Chapter 1 - Romeo

387 6 0
                                    

Chapter 1 - Romeo

Sorry Romeo pero talagang mahina na ang puso mo. You need to undergo into a transplant.” hindi ko nakayanan ang sinabi ng Doctor ko.

“Kung magpapatransplant po ba ako Doc, ilang posibility na mabubuhay pa rin ako?” matapang kong tanong sa kanya.

Fifty percent.”

Nagsi-iyakan na ang pamilya ko sa narinig nila maliban kay Daddy.

Bakit fifty percent lang po Doc?” tanong ni Daddy.

Nakasalalay po yan kung tatanggapin ng katawan ni Romeo ang bagong puso na ilalagay sakanya, Mister Ryan.” sagot ni Doctor Lim kay Daddy.

Kung ganun po, hindi na ako mag-uundergo sa heart transplant. Mom and Dad, mauna na po ako kase may klase pa ako. Doc sige po.” tumayo ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Tinapik ako ni Kuya Rico habang umiiyak na yumakap sa akin si Laurisse, ang bunso kong kapatid na babae.

Dalhin mo kotse ko. Nandiyan ba student's license mo?” tumango ako sabay kuha ng susi ni Kuya.

Alis na po ako.” lumabas ako ng hospital at tinungo ang parking lot. “Bakit ako pa? Marami namang tao diyan? Bakit ako pa!” sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. Hindi ko na nagawang pigilan ang luha kong lumabas.

Simula noong nalaman namin na may sakit ako, pinaalis ako ni Daddy sa varsity nung high school at hindi na ako nakapagtryout this college. Hindi na ako makakalaro ng basketball, hindi ako makagawa ng mabibigat na bagay... Lahat bawal! Sabi ko sa sarili ko.

Nagpasya na lamang ako pumunta ng eskwelahan kaysa umiyak sa loob ng kotse pero bakit pa ako mag-aaral kahit alam kong mamamatay na ako? Dyahe talaga...

Hello Romeo!” bati sa akin ng schoolmate ko pagkababa ko sasakyan.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad ko papunta sa locker.

Bro hindi ka ba mag-tatry out sa basketball? Second year na tayo eh.” lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Fio.

Ah hindi na. Sige...” binuksan ko ang locker ko at may nahulog na papel sa floor. Bigla akong naawa at nainis... “Ah! Kailan ba talaga ako titigilan ng babaeng yun!” sigaw ko pati si Fio nabigla din. Kinuha ko ang papel sa floor.

Stalker ni Romeo (Original Story MZG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon