Seen Zoned Fail [SHORT STORY]

3.4K 87 27
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. An resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential.



Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.



©MidnightThunk


-----------------------
TRIXIE'S POV


Ayyy buhay nga naman oh. Makapag online nga.


Ayun. Online si Daniel!! Daniel Dela Rama. Ang aking kababata, crush, mahal, bestfriend, close friend, ay lahat na! Mahal ko siya pero di niya alam. Matagal na kami hindi nagkikita. Pero kahapon lang, sa D High pala siya pumasok. Ayun nagkita kami, nagkakwentuhan nagkakulitan etc.


Trixie: hi daniel :)


Ilang minuto pa ang nakalipas, di pa rin siya nagrereply. Eh ano pa nga ba? Hindi pa naman nagseseen eh. Sent palang.


Napaisip ako. Tungkol samin ni Daniel. Kami kaya magkakatuluyan?


Seen 2:47


Shemay! Ayan na! Seen na! Yes makakachat ko ulit si danieeeel!


*tick tock tick tock*


Oh? Hanggang seen lang? Di man lang nagreply?! Ah baka busy lang.


Napasandal ako sa upuan ko habang nakatitig sa salitang seen. Nag-aantay sa reply niya. Ano ba daniel? Ganyanan na ba? Psh.. ignorante!


Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko sa news feed. Si Kyla Sobrevega. Ang.. crush dati ni daniel. Ang lagi niyang kinukwento sakin dati. Nagpost.


Kyla Sobrevega

Ahh!! Super sarap kachat si Papa D <3 :"> Welcome back to manila Daniel! -with Daniel Dela Rama

Daniel Dela Rama and 6 others like this


Naramdaman kong lumakas ang pagtibok ng puso ko at ang paninikip ng dibdib ko. Ano 'to? Kachat niya si Kyla? Tapos ako, andito nagaantay ng reply niya? And to think na mas close kami!!


Trixie: daniel???


Agad agad bumungad ang salitang seen pagkaenter ko ng text. Isang minuto, dalawang minuto, wala paring reply. Napagdesisyonan kong iflood siya hanggang sa pansinin niya ko.


Trixie: ganyanan na ba ha daniel?
Trixie: hoy..


Seen 3:04


Putek ah napipikon na ko. Namumula na ata ako sa sobrang inis.


Trixie: HOY DANIEL!
Trixie: ANO BA?
Trixie: Ignorante ka na ba ha?
Trixie: Kung makachat ka siguro kay kyla na CRUSH mo siguro hanggang ngayon, wagas ano?
Trixie: nakakainis ka!


Seen 3:10


Argh..


Trixie: Hindi ka talaga sasagot?!
Trixie: ang sama ng ugali mo! Alam ko namang nakikita mo 'to!
Trixie: sana sabihin mo nalang na busy ka makipaglandian kay kyla kaya di mo ko mareplyan ni isang letra!
Trixie: Ano?!
Trixie:....


Seen 3:16


Trixie: G*go!!
Trixie: ano ba?! BAD TRIP AH!
Trixie: SA LAHAT NG PINAGSAMAHAN NATIN GANYAN GANYAN LANG?
Trixie: Ganyan lang ba kadali sayo na hindi ako pansinin ha?


Di ko namalayang umiiyak na 'ko. Ang sakit kasi eh.. ang tagal ko na siyang gustong makasama at makausap, tapos ganito? Puro nalang siya Kyla!

Last na 'to..


Trixie: f*ck you


Seen 3:20


Ayan. Wag ka na magrereply. Sinisira mo lang araw ko.


Napahiga ako sa kama ko at umiyak iyak. Bigla naman akong nakarinig ng beep. Kumbaga may nagchat!


Napatayo ako at lumapit sa laptop ko sa desk. Halos malaglag ang panga ko dahil walang nagchat.. nagreply lang.


Daniel: Sfnr, nasa cr ako. Nag-aayos kasi ako ng itsura ko para naman pag nagkita tayo mamaya, mas malaglag ka sakin.


Napatakip ako ng bibig at tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Mag kikita kami?!


Trixie: ano? Magkikita?
Daniel: ha? hindi mo ba nakuha sulat ko? pinabigay ko kay kyla kagabi.

Kay kyla?!

Trixie: wala akong natatanggap..
Daniel: Aish! Kachat ko siya kagabi eh! Sabi ko idaan sayo kasi di ako makapunta jan!


Napatakip namaman ako ng bibig ng makita ko ang post ni Kyla na nakita ko kanina. Y-yesterday?!


Wala na kong ibang nagawa kundi magfacepalm.


Daniel: kunin mo nalang sa mommy mo yung dress na bili ko para sayo..

M-may bili siyang dress para sakin?!


Daniel: At.. Oo.. Date 'to. Dress your best trixie. Kasi ako ilang oras nag-ayos habang finoflood mo ko ng kabaliwan. Ang kulit kulit mo talaga.


Halos sumabog ang puso ko sa mga nababasa ko ngayon, lalo na't nakalagay ang Daniel is typing.


Daniel: It's one of the reasons that I like you. Yes, i like you. But I'll tell you later. I'll call you when I'm ready to pick you up there so be ready by 6. Wag kang mag-alala sa itsura mo. Because you'll always be beautiful in my eyes ;)


Magrereply na sana ako nang may inenter siya ulit.


Daniel: ok sorry kanta yung last line ko hahahahaha baho 


---------------------------------

Seen Zoned Fail [SHORT STORY]Where stories live. Discover now