Chapter Seven

49 0 0
                                    

Chapter Seven

"Magandang umaga po Mrs. Lopez." Nakangiting bati ni Arryl sa ginang.

Magiliw naman itong gumanti ng bati at niyakap pa siya. Sa hinuha ni Arryl ay nasa mid-fifty's na ito ngunit napanatili nito ang magandang pangangatawan at mukha kaya hindi halata.

"Gusto mo bang makita ang lupa kaya ka naparito hija?" Nakangiting tanong ni Mrs. Lopez sa kanya.

Tumango si Arryl dito at ngumiti, "Opo."

Agad naman silang sumakay sa kotse ni Arryl na Audi. Habang papunta sa kanilang pupuntahan ay nagkukuwentuhan ang dalawa. Hindi naman sila magkamag-anak at sa katunayan ay ikalawang beses pa lang ng kanilang pagkikita ngunit sadyang magiliw ang ginang. Napakabait nito.

"Dito na hija, ihinto mo na riyan sa tabi." Anito makalipas ang ilang minuto.

Agad naman silang bumaba at namangha agad si Arryl sa lugar.

Napakaginhawa ng hangin doon dahil sa ilang puno na naroon. Malawak ang lupa at halos isang oras ang layo mula sa kabihasnan gaya ng gusto ni Arryl.

"Ang ganda po rito. Bakit wala pong ibang nagkainteres na bilhin ito?" Tanong ni Arryl sa ginang.

"Masyado raw kasing malayo mula sa lungsod, hindi raw iyon masyadong convenient."

Napailing-iling si Arryl sa sinabi ng ginang. Oo nga at karamihan nga ng tao ngayon ay madalas sa lungsod na nananatili para mas malapit sa kanilang trabaho. Hindi tulad niya na mas gustong malayo sa mga usok. Kinailangan lang niyang manatili sa lungsod dahil nandoon nga ang trabaho nilang magkapatid at wala pa siyang nahahanap na lupa na siya niyang pagtatayuan ng kanyang dream house ngunit ngayon ay mayroon na.

May sapat na ipon na si Arryl ngayon para makapaghulog muna ng lupa na pagtatayuan ng kanyang dream house. Kapag natapos na ang kasalukuyang proyekto niya ay ang pagpapatayo ng dream house niya ang kanyang aatupagin saka niya ibebenta ang kasalukuyang bahay niya sa lungsod.

"Gusto mo bang bilhin na hija?" Tanong ng ginang.

"Opo, kaya lang ay hindi ko po kayang i-full payment agad-agad. Magkano po ang magiging hulugan ko per month?"

Nakangiting sinagot naman ng ginang ang kanyang tanong saka sila nagkasundo sa kanilang pinag-usapan. Alam ni Arryl na malaki-laki ang magiging hulugan niya at matagal-tagal ito dahil malawak ang lupa ngunit desidido siyang mapasakanya ang lupa.

"Sige po Mrs. Lopez, dumaan lang po talaga ako dahil may trabaho pa po ako. Maraming salamat po." Nakangiting paalam ni Arryl pagkaabot niya ng down payment niya.

"Sayang naman hija, gusto pa kitang makakuwentuhan pero sige, mag-ingat ka." Nakangiting sabi ng ginang.

Ngumiti na lang din si Arryl saka muling nagpaalam. Hindi mapuknat ang ngiti ni Arryl habang siya ay nagmamaneho patungo sa kanyang trabaho. Mabuti na lang talaga at nai-suggest sa kanya ni Cassidy si Mrs. Lopez kung hindi ay baka hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap na lupa na pagtatayuan ng kanyang bahay na matagal na niyang pangarap.

Napahinga si Arryl ng malalim. Sa wakas ay unti-unti na niyang naaabot ang kanyang mga pangarap.

Napagdesisyunan ni Arryl na dumaan muna sa Sweet Ink upang bumili ng usual niyang kape na caramel macchiato at oreo cheesecake. Ayos lang kasi na medyo ma-late siya ngayon sa trabaho dahil wala pa namang nagiging aberya iyon sa mula nang ito ay magsimula isang buwan na ang nakakalipas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Into YouWhere stories live. Discover now