***
*tiktilaoook*

*chirp* *chirp* *chirp* *chirp*

*tiktilaoook*

Hm… Hindi naman ganun tunog ng alarm ko ah.

*tiktilaoook*

Nasan na ba ‘yung phone ko? Hm… Parang ang tigas ata ng kama ko.

Dinilat ko ‘yung mata ko. Napabangon ako bigla. Wala nga pala ako sa bahay. Tinignan ko ‘yung lapag, wala na si boss. Tumayo na ako at inayos ‘yung papag. Naghilamos ako’t nagmumog. Nagpalit ng you now na kasi nga meron. Dalawang balot pa ‘to, inabot sakin kagabi ni Trevor. Saka lumabas na ng kubo. Hinanap ko sa paligid si Trevor. Nakita ko naman si Lola Carling na nakikipagchikahan sa isa pang matanda. “Lola, magandang umaga po.”

Napalingon sa akin si Lola, “Haba’y hanong magandang humaga. Tangali na, ia.”

Napansin kong nagbabalot sila ng kanin at isda sa dahon ng saging. “Ano pong ginagawa ninyo?”

“Hay nagaanda ng tangalian ng mga kalalakian sa bukid. Pumarine ka at tumulong. Magugas ka ng kamay. Dali. Dali.”

Naghugas na ako ng kamay at tumulong sa paglalagay ng pagkain sa dahon. Nasaan kaya si Trevor? “Lola nakita niyo po ba si Trevor?”

“Alina! Alina!” Hindi niya ako pinansin at hinila na.

Dala dala namin sa isang basket ‘yung mga pagkain. May feeding program? Saan ba kami pupunta?

Hanggang sa makarating kami sa malawak na bukiran. May mga lalaking nakayuko’t nagtatanim. Pumasok kami sa parang isang shed na may la mesa sa gitna tapos may bench na kahoy sa palibot.

Nilibot ko ‘yung paningin ko sa bukid. Don’t tell me nagtatanim siya dito. Parang ang imposible nun ah. Billionaire CEO nagtatanim? Hm… Pero imagine this na lang, hot papa na naka-white fitted sando tapos bakat abs tapos putik putik na ang muscular biceps pero mukha pa ding yummy kahit babad na sa araw. Kyaaaah! Dyusmiyo, Marimar! Hindi ko na pala kailangang iimagine, kase nakatambad sa mata ko ngayon ‘yung hot farmer na dinidescribe ko. Bakit kailangang maging ganyan ka-hot, boss?

“Lola, marunong bang magtanim ‘yang si Trevor?” tanong ko kay Lola Carling.

“Haba’y oo naman! Tuwing iyan ay nadalaw dito, palagi iyang tumutulong sa mga gawain dine.”

Sumigaw na si Lola Carling at nagsilapitan na ‘yung mga lalaki sa may poso para maghugas ng kamay. Sinusundan ko lang ng tingin si Trevor.

Nang makalapit siya dito iniwas ko naman agad ‘yung tingin ko. Mamaya sabihin pinagnanasaan ko siya. Kapal ng mukha niya. Kahit totoo. Nyehehe. Gah! Stahp it, Summer! Kumuha na ako ng pagkain sa basket at inabot sakanya. Di ko siya tinitignan. Naiilang ako. Umupo na lang ako at luminga linga sa paligid. ‘Yung mga babae dito pinupunasan ‘yung mga lalaki dito at pinaghahainan ng pagkain. Okay. Awkward.

“Hindi mo man lang ba pupunasan pawis ko,” bulong  nung katabi ko. Dahan dahan ko siyang nilingon. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi.

Undercover Chic (Published under Immac Publishing House)Where stories live. Discover now