Chapter 22: VACATION

934 25 3
                                    

"7pm tomorrow night.." paulit-ulit na nasa isip ni James ang mga katagang iyon ni Nadine. Nakauwi na siya ng kanyang condo ngunit ang dating kasintahan pa rin ang laman ng isip niya. Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa ginawang paghalik ng dalaga sa kanya at mas lalong kinikiliti ang kanyang tiyan lalo na't naiisip niya kung anong mangyayari kinabukasan. Wala man siyang ideya ngunit batid niyang magiging masaya sila ng araw na yun.

"See you tomorrow wifey.." bulong niya.

KINABUKASAN..

"7pm tonight. Corinthian Garden. Cancel all your appointments for 2days. Bring some clothes. Don't be late." napangiti agad si James nang umagang iyon pagkabasa pa lang ng nagtext sa kanya. Si Nadine iyon.

"Hi, did you receive my text?" bungad ni Nadine sa kabilang linya.

"Yeah. Bakit biglaan?" tanong naman nito.

"Sorry, kailangan ko kasi silang dalawin. I hope you don't mind." sagot naman ng dalaga.

"No worries. Just enjoy your 2 days rest. You take care." sagot naman nito sa kabilang linya.

"Thanks Sandro. You take care as well." then she ended the call.

Biglang napangiti ang dalaga nang maisip na magsasama sila ng dating nobyo. Hindi niya alam pero biglang may sumapi na kung ano sa kanya at nahalikan niya ito nang nagdaang gabi. Bukod pa doon ay inaya niya pa itong makipag kita. Alam niyang nagkusa ang kanyang katawan at ang isip ng araw na iyon.

"Bahala na.." bulong niya sa sarili. Balak niyang isama si James sa pag-uwi niya sa kanilang probinsiya. Nung una'y hindi siya pumayag sa ideya ng tiyahin na isama ang dating nobyo pero ewan niya ba at bigla na lang kusang lumabas iyon sa kanyang bibig.

Sumapit ang alas-7 ng gabi ng araw na iyon. Pagdating sa lugar kung saan ang napag-usapan nila ay natanaw agad ng dalaga amg dating nobyo.

"Aga ha.." bulong niya habang nagmamaniobra.

Binaba niya agad ang binata ng kotse.

"Let's go." aya ni Nadine. Pumasok naman agad ito at nilagay ang mga gamit sa likurang bahagi ng sasakyan.

"Saan mo ba ko itatanan?" biro ng binata. Binigyan niya agad ito ng masamang tingin.

"Don't assume James. This is tita Lilian's idea. Gusto niyang isama kita pauwi ng probinsiya. I'm just doing a favor." at pinaandar na niya ang makina ng sasakyan.

"Oh I see. How about the kiss? Is that part of the favor as well?" sabay ngumiti ito ng nakakaloko.

"Mang-iinis ka ba o iiwan na lang kita dito?" pagtataray ng dalaga.

"Fine. I'll zip my mouth my princess.." tila namula naman ang dalaga sa endearment na iyon ng dating nobyo. Agad na nag-iwas siya ng tingin at pinaharurot na lamang ang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang sila. Minsan ay napapatingin ang dalaga sa gawing kanan niya at nahuhuli naman siya ng kasama ngunit nginingitian lamang siya nito.

"The guy in the restau, who is he?" pagbasag ni James sa katahimikan nila.

"That's Sandro.." tipid na sagot ni Nadine habang ang mga mata'y nasa dinaraanan nila.

"Hmm. A friend? colleague?" then he paused.

"Hmm.. or a boyfriend?" hindi mapakali niyang tanong.

Nadine chuckled. Hindi naman maiwasan ni James na mapikon sa tinuran ng dalaga.

"Hey! What's funny?" pikon na tanong nito.

"He's my buddy. He's from FBI as well." sabay ngumiti ito ng nakakaloko.

"I was just asking okay? Don't give me that look." depensa niya sa dalaga.

"Okay. Sabi mo eh." ngumiti ulit ang dalaga.

Tahimik lamang sila habang nasa biyahe. Ilang oras pa ang nakalipas ay nakarating na din sila sa tahanan ng dating nobya.

"Nadine hija!" salubong sa kanyang ng dalawang tiyahin.

"Tita!" tawag naman niya sa mga ito. At nagbeso sila.

"James...hijo kamusta ka?" pangangamusta ng dalawang ginang.

"I'm okay tita. How are you po?" pangangamusta niya sa mga ito.

"Mabuti naman at naka-oo ka sa paanyaya namin." saad pa nito.

"So ininvite niyo po talaga ako?" takang tanong niya. Batid sa kaalaman ni James na talagang inimbita siya ng mga ito akala niya kasi ay gusto lamang siyang isama ng dalaga. Naunang pumasok ang dalawang ginang sa loob at tininngnan siya ng nakakaloko ni Nadine.

"I told you, pinasama ka nila. Wag kang assumero." sabay ngiting muli nito.

"Yeah right." walang ganang sagot ni James dahil tila napahiya siya nang akalain niyang ang dating nobya lamang ang nag-aya sa kanya.

Sa loob ay nagkwentuhan lamang sila at nagtawanan. Pinaghanda sila ng mga ito ng iba't-ibang putahe.

"Buti naman hijo at napadalaw kang muli dito. It's been what? 4months already? tanong nito sa binata

"Yeah tita. 4months to be exact." sagot naman ng binata.

"4months? So dinadalaw mo sila dito?" takang tanong ni Nadine.

"Oo hija, dinadalaw kami nitong si James. Hindi ba niya nasasabi sayo?" halata naman ang pagkagulat ni Nadine.

"Dinadalhan pa nga kami ng batang ito ng kung ano-ano, pati na rin ang mga tauhan dito. Napaka lambing na bata." sagot naman ng tita Lilian niya. Ilang sandali pa ay naiwan na lamang silang dalawa.

"Thank you.." sambit ni Nadine.

"For what?" tanong naman ni James.

"Sa pagdalaw mo kila tita. Hindi ko alam na pinupuntahan mo pa pala sila dito." sagot ni Nadine.

"You don't need to thank me. Kusa kong ginawa iyon." sagot naman ng binata. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

Lumakad palapit si James sa dalaga. Nadine can smell the perfume of James that gives her goosebumps.

Mula sa likuran ay hinapit ni James ang kanyang bewang.

"Please don't move." lalo pang humigpit ang yakap nito.

"You have no idea kung gaano kita namiss.." hinayaan lang ni Nadine ang ganoong ayos nilang dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi na rin nakatiis ang dalaga humarap siya sa dating kasintahan, kumapit ito sa batok niya at sa muling pagkakataon ay hinalikan niya ito. James kissed her back passionately. The kiss made them crazy as if they're on a different side of the world. Unang bumitaw si Nadine. Tinitigan lamang siya ng binata at naghihintay kung ano man ang sasabihin ng dating nobya. Ngunit tahimik lamang din itong nakamasid sa kanyang mga mukha.

"Hey! Don't stare at me like that. Baka anong magawa ko sayo." pagbibiro nito. Tila nakuha naman ng dalaga ang ibig nitong sabihin. Hinampas niya ito at kumawala sa pagkakayakap kay James.

"Matulog na tayo. See you tomorrow." akamang hahakbang na ito palayo ngunit nagsalita siyang muli.

"James... I missed you.... so much" at agad na humakbang papalayo si Nadine sa dating kasintahan.

Naiwan mag-isa si James sa terasa at hindi mawari ang kasayahang nararamdaman ng oras mga oras na yun.

"Sleep tight wifey. I love you..." bulong nito.

(ITUTULOY..)

BOOK 2: I'm in love with my PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon