Natawa ako sa kanya. Kaya pala hindi siya nagreklamo kasi ang akala niya ganun kaikli lang yung ginupit.

Ang hindi niya alam medyo mahaba haba ng kaunti yung ibinawas.

Narinig kong bumukas yung pinto ng isa sa mga kwarto, "Nandiyan na yung parents mo? Oh, is that your little sister?" tanong ni Beau mula sa hallway.

"Yup nandito na sila! And, this is Zabrina. Zab, say hi to Kuya Beau," utos ko kay Zab.

"Hi, Kuya Beau," nahiya at nagtago pa sa likod ko. Maya maya lang niyan aayain na niyang makipaglaro si Beau.

"Alright, tatawagin ko lang si Ace. Susunod na lang kami sa baba," ngayon ko lang napansin na hindi niya tinatawag na 'kuya' si Ace.

"Okay, diretso na lang kayo sa kitchen," nung pabalik na si Beau tinawag ko ulit siya. "Beau! Can I count on you?" mukhang nakuha naman niya agad kung anong sinasabi ko.

"As long as ipakilala mo ako sa mga girl friends mo." pagbibiro niya.

Nung nakita niyang nagsalubong yung kilay ko tumawa na lang siya and then motioned zipping his lips.

Habang naglalakad kami papunta sa kitchen, tinanong naman ako ni Zab kung sino daw yung guy.

Ang sagot ko sa kanya, bagong playmate niya.

Nakita kong nasa kitchen yung parents ko. Nandun din lahat ng helper namin. Siguro sinasabihan na silang lahat na may bagong madadagdag sa bahay.

"Mommy, Daddy why didn't you tell me na ngayon pala sila dadating?" tanong ko agad sa kanila.

"Hindi ba sinabi sa 'yo ng Dad mo.",sagot ni Mommy

"I thought you weren't interested?"depensa ni Daddy.

"I wasn't. Pero sana ni-remind niyo ko na ngayon yun. Muntik ko na kaya silang paalisin."

"Hahaha." tumawa lang si Dad.

Ilang sandali lang nasa kitchen na rin yung magkapatid.

"Boys!', sinalubong naman agad sila ni Dad. "Welcome!"

"Thanks, Tito!" sabi ni Ace.

"Welcome!" niyakap naman ni Mommy si Ace at Beau. "I assume nakilala niyo na si Zoe? And this is our little angel, Zab. Pasensya na kayo ah. Natagalan kami. Nagyaya kasi 'tong si Zab sa salon eh."

"Really? I thought ayaw niyang magpagupit?" sumingit ako sa usapan.

"Napadaan kasi kami sa salon. Tapos nagsabi siya na gusto niyang magpagupit pero nung nakaupo na siya biglang nagback out. Nagkaroon pa siya ng dilemma. And in the end, nagpagupit din. Did she tell you na ganyan ang preferred haircut niya?" kwento ni Mommy.

"Yes, nakwento na niya sa 'kin pero ang sabi niya ikaw daw yung nagyaya sa salon."

Natawa na lang kaming lahat kay Zab.

After ng pagpapakilala ng magkapatid sa lahat ng mga helper namin, hindi ko namalayan na malapit na pala magdinner.

Whew! Nakalimutan ko na yung mga kailangan kong gawin. Malapit na pa naman yung deadline nung mga yun.

Yung magkapatid naman bumalik sa pagaayos nung kwarto nila, tumulong na rin si Dad.

Habang nag hihintay, sinamahan ko muna si Zab sa kwarto niya para makita ko na yung pasalubong na ibibigay daw niya.

Minsan napaka thoughtful talaga ni Zab kaya lang minsan yung mga 'pasalubong' niya eh puro yung mga favorites naman niya. :3

Bukod sa napakaraming biscuits at junkfood, I am surprised na may iniabot siyang malaking paper bag pero pag tingin ko sa loob puro toys at coloring materials.

Kaya siguro ang tagal nila sa mall ang dami pang dinaanan.

She then asked me with her face so serious, "Do you think my new playmates will like my new toys?"

"Hahaha!" natawa na lang ako sa kanya. Talagang sineryoso niyang yung sinabi ng parents ko na magkakaroon siya ng bagong playmates.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

During dinner, kung ano ano rin ang napagkwentuhan. Ang dami ko rin nadiscover.

Nalaman kong 18 na rin si Ace katulad ko and si Beau naman  mas younger ng isang year.

Pareho rin kaming Freshman college ni Ace sa pasukan. Si Beau naman senior year na niya sa high school.

And, out of the blue nagtanong si Dad.

"So, Ace, how was your foot? Kailan daw pwedeng tanggalin yung cast?"

GULP.

Kahit hindi naman ako yung tinanong, hindi ko maiwasan na kabahan tuwing may makakapansin sa paa niya.

TO BE CONTINUED.....

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Don't forget to VOTE and COMMENT !!!!!!!

Love Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon