Rose

"You might not remember a single thing but I remember everything on that fateful night." Hindi ako sumasagot. Nanatiling nakatingin lang ako sakanya. Paano niya nalaman 'yung nangyari 20 years ago? Kahit ako hindi ko matandaan kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon. Sila mama and daddy naman ay hindi na iyon binabanggit kapag nasa harapan nila ako. Hindi na namin iyon pinag-uusapan. Bakit kailangan niya pang ipaalala?

Cold yet politly I answer, "And I don't. Wala narin akong balak alamin pa."

"Not just because you're hurt, you have the license to hurt others. It doesn't work that way, it never did." Lumakad ako papalapit sakanya dahil sa sinabi niya.

"Not just because you know something about me, gave you the permission to ruin everything. It doesn't work that way, it never did."

Tinalukaran ko na siya at aalis na sana ng balcony ng hinawakan niya ang braso ko. "October 30, 1996 around 9 pm at the intersection of Quezon Ave."

Napatingin ako sakanya. Ano'ng pinagsasabi niya?

"Nagtatakbuhan tayong dalawa noon kasi nasiraan ang sasakyan na gamit natin. Galing lang tayo sa halloween party na ginawa sa school, tayong dalawa pa nga ang best in costume. Ang saya natin noon hanggang sa mapagod ka kakatakbo kaya umupo ka sa gutter ng daan. Tinabihan kita at tinanong kung may masakit ba sa'yo sabi mo wala, napagod ka lang kamo..." hindi ko maintindihan pero para siyang nagb-blur pero nakita ko na patuloy parin siya sa pagsasalita. Hanggang sa ibang scene na ang makita ko. Gabi, sa intersection ng Quezon Ave., may dalawang batang naka-costume na nakaupo sa gutter hindi kalayuan sa nasiraan na sasakyan.


"Rose, are you okay? May masakit ba sa'yo?" I looked up to Stone's worried face. Nagsmile na lang ako kasi wala namang masakit sa'kin.

"Napagod lang ako, ayaw mo kasi pataya eh. Daya!" nagsmile rin siya saka umupo sa tabi ko.

"Edi wala ng thrill kung lagi na lang ako papataya sa'yo."

"Kahit na!" nagpout pa ako kasi medyo naiinis ako. Haba kasi ng tinakbo ko pero hindi ko parin siya naabutan. Daya!

"Sige. Ganito na lang. Ako na lang lagi taya pero ikaw ang bestfriend ko na dapat forever."

Nagsmile ulit ako, a big one. "Sige, sige!"

"Promise?"

Kinuha ko ang right hand niya saka inayos ang pinky niya. "Pinky promise!" saka ko initertwined ang pinky namin.


"Stop!" sigaw ko as I pushed him away. Nasalo niya naman ako ng muntik na akong mahulog.

"Rose?"

"Bitawan mo ako!" saka ako ulit lumayo sakanya dahil sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yung nakita ko o scene sa movie. Panaginip? Baka flashback. Hindi, impossible. Ngayon ko lang nakita si Stone, ngayon ko lang siya nakilala. Hindi pwedeng matagal ko na siyang nakakasama.

Then it hit me hard. Bago ba ako maaksidente parte na siya ng buhay ko? Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito ng sobra.


"Rose!"


Ellaine

Nginitian ko si Captain na kaharap ko ngayon. Pinuntahan niya kasi ako sa para sabay kaming mag-lunch. Ewan ko ba diyan. Gandang-ganda sa'kin at ayaw akong maalis sa paningin niya. Not to mention na sa Manila ang office niya at ako naman sa Ortigas. Oo, ganoon kasi ako kaganda.

IIIWhere stories live. Discover now