Chapter 4

46 3 1
                                    

Wade's POV


"Wow" ito agad ang lumabas sa bibig ko nang madaanan ko ang strawberry farm ng mga Lagdameo


Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinituan ko ito.


Lumapit ako sa gate ng farm, ibang-iba na rin ang gate nito.


"Manong pwedeng pumasok?" tanong ko sa guwardiyang nagbabantay


"Opo sir, mamaya pa namang alas singko magsasara itong farm" tugon nito saka may kinuhang parang logbook siguro "Pakilagay na lang po ng pangalan niyo at pakipirmahan" dagdag nito


"Pakibasa na lang po nung mga guidelines sir para alam niyo po yung pwede at hindi pwedeng gawin sa farm" paliwanag nito


"Sige salamat po"


Pagkatapos ko'ng magsulat sa logbook ay pinapasok na ako ng guard


Namangha ako sa nakita ko. It changed a lot.


So on business pa rin pala ang farm na ito at ang laki na ng pinagbago, dati-rati kasi para lang siyang simpleng farm, wala kang ibang makikita kundi mga nakahilerang mga strawberries, pag nadaanan mo siya parang wala lang, yung ganun. The only thing that will attract you to enter the farm ay yung mapupulang strawberries na umaagaw pansin sa mga dumaraan dito. So kapag walang bunga, napakaplain lang niya tingnan.


But now, ibang-iba na siya, hindi na lang nakasadsad sa lupa o nakatago sa mga dahon yung bunga ng strawberries kundi mero na rin sa taas. para kasing naglagay sila ng structure gamit ang bamboo trees para doon gagapang yung mga strawberry vines.


Tapos naglagay na rin sila ng parang fountain at iba pang mga statue na nakapagpadagdag sa ganda ng farm. Meron na ring cottages na may nakahandang blending utensils such as blender at mga ingredients na pde mong gamitin kung gusto mong gumawa ng strawberry shake.


Nakakita rin ako ng section kung saan may timbangan, siguro dito na titimbangin yung mga pinitas na strawberries para mabigyan ng presyo. Kasalukuyan na maraming nakapila ngayon doon, siguro tapos na sila sa pag-iikot ng farm since malapit na itong magsara kaya pinatimbang na nila yung mga pinamitas nilang strawberry.


Nagsimula na akong mamitas ng strawberries, naaliw ako sa pamimitas ng strawberries lalo pa nung maalala ko ulit yung batang babae. 


Sana makita ko siya uli dito...


Halos isang oras rin akong namitas at marami-rami na rin itong napipitas ko kaya naman pinatimbang ko na ito.


Mag-aalas singko na at malapit nang magsara ang farm kaya pakunti na ng pakunti ang mga tao.


Bago ako tuluyang lumabas, sinulyapan ko ulit ang kabuoan ng farm. Ang ganda talaga


"Salamat sa pagpunta, Balik po kayo" salubong ng guard sa mga palabas na tao

Painful Past (LDL Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon