79: Championship game

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pambihira naman, o!"

Napalayo agad kami ni Jeydon sa isa't isa. Nilingon namin kung sino 'yong nagsalita.

"Ang aga-aga, ang sweet n'yong dalawa? Baka anayin kayo niyan, ah."

Lumapit sa kanya si Jeydon tapos binatukan siya.

"Panira ka rin ng moment." Napakamot na lang ng ulo si Troy. "Bakit ang aga mo, ha, Troy?"

"Wala na kasi sina Ginno at Six sa team kaya kailangan kong i-practice 'yong dalawang bago natin. Tsaka si Coach, e. Kailangan ng expertise ko." Wow, nagising talaga siya nang maaga para lang do'n? Dedicated siya masyado sa game mamaya. At anong sabi ng expertise niya? "Hindi ko pa tuloy makakasabay si Tiffany. Mamaya pa kasi siya papasok, e."

Siguro gumagawa na si Tiffany ng banner para kay Troy. Si Lucas kaya, gumagawa na ng banner para kay Jeydon? Gusto ko sana, ako ang gumawa ng banner kaso hindi ako pwedeng hindi pumasok. Huhu! Bakit kasi 'yong araw na 'yon pa ako magre-report?

"Wifey, anong nangyari sa 'yo? Bakit parang natulala ka?" Naging preoccupied pala ako. "Baka mamaya, may masakit talaga sa 'yo?"

Nilapitan ako ni Troy. Kinapa niya 'yong noo ko para tingnan kung may lagnat ba ako. "Wala ka namang lagnat. Anong masakit, best friend?" Hinila naman siya ni Jeydon palayo sa 'kin.

"Ako ang boyfriend, 'di ba, Troy? Ako?"

"Kahit kailan, selfish ka talaga. Boyfriend ka lang! Best friend naman ako. Ang best friend, hindi naghihiwalay."

"Mas mahal niya ako!"

Hindi pa rin sila nagbabago. Kahit kailan naman talaga, o.

"Tumigil nga kayong dalawa! Gutom lang 'to." Hindi pa pala ako kumakain.

"Ano ka ba naman, best friend? Baka mamaya, magkasakit ka niyan. Jeydon naman, ginugutom mo si Candice, e."

"Alam kong binubusog kita sa pagmamahal ko pero hindi mo pa rin dapat ginugutom 'yang tiyan mo."

Hinila niya agad ako papasok sa loob ng school. Napakamot ulo na lang si Troy sa 'ming dalawa.

Dumiretso kaming dalawa sa canteen. Bumili siya ng napakaraming pagkain, akala mo naman, may fiesta.

"Kumain ka nang marami, you're going to need that later." Nilapag niya 'yong mga pagkain sa harap ko. Akala mo naman, wala nang bukas. Alam kong matakaw ako pero hindi naman ako PG, e. "Kailangan marami kang lakas para makapag-cheer ka sa 'kin nang maayos."

"Don't worry, hubby, aayusin ko 'yong pag-cheer ko sa 'yo."

Kung alam mo lang, nagpatulong pa talaga ako kay Lucas para gumawa ng banner. Buti na lang, binilin ko rin kay Mama 'yong about do'n sa banner na 'yon. 'Yon naman kasing seloso kong boyfriend, e, nagtampo na naman. 'Yon tuloy, hindi ko naabutan si Lucas sa bahay. Bahala na sina Mama ro'n.

Sa dinami-dami ng pagkaing binili ni Jeydon, akalain mong naubos ko 'yon? Muntik-muntikan pa akong ma-late sa first subject ko. Ang bilis kasi ng oras kapag kasama mo 'yong mahal mo. Buti na lang talaga, girl scout ako kaya handa ako sa report ko kahit wala na gaanong time makapag-prepare.

Noong nag-lunch break na, hindi ako dumiretso sa tambayan nina Jeydon. Wala kasi 'yong apat, nando'n na siguro sila sa sports complex. Si Tiffany naman, wala pa rin. Hindi pa rin yata tapos sa banner niya. Mag-isa tuloy akong kumain.

"Girls, nakita n'yo ba 'yong babae kanina?" Nagkumpulan 'yong Powerpuff Girls sa harap ng upuan ko.

"Ano ka ba, Anne? Hindi mo ba siya kilala? Siya lang naman si Kim."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon