chapter 65: kaibigan

7.5K 200 15
                                    

chapter 65: kaibigan


"steph, umuwi ka muna, apat na araw ka na dito oh! baka hinahanap ka na ng mama mo" umiling ako kay ate loraine


"hindi ate loraine, nakapagpaalam naman na ako kila mama eh! kaya okay lang" ngumiti ako ng pilit kahit napaka lungkot ko


"okay lang ba talaga? eh! sa daddy mo? kay mr. mundell alam nya ba?" bumuntong hininga ako dahil ang bigat na ng dinadala kong problema


"oo ate loraine, alam nya, nakapag paalam na din ako sakanya" tumingin naman ako kay rude boy


gising ka na rude boy ko... miss na miss na kita eh! isang taon tayong di nagkasama tapos ngayo eto! ikaw naman ngayon? please rude boy gising na, di ko na kaya eh!


this time, tumulo nanaman yung luha kong araw-araw tumutulo dahil sa sitwasyon na ito


"umiiyak ka nanaman... araw araw nalang... kung nakikita ka ni rence ngayon malulungkot din yun" bigla ko namang pinunasan yung luha ko


"sorry ate loraine, di ko lang kasi mapigilan eh!" nabasag yung boses ko dahil sa iyak ko


"i understand. pero sana wag mong masyadong dalhin to, magiging okay din ang lahat" yinakap nya ako


"salamat ate loraine!" humagulgol na ako sa iyak


"tatagan mo loob mo, steph... gigising din yang si rence" di na ako sumagot dahil sa kakaiyak ko


-


"friend ano ba? umuwi ka naman na!" sigaw sakin ni kylie, umiling ako


"ayoko, kylie... baka magising sya at wala ako sa tabi nya, magalit pa 'to sakin" napakamot sya n ulo at napapikit ng mariin


"sino kaya ang kayang magpa-uwi sayo?" may sarcasm sa sinabi nya


"siguro sya lang" sabay turo ko kay rude boy na nakahiga parin sa kama simula nung umuwi


at ayun na nga bumagsak nanaman ang mga luha kong di napapagod na tumulo araw-araw


"umiiyak ka nanamang babae ka!" lumapit sakin si kylie at pinunasan ang luha kong tumulo


napayuko lang ako at humikbi ng humikbi


kailan ba sya magigising? kailan ba?


nagaalala na ako oh!


isang linggo ko na dito pero hindi parin sya nagigising!!!!


ano ba namang klase yan!!


hirap na hirap na ako, sana naman mapalitan na to ng saya, bakit puro nalang pagpapahirap

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon