Until the Last Page

190 7 2
                                        

Writing Down My Memory

***

Kasalukuyan akong nagsusulat sa yellow notebook ko ng biglang  bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Genevieve, dinalhan kita ng lunch. Kain ka na."

Isang babaeng edad 30 pataas ang pumasok habang may hawak na dalawang paper bag sa magkabilang kamay.

Pero hindi iyon ang makakuha ng atensyon ko.

Yung babae mismo.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sakanya kaya bigla siyang nagsalita.

"I know what you're thinking, Gen. I'm your mom. You call me Mommy Therese. Halika na't kakain na tayo. Ipinagluto kita sa bahay ng paborito mong kare-kare. Pagkatapos mong kumain, inumin mo ang gamot mo. Okay?"

Instead of answering her, napayuko na lang ako.

"I- I'm sorry." nahihiya kong sabi.

Grabe. Nakakainis. 

Sa lahat pa ng taong pwede kong malimutan, siya pa. Ang mommy ko.

Lumapit siya saakin at iniangat ang ulo ko.

"That's okay my dear Genevieve. Everything's gonna be alright."

We just ate together habang siya ay nagku-kwento tungkol saakin.

Half-listening lang ako. Bakit?

Kasi, mamaya, pagtulog ko hanggang sa paggising ko eh malilimutan ko lang naman yan.

Pagkatapos niya akong pakainin at painumin ng gamot ay umalis na siya.

Mag-isa na lang ako sa kwarto habang nakatitig sa nakabukas na bintana.

Haaay. 1:56 p.m na. Ilang oras na lang, babalik nanaman ako sa dati. Aatake nanaman ang sakit ko.

Muli kong binalikan ang notebook ko na sabi doon sa note eh story daw na dapat kong tapusin.

Nang buksan ko ito hanggang sa pinaka-huling pahina na may sulat,

"Aixt! Nakalimutan ko nanaman ang sunod kong isusulat!"

Napalo ko ang ulo ko.

The next thing I know, tears were streaming down my face.

I hate it! I hate it! I hate my life!

Why? Why of all people ako pa ang nabigyan ng ganitong sakit?

Ang hirap. Mahirap mabuhay lalo na kapag yung mga taong inaasahan mo sa buhay eh hindi mo maalala.

Mahirap mabuhay lalo na kapag di mo na talaga alam ang gagawin mo.

I feel helpless, I feel hopeless.

Si Mommy, nakalimutan ko.

By now, di ko kilala ang daddy ko. It sucks right?

Di ko nga alam kung may daddy pa ako. 

Argh! I can't even remember details about me, my family, and other important people in my life.

Anterograde Amnesia.

That's what the note posted at the foot of my bed says.

It says that it is an amnesia wherein a person won't be able to remember details or events that occured in the recent past.

Cliche isn't it?

Well. It's the irony of life.

I have to suffer, so does the people around me.

The Last Pages of my MemoryWhere stories live. Discover now