8 ||

33 3 0
                                    



Clarissa

"Okay, mom. I understand. I love you." Then I ended the call. Pinapabalik na ako sa New York bukas. Nagkaroon daw kasi ng problema sa department na hinahawakan ko.

Itinapon ko palayo ang phone ko sa'kin. Okay lang 'yun kasi sa sofa ko lang din naman tinapon. Isinandal ko ang katawan at ulo ko sa sofa at pumikit. Parang mas lalo lang nagkaroon ng problema nung umuwi ako, walang naayos lalo lang nagulo. Ako ata ang problema nila.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito kakaisip. Si Rose at Renz hindi ko narin nakikita simula nung aksidente. Si Rose parang inilayo niya na ang sarili niya sa'kin. Naiinitidihan ko ang rason niya pero hindi ko maintindihan ang ginagawa niya, may pagkakaiba kasi 'yun. Si Renz naman hindi ko maiwasang isipin kung bakit si Rose pa kasi ang naging girlfriend. Kung sa iba siya nainlove baka hind magiging ganito ka-komplikado, sana hindi ko na lang best friend. Para hindi masakit sa'kin lalo na kay Rose pero tulad nga ng sinabi ni Cameron, maliit lang ang mundo. Napailing ako. Maliit na nga mas piniliit pa ni Renz. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil lahat naman ng katangian na hinahanap mo sa babae ay na kay Rose na. Sa'ming tatlo kasi siya ata 'yung perfect girl na sinasabi ng mga lalake.

"TAO POOO!" nahulog ako sa sofa sa gulat ng may sumigaw mula sa labas ng pintuan. Nasa condo lang kasi ako.

Lumapit ako sa pinto at sinilip muna kung sino ang tao na sumigaw at napapailing na binuksan ang pinto nung nakita ko kung sino.

"Naglagay ka pa ng doorbell hindi mo naman pala maririnig." Saka siya pumasok sa unit ko ng nakasimangot. Napangiti na lang ako ng nagdadabog na nilagay niya sa mesa ang ice cream at pizza na dala niya.

"Dito ka ba matutulog?"

Hindi siya tumingin sa'kin at dumiretso sa kusina para tingnan 'yung laman ng ref. "Ano ba 'yan! Puro vegetables at fruits ang laman."

"Healthy living,"

Nag make face lang siya saka umupo sa sofa at binuksan ang pizza. "Umupo ka kaya. Condo mo kaya 'to."

"Baliw ka talaga. Bakit ka ba nandito?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. Binuksan niya ang TV ko saka itinaas ang paa sa mesa na nasa harapan namin at kumagat ng malaki sa pizza.

"May problema ka nga talaga. Kailan mo pa nagustuhan ang pizza?" hindi parin siya nakatingin sa'kin pero unti-unti niyang inilayo ang pizza sakanya.

"Ang hirap nung hindi mo alam ang problema mo." Naipiling na lang ako sa sinabi niya. Hindi niya alam pero ako alam ko.

"Baka naman ayaw mo lang aminin." Nakangiti siya pero nagulat ako ng may tumulong luha sa mata niya. Sa ilang taon na pagkakaibigan namin ngayon ko lang ata siya nakitang umiyak. Para kasing kahit alam namin na may problema siya hindi na kami nagtatanong dahil alam namin na kaya niya at baka mas makagulo lang kami. Lagi niya kasing pinapakita na kaya niya lahat pero ngayon? Mukhang hindi na niya kaya.

"Nood tayo ng The Conjuring at Insidious para naman maiyak ako." Saka siya tumayo at lumapit sa lalagyanan ng mga cd. Malamang iniiwasan ang topic.

"Dumaan ako kala Rose kanina, wala naman siya. May pinuntahan daw na event sabi ni tita. Busy nung tao na 'yun ano? Busy na sa lovelife, busy pa sa career." Kwento niya. Napangiti na lang ako. Kahit kalian ka talaga, Ellaine.

"Si Den kamusta na?" napatigil siya sa paghahanap pero nagpatuloy din.

"Malay ko doon sa abnormal na baliw na talaba na 'yun. Huwag mo na nga banggitin ang pangalan nun!" hay naku, Ellaine. Kalian mo kaya maaamin sa sarili mo na nahulog ka na sa lalakeng kinaiinisan mo?

IIIWhere stories live. Discover now