Chapter 32: Caught in Between

Start from the beginning
                                    

Nang makapasok na sya sa kwarto nya ay ibinagsak nya ang katawan sa kama. 

Naisip na naman nya na konting panahon na lang ay iiwan nya na uli ang lahat ng ito. 

Pero ano ba ang pumipigil sa kanya para umalis? 

Bakit parang mas mahirap para sa kanya na umalis ngayon? 

At bigla nyang naalala si Daniel. 

Tumayo sya sa kama at sumilip sa bintana para pagmasdan ang garden.

She stopped asking. She stopped wondering. She stopped hoping.

She just stopped.

And she wasn't going to take that route again. She promised herself this.

Habang nagmumunimuni ay nakita nya si Daniel na naglalakad papasok ng bahay.

“Oh shit!”

Agad nyang nakita ang paperbag at bag nya na nasa ibabaw ng kama. Itinapon nya ang bag nya sa ibabaw ng dresser at ang paper bag sa ilalim ng kama nya sinipa kasama ng sapatos nya.

Tatakbo pa sana sya sa closet para magbihis pero bigla na lamang bumukas ang pintuan.

Nang lingunin nya ito ay nakita nya ang inaasahan nya.

Sa pagkakakilala nya kay Daniel ay alam nyang hindi sya nito bibigyan ng benefit of the doubt. Pero bakit parang kalmado lamang ito. O baka paranoid lamang sya?

“Common courtesy ang kumatok bago pumasok.” Masungit na bati nya kay Daniel.

“Hello din sayo. Matanong kita, yung mga pulis ba kumakatok kapag nagraraid sila ng mga druglord?” Sagot ni Daniel.

“Mukha ba kong druglord?”

“Hindi. But you are sly. Kaya nga kailangan ko maginspection.”

“Wow. Umuwi ka ng maaga para lang maginspection? How sweet.” Sarcastic na sagot ni Kathryn.

“Wag mo masyadong pakiligin ang sarili mo. Ayoko lang ng niloloko ako.”

Lumapit si Kathryn sa kanya.

“Kung tungkol ito sa note na iniwan mo kaninang umaga – which by the way ay completely absurd. As you can see, andito naman ako. Satisfied?”

“Medyo. Andito ka ngayon, pero kung andito ka maghapon, hindi pa yan proven.”

*Gulp*

“Andito ako maghapon. Itanong mo pa sa mga tao. Tawagan mo si Julia M or sa opisina ko kung nakita nila ko kanina.”

“Mukhang confident ka?”

“I am.”

Tinitigan sya ni Daniel saka bumaling ang tingin sa paa nya.

“Tinanggal mo yung bandage?”

“S..syempre kinailangan ko maligo. And besides, okay na ko. Nakakatayo na nga ako ng maayos.”

“Alright. So diba sabi mo andito ka lang maghapon?” Tumingin si Daniel sa paligid ng kwarto para maghanap ng ebidensya.

“Yes.”

“Dito lang sa kwarto mo?”

“Yes.”

“Ng nakadamit pang-alis?”

Natigilan si Kathryn pero hindi nya ito pinahalata. If Daniel is good at anything, it’s at cornering people. Pero hindi sya pwedeng magpatalo ngayon.

“I was bored. Kaya sinukat ko yung iba kong damit.”

Hindi sumagot si Daniel at naglakad ito ng mabagal papunta sa dresser nya.

His movements were executed in a painfully slow manner.

Pinipigil ni Kathryn ang hininga habang iniangat ni Daniel ang bag nya.

“Pati bag  sinukat mo?”

“Syempre kailangan ko malaman kung alin ang bagay sa damit ko.” Inis na inis na si Kathryn sa sarili at sa pagiging lousy liar nya sa araw na iyon.

“Ganun ba yun?”

“Yes.”

Tumayo ng maayos si Daniel at inilagay ang kamay sa bulsa.

“Sige, sabi mo eh.”

*Yun na yun?!*

Nagulat si Kathryn na ganoon lamang ang ginawang “investigation” ni Daniel. Parang may kakaiba sa kinikilos nito.

“By the way…” Nagsalita uli si Daniel at humarap sa kanya bago ito makalabas ng pintuan. “Sorry pala kasi muntik na kitang masagasaan ng bago kong Ford Explorer habang tumatawid ka kanina.”

Kathryn froze, gaping at Daniel sa sobrang shock.

“Ikaw?! Ikaw yun???” Nauutal na sigaw nya sa binata. Inalala nya ang nangyari at isang pulang Ford Explorer nga ang muntik nang makasagasa sa kanya. Hindi nya alam na may ganung sasakyan pala ito.

Kelan pa lumiit ng ganoon kaliit ang mundo?

“At isa pa. Pag dadaan ka sa secret passage, isara mo naman yung gate. Ibalik mo din yung mga vines sa dating ayos. Ganoon ang dapat gawin para mapanatiling secret yun. Okay?”

Damn. Huling huli.

Kahit gustuhin ni Kathryn na sumagot pa, hindi na nya magawa. Ayaw na nyang isipin ang kahihiyan na dulot ng mga kasinungalingan nya kanina.

Hindi naman mapigilan ni Daniel na magpakita ng isang triumphant smile dahil alam nyang na-caught off guard si Kathryn sa mga sinabi nya. Lalabas na sana sya ng tuluyan sa pintuan nang may maalala sya.

“Ay at bago ko pala makalimutan…” Tinitigan nya si Kathryn at nagsmirk. “You owe me a kiss.”

Tumalikod na ito at tuloy tuloy na lumabas ng pinto.

___________

Author’s Note: Sabaw update. Kasing sabaw ng mga watty kwento about DJ’s condition. Hahahahaha.    

After AllWhere stories live. Discover now