Chapter 1 - Romeo

Magsimula sa umpisa
                                    

To: Romeo James

You + Me = Love :)

Love, Stalker ni Romeo

Simula nung nakilala ko siya hindi na niya ako tinigilan. Araw-araw siya kung magbigay ng love letter! Puno na ang box ko sa bahay pero naiinis ako kailangan ko na siyang kausapin para tigilan na niya ako.

Walang saysay dahil ako pa ang nagustuhan niya.

Lubayan mo na ako...” mahinang sabi ko habang binabagtas ko ang hallway papunta sa backfield kung saan ko siya madalas makita.

Tama nga ako. Malayo pa lang ay tanaw ko na siya.

Hoy!” sigaw ko. Napalingon siya sa akin na nakangiti.

Hi Romeo.” bati niya pero tinitigan ko lang siya.

Kailan mo ba ako titigilan?” simula ko.

“Bakit?”

Nakakasawa nang basahin ang mga sulat mo, pwede ba lubayan mo na ako? Hindi kita gusto!” uminit bigla ang ulo ko sakanya. Halatang nagulat siya pero kung hindi ko ito gagawin baka mas lalo pa siyang masaktan.

It's okay Romeo.” ayokong saktan siya pero kailangan.

Anong it's okay?!”

Okay lang kung hindi mo ako gusto. Basta ako gusto kita.” nakangiti niyang tugon.

Kahit kailan hindi ako magkakagusto... sa isang scholar na katulad mo.” alam kong below na belt na yon pero I have no choice.

It's okay. Alam ko naman yun eh, pero ipagpapatuloy ko pa rin ang pagbibigay sayo ng letter.” nakangiti niya pa ring sagot.

Ah! Please... Lubayan mo na ako!” naramdaman kong kumirot ang dibdib ko.

No.”

Please ayoko talaga sayo. Nakakasawa ka na.” ano ba talaga ang gusto niya sa akin?

Bigla siyang tumahimik, nakatingin lang ako sakanya habang hawak-hawak ang dibdib ko.

Okay in one condition.” sabi niya.

Nakakunot ko siyang sinagot. “Anong condition naman yun?”

Be with me in three days. Take it or leave it?” seryoso siya.

Three days?” Anong pinaplano niya? “What do you mean?”

Samahan mo ako for three days. Basta samahan mo lang ako and after that hindi na kita guguluhin. Lulubayan na kita Romeo.” sagot niya.

Nag-isip ako. “Paano kung hindi ako pumayag?”

Ehh... Hindi kita lulubayan.”

Promise me after that three days, huwag mo na akong bibigyan ng love letter sa locker. Hindi ka na ngingiti sa akin sa tuwing magkikita tayo, lulubayan mo na ako at alisin mo na ang feelings mo sa akin.” paglalahad ko naman ng conditions ko.

DEAL.” nilahad niya ang isang kamay nito sa harapan ko.

Okay deal.” inabot ko ang kamay niya pero dampi pa lang parang nakukuryente ako. Mabilis ko ulit hiniwalay ang kamay ko sa kamay niya. Natawa siya ng konti, mas lalong lumiit ang chinita niyang mga mata.

Biglang nagring ang bell, tanda na may klase na.

Sige Romeo may gagawin pa kasi ako sa Student Affairs.” sabi niya at saka kinuha ang bag niya at libro sa damuhan.

Sige may klase na rin ako.”

Bukas ng 3pm pagkatapos ng klase natin magkita tayo ulit dito. Bye Romeo...” at naglakad na siya palayo.

Tama ba ang naging desisyon ko? Uggh... Basta pagkatapos lang ng tatlong araw, tapos na rin ang problema ko sakanya.

Ah teka! I forgot to ask her name! Pero para ano pa? Tsk... Bukas na lang ng... 3pm. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti.

SUSUNDAN...

---

VOTE AND COMMENT :)

Stalker ni Romeo (Original Story MZG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon