CHAPTER 45 - DOUBLE TROUBLE

Start from the beginning
                                    


Matutumba na sana ko ng nasalo ko ng isang lalaki.




“Khian?!”





“Who the f*ck are you?!”



“Mag kablock tayo nung 3rd and 4th year! Warren, remember?”



“Ahh yung matalinong bida bidang may gusto sa kapatid ko” – sabi ko sabay umupo na






Natawa naman ito maging si Adrian.





“Halata pala. Haha! Anyway, nice seeing you both!” – sabi nito. Tumungo naman si Adrian at ngumiti.





“I saw Dane ah, kayo tatlo lang?”




“Nope, kasama din namin sina Ram at Clace” – Adrian.





“Ahh.. ganun ba. Oh sige, punta lang ng cr. Say hi to Ashley for me!” – nakangiting sabi nito.






“Say HI your face!” – inis na sabi ko.





Natawa nalang sya at umalis na.





“Asan na ba yung dalawang ugok na yun! Alis na nga tayo dito! Nakakairita mga tao! Hatakin mo na yang kakambal mo! ” – sabi ko sabay tumayo na ng biglang nasanggi ko yung katabi kong lalaki at natapon yung iniinom nya sa damit nya.






“ABA’T! TARANTADO KA AH! MAY MATA KA BA?! TINGNAN MONG GINAWA MO?! KAKABILI KO LANG TO!”





“IKAW? MAY MATA KA DIN BA? DI MO BA NAKITA NAKATALIKOD AKO KAYA’T DI KO NAPANSING ANDYAN KA PALA SA LIKOD KO? AT PAKE KO KUNG KAKABILI MO LANG? EDI BUMILI KA ULIT! MUKHANG FEELING MAYAMAN KA NAMAN EH!” – sigaw ko.





“G*GO KA AH!” – sabi nito sabay sinuntok ako at dahilan para matumba ako.




Akalain nyong may lakas din palang manuntok tong hinayupak na to!





Tumayo ako agad at ginatihan sya ng suntok. Tumalsik naman ito.





“Tss!”




Bigla namang may lumapit sakanyang pitong lalaki. “BOSS!!”






“Uh-oh” – Adrian.




“SUGURIN YANG LALAKING YAN!” – sigaw nung sinuntok ko at sinugod na kami ni Adrian ng mga kasama nito.





Anak ng! Asan na ba yung tatlong ugok na kasama namin! Mukhang mapapalaban kami dito ah!





Nagkagulo na yung mga tao sa bar. Nahampas ako ng bote sa ulo ng isa sa mga kasama ng unggoy na yun. Buti nalang at nakaganti agad ako at nahampas ko sya ng upuan. Nakaramdam din sina Ram at Clace at tinulungan na kami. Si Dane ay tumba na dahil sa kalasingan.





At dahil malakas na yung tama ko, nakakaramdam na ko ng hilo at di na ko nakakasuntok ng maayos!







“F*CK!” – may pumalo na naman ng bote ng alak sa ulo ko! T*NG *NA! Nahihilo na ko. Bigla naman akong kinwelyuhan at ito ay yung boss nilang nabangga ko.





Bagsak na yung mga kasama nito at ganun din sina Ram, Clace at Adrian. SH*T





“Mayabang ka kasi! Tss!”, sabay sinuntok nya ko ulit.





A Gangster Daddy Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now