CHAPTER 31: TOGETHER AGAIN

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinabukasan ay agad na nagtungo sila sa NBI na may hawak ng kaso nila Bret at Yassi.

Nakaharap nila si Sandro na siya head ng departamentong iyon.

"Are you sure Ms. Yas that you're okay to do this now? We can postpone so you can have enough rest." tanong sa kanya ng binata.
"No sir it's okay. We wanna see who did this to us." sambit ni Yas sabay tingin kay Bret.
"Okay. If that's what you want." agad na may tinawag itong tao at ilang minuto lamang ang nakalipas ay kaharap na nila ang serial killer. Tahimik ang lahat ng makarap ng mga biktima ang salarin sa pagkakasaksak sa kanila.
"Ilabas niyo na siya." tila nagko-control ng galit si Bret at si Yassi naman ay mukhang takot ng makita ito. Hiningian siya ng salaysay gayun din si Bret upang maipataw na ang kasong dapat isampa dito.

Nang matapos ay hinatid ni Nadine ang mga kaibigan sa parking lot.
"Guys, please take care of Yas. I can't accompany you. Kailangan kong tapusin yung mga binigay niyong statement to file the cases." agad na napatingin siya kay James at ngumiti lang ito.
"Kami ng bahala.." sagot naman nito. Agad na sumakay sila ng sasakyan at naiwan si James.
"Text me if you're done. Susunduin kita mamaya." at agad na pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan. Hindi na sila nagpahalata pa kaya naman hindi na sumagot pa si Nadine pero deep inside ay natutuwa ang dalaga. Namimiss niya ang dating patagong paghatid at pagsundo sa kanya ni James noong magkasintahan pa lamang sila. Pumasok na rin siya sa loob at inasikaso ang mga statement na ibinigay sa kanila nila Yassi at Bret.

"Nadz!" tawag sa kanya ni Sandro.
"Yes?" lumapit ang dalaga dito.
"There's something wrong.." sambit nito habang hawak-hawak ang mga papel na testimonya ng mga kaibigan.
"Wrong with what?" tanong ni Nadine.
"Here.. basahin mo." sabay abot sa kanya ni Sandro ng mga papel.
"Yas testimonial is different from the suspect. Sabi niya balak niyang pagnakawan si Yas pero ni isang gamit at walang nawala doon. Yung mga pangyayari is somehow magkakaiba. Bret and Yas has the same story pero iba yung sa suspect." agad na nagkatinginan yung dalawa.
"Do you think there is something wrong? Una ko pa lang makita yung mukha niya alam ko ng may kakaiba. Pero the black rose tattoo, yun yung palatandaan ni Bret at yung biktima bago ang mga kaibigan ko." kinabahan silang parehas.
"I have to go. Kailangan kong alamin kung saan siya galing." tatayo na siya ng pigilan siya ni Sandro.
"No ako ng bahala. Stay here. Kailangan mo pang magpahinga." at agad itong tumingin sa sugat niya. Umalis si Sandro at naiwang mag-isa si Nadine. Maghapong hinintay niya ang tawag nito ngunit nagtext itong magpahinga na muna siya.
Nang lumabas siya ng opisina ay agad na may tumigil sa kanyang sasakyan. Alam niya kung kanino iyon kaya naman sumakay agad siya dito.
"Okay ka lang?" tanong nito sa kanya.
"Yeah. Sorry hindi na kita natext ang dami ko kasing iniisip." sagot ng dalaga.
"I know kaya nga hinintay na lang kitang lumabas." agad na tiningnan siya ni Nadine.
"You mean kanina kapa andon?" halatang nagulat ang dalaga ngunit ngiti lang ang sinagot sa kanya ni James.
"James, please don't do that again. Papagurin mo lang sarili mo." sambit ng dalaga.
"Anything for my wifey. Kahit maghintay ako ng matagal." bigla naman pinamulahan si Nadine sa cheesy line na iyon ng kasintahan.
"By the way, na-file naba yung kaso para dun sa killer?" tanong nito.
"Not yet. Meron kasi kaming nakitang kakaiba ni Sandro." napakunot ang noo ni James habang nagmamaneho.
"What do you mean?" takang tanong nito.
"Bret and Yassi's testimony are the same pero sobrang layo sa kwento nung suspect. There's something wrong that's why Sandro needs to get further information about this killer. Wala rin kasing bumibisita na kamag-anak niya. Something's weird." kwento ni Nadine.
"You mean hindi siya yung killer?" wala man sinasabi si Nadine ngunit alam niyang nakuha agad ng kasintahan ang ibig niyang sabihin.
"That's what we need to find out." sagot naman ng binata.

Pagkahatid sa kanya ni James ay agad na tinanong niya ito.

"Nasabi mo na ba yung Dianne about us?" hinihintay niya ang sagot ng kaharap. Ngumiti ito ng nakakaloko.
"What?" tila nairita ang dalaga.
"So up until now you're jealous with her?" tanong ni James.
"Of course not, eh diba kayo?" inis na sambit ni Nadine.
"Wifey, hindi kami okay? Palabas lang yun para maging okay ako ulit sa mga fans. Don't worry I will make a statement na wala na kami." saad nito.
"No don't do that. Hayaan na lang muna natin na ganito. Baka magwala na naman mga fans mo. And one more thing kailangan din na hindi nila malaman dahil baka they will investigate about me" pahayag ni Nadine.
"Alright. So it's settle then.." sagot naman ni James.
"Hindi ka na ba papasok sa loob?" tanong nito.
"Something new wifey.. dati ayaw mong pinupuntahan kita dito." pang-aasar nito.
"Eh di wag!" pagtataray muli ng dalaga.
"I'm just kidding okay.. Next time na lang. I still have work for today." tumango lang ang dalaga at agad din siyang hinalikan ng nobyo.
"Lock all your doors. I love you.." paalam ni James at pinagmasdan lamang siya ni Nadine habang papalayo.

Nang makarating si James sa lugar kung saan gaganapin ang shoot ay nilapitan siya agad ng magandang babae na hindi nalalayo sa kanyang height.

"Hi James.." bati nito sa kanya.
"Hi Stef. How are you?" pangangamusta nito.
"I'm good. Are you free? Let's drink later after the shoot." aya nito sa kanya at halata ang pagpapa-cute sa binata.
"He needs to rest.." mula sa likuran ay tumambad sa kanilang harapan si Dianne.
"I have to go James. Text na lang?" at tumalikod na ito ngunit tinapunan siya ng masamang tingin ni Dianne. Akmang tatalikod si James nang pigilan siya ni Dianne.
"So nagkabalikan na pala kayo?" suddenly James turn around and tried to give her the-hell-you-care look.
"So totoo nga? After her bestfriend seduced you bigla mo siyang babalikan? How pathetic." hindi na napigilan pa ni James na mainis sa tinuran ng dalaga.
"Yassi didn't seduced me. I love Nadine from the very start. And you should wake up and accept the fact that I can never be yours anymore." ata agad na tinalikuran ito ng binata ngunit nagsalita pang muli si Dianne.
"Really? Tingnan natin kung anong magagawa ng pagmamahal mo.." pero hindi na siya nito pinansin at naglakad palayo sa dalaga.
"Humanda kayong lahat. Magsasama-sama kayo sa impyerno." then she laugh like an evil witch.


(ITUTULOY....)

BOOK 2: I'm in love with my PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon