Prologue

1.1K 64 3
                                    

Prologue

..~*+*~*+*~*+*~..

Palihim niyang pinanunuod ang mga estudyanteng nagsipasok sa loob ng malaking gusali. Sa kabila ng masisiglang ekspresyong nakapinta sa kanilang mukha, tila ba'y may bahid ng kaba at pagkabahala ang umaaligid sa kanilang mga ngiti.

Lumapit ang isang lalaki sa kanya at yumuko bilang pagbati. "Handa na po ang lahat."

Nilingon niya ito at binigyan ng isang matamis na ngiti. "The students?"

"Kumpleto na po."

"Petals?"

"Hinihintay na lamang po ang inyong senyales."

"Excellent."

Isang tango ang kanyang ginawa. Tumahimik ang buong paligid hanggang sa umulan ng mga talulot ng bulaklak ang langit.

Nagpakawala ng nakakabinging tili ang bawat isang estudyanteng nakasaksi sa pag-ulan ng mga talulot ng bulaklak mula sa langit.

Muli, isang matamis na ngiti ang ipininta sa kanyang mga labi.

"It has begun," mahinang bulong niya habang pinanunuod ang pagbagsak ng mga talulot mula sa lagit.

Sumapit na ang ikaapat ng buwan ng taon. Muling magbubukas ang tahanang kukupkop sa mga kabataang nais manirahan dito. At sa muling pagbubukas ng tahanang ito ay kasabay ng pagbubukas ng... teatro.

... ang teatro ng Arco Iris.

..~*+*~*+*~*+*~..


Obra de Teatro (Stage Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon