CHAPTER 18: SANDRO IS BACK

792 23 0
                                    

"Yas!" sigaw nila parehas ni James. Dinala ng mga ito sa loob ng sasakyan ang kaibigan.
"What happened?" tanong ni Bret. Nakaayos na ng upo si Yassi matapos nila itong painumin ng tubig.
"S-si N-adz a-and J-josh.." utal-utal na sagot nito.
"Anong nangyari sa kanila?" tarantang tanong ni James nang marinig ang pangalan ni Nadine. Kinuwento naman ng dalaga ang buong nangyari sa knila nang nakalipas na oras.
"Stay here. Pupuntahan ko sila." agad na hinila ni Yas ang kamay ni James at pinigilan ito.
"Sasama ko." hindi na nakipag argumento pa si James at bandang huli'y napagpasiyahan nilang sundan ang mga kaibigan.

Sa kabilang banda ay narating na ni Nadine ang warehouse. Maingat niyang napasok ito na walang ingay na nililikha. Tulad nang ginawa niya sa building nila Yas ay sinadya niya munang puntahan ang cctv room upang makita ang mga kaganapan sa loob. Mula sa silid na iyon ay kitang-kita niya ang kaibigan na nakatali. Nakuyom niya ang palad nang mapag-alamang nahuli ito.
"Isang kilos mo lang todas ka!" rinig niya ang boses na iyon habang nakatutok sa kanya ang isang baril. Ubod ng lakas na nakipagbuno si Nadine sa lalaking bantay ng silid na iyon. Napatumba naman niya ito ng walang ingay na nilikha. Hinila niya ang katawan nito sa kabilang gawi upang walang makakita. Lumabas na siya at pinuntahan ang silid kung nasaan ang kaibigan. Alam niyang hindi siya handa sa mga oras na iyon pero wala na siyang ibang maisip kundi ang kaligtasan ng mga ito.

Nakapasok siya sa silid kung saan nakagapos ang kaibigan. Walang bantay ng mga oras na iyon kaya naman napasok niya ang silid. Mula sa likuran ay naglakad siya palapit sa nakagapos na binata. Agad naman naramdaman ni Josh ang kaluskos na iyon. Mula sa likuran ay ramdam niyang may nagtatanggal ng kanyang mga tali, dahan-dahan iyon, ngunit biglang dumating ang lalakeng may hawak-hawak na baril. Tuluyan nang natanggal ang kanyang mga gapos ngunit nagpanggap siyang nakatali pa rin. 
"Sumama ka sakin pakialamerong bata. Tapos kana ngayon." nang akmang hihilahin na si Josh ng lalaki ay ubod nang lakas niya itong sinuntok at siyang labas nman ni Nadine upang tulungan siya. Napatumba nila ang lalaki. Kinuha ni Nadine ang baril nito at bala mula sa bulsa. May nakita pa siyang baril sa bulsa nito at agad ding kinuha iyon. Lumingon siya sa kaibigan.
"You know how to use this right?" mukhang nakuha naman ng kanyang kaibigan ang ibig niyang sabihin. Inabot niya ang baril at nagmamadaling umalis ng silid na iyon. Nang akmang lalabas na ay natanaw sila ng isa lalaki.
"Hoy!" sigaw nito sa kanila at agad silang pinaputukan ng baril. Maagap naman si Nadine at agad na itinulak ang kaibigan. Pinaputukan niya ang lalaki at saktong natamaan naman ito.
"Are you okay?" tanong sa kanya ni Josh ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Hinila niya agad ang kaibigan upang maitakas ito. Ngunit napansin nilang marami pa lang bantay sa loob ng warehouse na yun. Kitang-kita ni Nadine na armado ang mga ito. Kinabahan siya hindi para sa sarili kundi para sa kanyang kaibigan. Kailangan niyang malayo ito.
"Josh, listen to me. Saulo mo ang mga daanan dito tama?" tumango ito habang hingal na hingal.
"Pag sinabi kong takbo, tumakbo kana. Ako ng bahala dito. Pasunod na rin yung mga NBI." sambit niya.
"No Nadz! I'll stay. Sabay tayong lalabas." pagmamatigas nito. Alam ni Nadine na wala ng oras para makipag matigasan pa sa kaibigan. Tiningnan niya na lamang ito at hinila papalayo sa mga bumabaril sa kanya.

Nakarating sina James at Yassi sa warehouse na iyon. Tinuro ni Yassi kung saan sila pwedeng dumaan upang walang makakita. May narinig silang mga putok ng baril at nagtinginan silang tatlo.
"Bret, stay here with Yas. Ako na papasok sa loob." utos ni James.
"Bro, sasama kami." pagsang-ayon naman ni Yassi. Wala na siyang ibang nagawa kaya naman tatlo silang pumasok sa lugar na iyon.

Mula sa loob ay madami ng napatumba si Nadine at dahil sa tulong na rin ni Josh. Iilan na lamang ang natitira sa masasamang loob na nasa loob ng warehouse. Muling nagpaputok ang ito at ilan doon ay natamaan ng dalaga.
"Josh wala ng oras. Just go." utos niya sa binata. Sasagot na sana ang binata ng mahagip ng mata niya si Yassi.
"Yas..." kunot ang noong sambit ni Josh. Agad naman napalingon si Nadine sa lugar kung saan nakatingin ang kaibigan.
"Shit! Anong ginagawa nila dito?" galit na sambit niya.
"Wala ng oras para magtalo pa Josh. Ilayo mo sila dito. I'll cover you." agad naman tumango ang binata. Nagpaputok si Nadine upang tuluyang makalayo ang kaibigan nang tamaan siya sa kaliwang braso.
"Nadz!" sigaw nito.
"Umalis kana! Save them. Gooo!" sigaw ng dalaga.
Kitang-kita nang binata ang pagdurugo ng braso nito. Ngunit sinunod na lamang niya ang utos nito. Agad naman niyang sinalubong ang mga kaibigan.
"What are you doing here?" agad niyang pinaputukan ang nasa likuran na lalaki. Tumili naman si Yassi at hinila ang mga ito sa gilid. Mula sa ibaba'y kitang-kita nila si Nadine na nakikipag palitang ng putok sa mga lalaking armado.
"May tama siya." sabay tingin ni Josh kay James. Akmang aalis ang binata nang pigilan siya nito.
"Armado sila. Just leave it to her. I know she can handle this." sambit ni Josh. Kuyom ang palad ni James nang mga sandaling iyon. Hindi niya mapigilang mag-alala para sa dating kasintahan. Si Bret ay hindi naman makapaniwala sa kakaibang Nadine na nakikita niya ngayon. Narinig nilang huminto na ang putukan. Sumilip sila sa labas at sinuguradong wala ng iba pang tao. Kita nila na hindi gumagalaw ang mga ito. Lumabas sila mula sa silid na pinagkukublian. Dahan-dahan at buong pag-iingat. Hinanap nila si Nadine at namataan nilang pababa ito. Mula sa likuran ay may sumulpot na isang lalaki. Hinila nito si Yassi at ngayo'y nakatutok sa kanilang kaibigan. Nabigla ang lahat at ni isa ay walang gustong gumalaw.
"Diyan na lamang kayo. Kundi, papaputukin ko ang bao ng babaeng to. Atras!" sigaw ng lalaki at nakita nilang umiiyak na si Yassi. Nagkubli si Nadine sa gilid nang pader. Pababa na siya nang makita niya ang lalakeng hawak-hawak ang kaibigan niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Wala na siyang bala kaya kailangang maging maingat siya sa gagawin niya. Umikot siya sa kabilang banda at sumenyas ito sa mga kaibigang wag silang gagawa ng kahit na ano. Nakuha naman ng mga ito ang gusto niyang ipahiwatig. Akmang babaliin na niya ang leeg nito nang biglang lumingon ito sa likuran. Nakipagbuno na ang dalaga sa lalaki at nabitawan nito si Yassi. Nag-agawan sila ng baril at ni hindi makalapit ang mga kaibigan niya.
"Alis na!" sigaw niya. Pero wala ni isa man ang gumagalaw sa mga ito. Tumilapon ang baril at agad na tumakbo ang lalaki papunta dito. Dahil wala ng oras upang mahabol pa niya ang lalaki ay may kinuha si Nadine na kutsilyo mula sa kanyang sapatos. Akmang ibabato na niya ito nang biglang may sunod-sunod na putok ng baril. Napalingon silang lahat sa pinang-galingan nito.
"Sandro?...." sambit ni Nadine. Kasunod noo'y ang mga agent na galing NBI at PDEA ang nakita nilang pumasok.
Lumapit si Sandro sa nakahigang si Nadine at agad na tinulungan itong bumangon.
"Thanks." sabay pagpag ni Nadine sa kanyang damit. Tinapik lamang siya nito sa balikat ngunit nang napa-aray ang dalaga ay agad nitong tiningnan ang kanyang braso.
"You're bleeding.." pag-aalala nito.
"Malayo sa bituka." walang emosyon na sambit nj Nadine. Agad naman niyang nilingon ang mga kaibigan at kitang-kita niya ang mga tingin ng dating kasintahan, nanunubok iyon at tila naghahanap ng eksplenasyon. Nilapitan siya ng medic ngunit tumanggi siya. Nakita niyang may kausap si Sandro sa di-kalayuan sa kanya.
"No news to be release about agent Nadine. Please cover it for us." at agad namang sumaludo sa kanya ang isa sa mga NBI agent. Alam na niya na gagawin iyon ni Sandro. Hindi pwedeng malaman na may isang special agent na pinadala ang FBI para sa special cases ng bansa. Maaari kasing malagay sa panganib ang dalaga.

Agad na nilapitan niya ang mga kaibigan. Naroon ang mga ito sa sasakyan ng medic at tinintingnan kung may mga sugat. Pinagmasdan nila sabay-sabay si Nadine.
"I can't answer your questions right now. May aasikasuhin pa ko. May maghahatid na sa inyong mga NBI. I'll see you one of these days." mukhang naintindihan naman ito ng kanyang mga kaibigan. Akmang tatalikod na si Nadine ng tawagin siya ni James.
"You're wounded.." bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"Malayo sa bituka. I'll be okay. Thanks." at ngumiti ito.
"Nadz..! Let's go?" tawag sa kanya ni Sandro.
Tumango lang ang dalaga at inakbayan naman siya nito upang alalayan. Kitang-kita ni James ang sweet gesture ng lalaki sa dating kasintahan. Muli ay may nabuhay na selos sa kanyang damdamin.




(ITUTULOY...)

BOOK 2: I'm in love with my PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon