Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect

Start from the beginning
                                    

“Oo. Ahm, bakit ka nga pala naglalakad?” Sabi ko kay Ian

“Ah.. yun ba? Hayss.. Grounded kasi ako kaya kinuha ni dad yung kotse ko. Ginabi kasi kami kahapon. Eto kasing si Toff eh. Kung saan kami dinala.”

“Ah.. ganun ba? Ahmm.. G-gusto mo ba, sabay na tayo ngayong pumunta ng school?”

“Sure, sige. Tara.. Sabay na tayo!” ngiting sabi ni Ian at inakbayan ako. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa nya.

“Nga pala, ba’t parang malalim yung iniisip mo kanina? May problema ba?” sabi nya sa akin ni Ian.

“Ahh.. yun ba? W-Wala yun. Hindi ko lang talaga siguro nakita na  may paparating na tricycle sa harapan ko”

Yun nalang ang nasabi ko kay Ian kahit hirap na hirap akong magsinungaling. Pero siguro tama nga si Nikki. Mas mabuting hindi ko muna sabihin ang totoo sa kanya..

“Ahh.. ganun ba? Hays.. Ikaw kasi eh.. Lagi kang naglalakad ng nakayuko. Dapat chin up lagi. Maganda ka naman eh.” Sabi nya sa akin habang nakangiti.

 

“T-talaga? M-maganda ako?”

 

“Oo kaya. Maganda kaya yung friend ko. Talented pa!” ngiting sabi nya sa akin.

“Hmm.. siguro sinasabi mo lang yan dahil friend mo ko?”

Huminto siya bigla sa paglalakad at humarap sa akin..

“Uy, hindi ah. Totoo kaya yun.. Ay wait! Halika..”

Hinatak ako ni Ian papunta sa guard na nagbabantay sa school..

“Goodmorning sir Christian” sabi ng guard

“Good morning din. Nga pala, may tanong ako sayo..  Maganda ba yung kasama ko ngayon?” ngiting sabi ni Ian.

Medyo na-conscious ako dahil tinignan ako ng guard at dahil sa ginawa ni Ian. Nahihiya kasi ako sa ginawa nya.

“Opo,sir! Maganda po siya.” Sabi ng guard habang nakangiti.

 “Kita mo na? Sabi ko sayo nagsasabi ako ng totoo eh. Kaya dapat chin-up ka palagi, ok?” sabi ni Ian habang nakangiti sakin.

At dahil sa mga ngiting yun, napangiti na rin ako.

“S-salamat..”

 

“Walang anuman. So paano, kita nalang mamaya ah. Punta na ako sa practice namin for dance competition. Saka gugulpihin ko pa si Toff eh. Hahaha. Ingat ka, Ash. Bye!” sabi nya sa akin.

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now