Chapter Forty Five

Depuis le début
                                    

~*~

"Nice, boss!" sabi kay Ian ng assistant niya pagkalabas nila ng restaurant.

Positive ang resulta ng meeting niya. Hindi siya makapaniwalang ganun na lang matutuwa sa kanya ang kliyente. Siguro dahil na rin sa kanina pa sinasabi ng assistant niya—may kakaiba raw sa aura niya.

Nalaman din ng kliyente na katatapos lang ng kasal niya. Kung tutuusin, halos buong pag-uusap nila ay umikot sa kwento nila ni Joy.

"Ang galing mo dun, boss. Ibang-iba sa mga dati mong meeting!" sabi pa ni Louie.

"Hindi ako magaling dati?" biro niya sa seryosong tono.

Nakita niyang nag-panic agad ang assistant niya at nagpaliwanag.

"Hindi naman sa ganun, boss. Lagi naman kayong magaling e. May iba lang sa—"

"Oo na. Binibiro lang naman kita e," natatawang sabi niya.

Nakahinga agad ng maluwag ang binata saka tumingin uli sa kanya.

"Pero seryoso, boss. May iba talaga sa aura mo."

"Isa pang beses na sabihin mo 'yan, babawasan ko sahod mo," aniya pero nakangiti naman.

"'Wag ganun, boss!"

Tinawanan niya lang ito nang marami pa itong sinasabi. May sinasabi pa ito tungkol sa pagbuhay ng pamilya at kung ano pa. Naiiling na lang siya at sumakay sa sasakyan niya.

~*~

"Aalis na rin ako ng alas kwatro," aniya kay Louie pagkalabas ng opisina niya. Nahuli niya pang nagngingitian ito at ang isa niya pang assistant na si Billie.

Sumeryoso siya kunwari saka tumikhim.

"Bawal ang office romance," aniya pero binawi niya rin agad. I'm kidding, make sure you're safe... always," pasimpleng sabi niya saka tumalikod.

Nakita niya pang namula ang dalawa at napatungo pa si Billie.

Papasok na sana uli siya sa opisina niya nang maalalang may kukunin sa assistant kaya siya lumabas.

"Oh, Louie, I need the contract for Mr. Grasa. I need to review some terms. I think we would be changing some," aniya.

"Okay, Sir."

Mabilis na binuksan nito ang drawer at kinuha ang ilang folder na nandun. Pero hindi sa mga folder napako ang mata niya kundi sa nasa ilalim noon—and doodle ni Joy na "X-Ian".

"Akala ko tinapon mo na 'yan?" mahinahong tanong niya. Pero sa loob niya, naiinis siya. Ayaw niya na sanang maalalang hindi naman siya ang tinutukoy sa mga doodle na 'yun.

"Uhm... ano kasi, boss... sayang kasi... baka magbago 'yung isip niyo kaya 'di ko na lang muna tinapon. 'Di bale itatapon ko na po," anito at akmang itatapon nang hablutin niya 'yun.

"Ako nang bahala," aniya saka kinuha na rin ang mga hinihinging dokumento.

Mabilis na pumasok siya sa opisina niya at tinitigan ang doodle.

Sandali rin siyang nasa ganung ayos hanggang sa ilagay niya na lang 'yun basta sa drawer niya. Hindi na siguro mahalaga kung sino 'yun. Ang mahalaga na lang, mahal siya ni Joy. At nararamdaman niya 'yun.

Napangiti siya sa naisip. Nagmamadali na ring inayos niya lahat ng dapat ayusin para maka-uwi na sa asawa.

~*~

Mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo ng sasakyan niya para lang makarating sa Tagaytay nang maliwanag pa. Ang kaso, naipit pa rin siya sa traffic kaya naman papadilim na nang makarating siya. Naisip niyang bilhan ng maraming pagkain si Joy.

He's My BrideOù les histoires vivent. Découvrez maintenant