila kayang sagutin ang tanong ko. Natawa ako sa kawalan at mapait na ngumiti habang pinagmamasdan sila isa-isa.

"Kilala niyo kung sinong gumawa nito." Mas mahinahong sambit ko sa kanila when realization hit me. I know those eyes when they're hiding something. When they're protecting somebody na hindi ko alam kung worth it ba maprotektahan.

"Look Yira, alam namin na importante sa'yo ang mga Vergara. Naging parte rin sila ng Council. We were just as angry as you are right now nang nalaman namin. They never deserved this." Pananabat ni Alliyah ngunit mas bumigat lang ang loob ko sa sinabi niya.

Naging parte kamo? They banished them. Ayun nga ang dahilan kung bakit sila nagtatago. Lagi nilang sinasabing naiintindihan nila ako, kahit na ang totoo, wala talaga silang pakialam sa kahit sino maliban sa mga sarili nila. Isabelle was just one of the traitors they needed to get rid of.

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Don't make me feel better with lies, and don't misunderstand me. I'm asking this because she was one of the people whom I promised to protect. How dare you touched her when I am here letting you use me! Si Lady Kayla ba?"

That's obvious. Sino pa nga bang gagawa nito kung lahat kami rito natutulog nang mga oras na 'yon.

"Ano bang nangyayari?." Tanong ni Andrew na clueless pa rin sa pinag-uusapan naming tatlo. I showed the picture to them. Now we're all on the same page.

"Unang una, kumalma muna tayong lahat. Hindi natin maayos 'tong problema kung lahat tayo nadadala ng galit. Pangalawa, don't make a conclusion yet. Inaalam din namin ang nangyari." Ani Alliyah na hinablot ang litrato sa'kin at siya na mismo ang nag-crumple at nagsira nito sa harapan ko.

"That was evidence. Did you just destroy it?" Tanong ko, hindi mapakaniwala.

"Because none of these matters. Don't let this tiny paper ruin our friendship. 'Pag sinabi ko sa'yong ginagawa namin lahat para malaman ang totoo, maniwala ka. She was Kylie's mom, and Graciela's godmother. Kahit ako pa mismo ang magdala sa'yo ng taong gumawa nito. I'll have you punish her. Happy?"

Princess Of The Two KingdomsWhere stories live. Discover now