Chapter 1

107K 2K 120
                                    

Chapter 1: The Lost One

Pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa maliit na silong ng isang bahay malapit lang sa bahay namin. Hindi mapakali ang mga paa ko habang nararamdaman ang maliliit na sunod sunod na talsik ng ulan ang dumarampi sa'king mga binti.

Kumuha ako ng malalim na buntong hininga at pinakawalan din ito agad. Bakit kasi hindi ako sinundo ni Daddy, nakalimutan niya ba na date naming dalawa ngayon?.

Kamalas-malasan ko pang naiwanan ko ang payong ko sa bahay, lowbat pa ang cellphone ko. Ngayon, maghihintay pa akong tumila ang ulan.

Mariin kong pinunasan ang mukha ko nang lumakas pa ang hangin at nadala ang isang katutak na tipak ng ulan sa'king mukha.

Bakit ba ang iritado ko ngayong araw??.

Should I just sing the rain rain go away?. Mag-iisang oras na kong nakatayo rito, wala bang balak huminto 'tong ulan?. Kahit man lang tumigil siya kahit saglit nang makauwi na 'ko ng bahay, pitong bahay na lang naman oh.

Ilang minuto pa ang itinayo ko bago ko napagpasiyahang sumuko at magpaulan na lang para lang makauwi sa bahay na pitong bahay lang naman ang pagitan.

Mariin kong yinakap ang dala-dala kong bag upang hindi masyadong mabasa ng ulan bago nagpalamon sa dilim ng kalangitan.

Sana lang talaga walang pasok bukas, kapalit man lang sa pagpapaulan ko ngayon.

Ramdam ko ang mabibigat na tipak ng ulan ang bumabagsak mula ulo hanggang balikat ko nang umalis ako sa aking tinataguan. Kada hakbang na gawin ko ang siya ring paghina at pag gaan ng mga bumabagsak sa akin.

Hanggang sa ikapang-lima kong hakbang, tuluyang nawala ang ulan at mabilis na sumilip ang araw na kaninang nagtatago sa makapal na ulap.

Nahinto rin ako sandali, dala dala ang iritado kong mukha. Nananadya ba talaga ang panahon??. Nakakatuwa 'yon?.

Kailangan ko pa ba munang lumusong bago siya tumigil?.

Ilang beses akong napailing, kung naghintay pa sana siguro ako ng mga limang segundo. I really hate myself for being bad at waiting.

Pero mas okay na rin siguro ito kaysa naman iyong tumigil siya kung kailan nakarating na ako ng bahay.

Ibinalik kong muli ang aking bag sa aking likuran at naglakad. May nakasalubong akong isang lalaki na nakasuot din ng uniporme ng eskwelahang pinapasukan ko ang bumagal sa paglalakad nang makita ako.

Tumagal ng ilang segundo ang tingin nito sa akin at ganoon din ang tingin ko sa kanya bago namin nilagpasan ang isa't isa. Seems like he wanna ask me something.

Huminto ako at nilingon siya muli kung sakali na magtanong ito sa akin at hindi rin naman ako nabigo.

''Pasensya ka na, pero pwedeng magtanong? Alam mo ba kung saan ang Jablo de Pablo rito?." Kusang umukit ang kunot sa aking noo nang marinig ang lugar na kanyang tinatanong.

"Pasensya ka na rin, ngayon ko lang narinig ang lugar na 'yon."

Tama lamang ang kulay ng balat niya, nangibabaw kaagad ang kulay abo niyang contact lens at kaagaw-agaw pansin din ang mapula niyang labi.

"Sigurado ka? May nakapagsabi sa akin na malapit lang siya dito sa lugar niyo." Anito na tila pinagpipilitan na mayroong ganoong lugar dito sa amin.

Tumango ako. "Subdivision 'to, baka sa labas." I answered.

Nakita ko itong tumango at ngumiti, nabasa ko rin ang labi nitong nagsabi ng 'good' na walang tunog.

Princess Of The Two KingdomsWhere stories live. Discover now