“Bye! Ingat” sabi ko sa kanya.
Kumaway naman siya sa akin at nagsimula nang maglakad palayo..
Habang tinitignan ko siya na naglalakad papalayo sa akin, unti-unti kong na-realize na siya talaga ang lalaking gusto kong makasama. Pero mahirap para sa akin yun dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako mahal ng taong mahal ko. Pero ganun pa man, makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako..
*****
Nikki's POV
“Hi girls!” bati kong sinabi kila Kylie, Jasmine at Ashley. As usual wala nanaman ang boys dahil nagpapractice sila para sa dance competition nila.
“Hi Bff!” sabi sa akin ni Ashley habang nagbabasa ng libro.
Mukhang si Ashley lang ang pumansin sa akin kasi mukhang busy yung dalawa kakatingin sa ipad ni Kylie. Pero ano kaya yung tinitignan nila?
Dahan dahan akong pumunta sa likod nila at....
“HUY!”
“Aaaaaahhhhhhhh” sigaw ni Kylie at Jasmine
“Ang taray, high pitch? Hahahahaha.. Anong ginagawa nyo diyan? Ano yung tinitignan nyo?” sabi ko sa kanila habang pilit na sinilip yung tinitignan nila.
“Ah eh.. Hi Nikki girl! K-Kanina ka pa ba dyan? Hehehe..” sabi ni Kylie tapos biglang tinago sa likod nila yung ipad.
“Actually, oo. Hindi nyo nga ako pinapansin eh. Ano yan?” sabi ko sa kanila
“W-Wala ‘to, wag mo nang tignan. Rated SPG, di ba Jas?” Sabi ni Kylie
“Ah, O-Oo nga.. Tama! Bawal sa mga batang katulad mo.” Sabi ni Jas habang pinilit itago yung nasa likod nila.
“Weee. Di nga, Share nyo naman.. Dali na” sabi ko sa kanila habang pilit kong inaagaw yung ipad.
“Wala nga kasi ‘to. Wag mo nalang intindihin. Ok?“ sabi ni Jasmine.
Hayys.. ang daya naman.. T_T
Ay, wait!
Ah alam ko na.. Wehehehe...
Tumingin ako sa soccer field tapos sumigaw ako.. “Uy! Si Dennis Kim! Naglalaro sa soccer field!”
![](https://img.wattpad.com/cover/8667169-288-k82183.jpg)
YOU ARE READING
Story of A Campus Girl
Teen Fiction"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkakataon. Pero para kay Nicole na Certified Campus girl sa isang prestigous Arts School, "Hate at First sight" ang nafeel nya nang naencounter a...
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Start from the beginning