1

16.5K 225 18
                                    

Masakit pa rin.

Ilang buwan ko nang pinipilit ang sarili ko na kalimutan siya pero ang hirap. Ang hirap kalimutan ng isang taong minahal mo talaga nang sobra. Kahit anong gawin kong limot ay bumabalik at bumabalik pa rin siya sa isip ko. Na parang isang sirang plaka na patuloy sa pag-ulit sa utak ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay gano'n pa rin ang pakiramdam. Siguro, nabawasan lang ito nang konting sakit. 

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga at niyakap ang sarili ko. "Ang lamig." Tumuloy ako sa balcony ng kwarto. Pumikit ako at ninamnam ang sariwang hangin mula sa bakuran. Heto na, mabagal nang nagbabago ang klima at patuloy na sa paglabas ang araw.

Napadilat ako ng marinig ang pagbukas ng gate namin sa ibaba. Pumasok doon si Andrea, bestfriend ko. Mukhang nandito ulit siya para malaman kung ayos na ko.

"Hay, ang ganda ng umaga, 'di ba? Sariwang hangin at mukhang masarap 'yang dala mo." Bumaling ako ng tingin sa bitbit niyang plastic.  

Mahina siyang tumawa at nilapag 'yon sa side table ko. "Pwede ka nang manghula." Biro niya.

Ngumiti muna ko bago umupo sa kama. "Bakit ang ganda mo ngayon?" Bati ko sa kanya na todo ang pustura. Nakabistida siya na kapares ang supil na suot. Ang sexy niyang tingnan at talagang hindi mapagkakaila ang taglay na ganda.

"Tinatanong pa ba 'yan? Matagal na kong maganda." Mayabang siyang nag-flip ng buhok kaya natawa ko nang mahina. "Mukhang okay ka na, ha? Pwede na ba ulit masaktan?" dugtong niyang biro na nagpatigil sa pagtawa ko.

Mabilis na napawi ang ngiti ko at napalitan ng lungkot. Kinapa ko ang dibdib ko at muling bumaling sa kanya. "Siguro? Basta gwapo na ang pipiliin ko sa susunod. Para kahit masaktan ako, ayos lang."

"Gwapo naman si Ni—" "Ang sarap talaga ng binili mo!" Hindi ko na siya pinatapos. Ayokong marinig ang pangalan ng bwisit na 'yon. Isinusumpa ko siya.

"Mukhang hindi ka pa okay." Alangan niyang bulong habang nakasimangot. "Nag-aalala na kami sa'yo. Dalawang buwan ka na ring nage-emote diyan kay Nick." Umakbay siya sa akin at seryoso na kong tinignan sa mga mata.

"Okay na ko. Maniwala man kayo o hindi, wala na kong nararamdaman. Basta't huwag mo nang binabanggit ang pangalan ng bakulaw na 'yon."

"Tss, sure ka? Naku talaga naman. 'Wag na 'wag kitang makikita ulit sa harapan ng boarding house niya, na nagmamakaawa kung hindi! Babatukan talaga kita kahit marami pang tao sa paligid!" Nagpamewang siya kaya napatawa ko. 

Tumatawa ko ngayon pero ang totoo. Napapaisip ako sa mga ginawa ko para kay Nick. Ang OA ko, na umiyak pa ng umiyak sa harapan ng boarding house niya para lang magmakaawa. Magmakaawa na balikan niya ko.

"Bakit ko ba kasi minahal nang sobra ang bakulaw na 'yon?" bulong ko sa hangin na ikinatawa naman ni Andrea. Tinapik-tapik niya ko at sinabihan na ayos lang 'yan habang mabagal na tumatango.

Hirap man ako pero kailangan kong pumasok ng school. Hindi ako mapakali habang mag-isa kong umaakyat ng hagdanan. One hundred percent kasi ang chance na magkita kami ngayon. Of course, classmate ko siya pero hinihiling ko lang naman na mamaya na lang.

Kapag nakita ko siya ngayon ay siguradong ang agang masisira ng araw ko.

Napangiti ako sabay tigil sa paglakad. "Andrea!" sigaw ko. Muli akong lumakad pero nahinto rin ng makita si Nick. Kausap niya ngayon si Nick! Bigla akong kinabahan habang nakatitig sa kanilang dalawa.

Tumingin agad ako sa kaliwa't kanan para tingnan kung saan ako pwedeng tumakbo. Ayokong makita nila kong dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig nang umakma sa pagharap sa pwesto ko si Andrea. Mabilis akong tumakbo at nag-ala wonder woman para lang hindi nila ko makita.

My Lucky OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin