Chapter 2 - Erin

391 8 4
                                    

Chapter 2 – Erin

May I know why Miss Lim?” tanong sa akin ni Director.

Ahh... It's kinda personal po kasi Sir.” sagot ko sakanya.

Mmmm... Okay, pero I want you to know na if magbabago pa rin ang isip mo, just approach me kung sakali ako pa rin ang director.” yan ang gusto ko kay Sir eh, sobrang bait talaga.

Yes Sir. Thank you po.” sabi ko sakanya “Can I leave Sir?” sabay nginitian ko siya.

Yes Erin.”

Bye Sir. Thanks.” umalis ako sa office at diretsong pumunta sa library.

Humiram ako ng book para sa Ped subject namin at saka ako umuwi pero bago ako umuwi, dumaan muna ako sa kiosk para makita si Romeo.

Ang gwapo mo talaga...Haay...”halos pabulong ko sinabi nang makita siya nakaupo sa metal table ng kiosk habang may hawak na gitara. Bakit kasi ako pa? Bakit kasi sayo pa ako nainlove ng ganito?

Sana ako ang tinutugtugan mo.” wala sa sariling nasabi ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at mabilis na nagtago sa likod ng nakapark na kotse.

Pare type ka ata ng scholar na yun.” narinig ko sinabi ng kasama niya na nakaupo sa kabilang mesa.

Lumingon si Romeo sa kotse kung saan ako nagtago at ngumiti.

Parang sa akin siya ngumingiti! Pero No... Haaay... Malabong mangyare... Nagpasya na lang ako na pumunta sa locker ko para kunin ang hand-out ko sa Math.

Uy Erin!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Dadalawang tao lang ako kilala ako. Si Director at Miyu, I mean... Dadalawang tao lang ang tumatawag sa pangalan ko na walang halo ng sarkastikong tono.

Huminga ako ng malalim at saka ko siya hinarap. “Hi Miyu.” Napakaganda niya talaga, may halo kasi siyang american.

May gagawin ka pa ba Erin?” tanong niya.

Mmm... Wala naman na. Bakit?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stalker ni Romeo (Original Story MZG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon