CHAPTER 7: WORKING WITH JAMES

917 24 0
                                    

Nasa shoot si James nang hindi pa rin mapanatag ang isip niya. Sinubukan niyang pagtagpi-tagpiin ang mga natuklasan. Nang gabi nagkita sila ni Nadine, yung sa news, yung pagpunta ng dalaga sa NBI nang hindi nalaman nito na sinusundan niya pala ang dalaga at nung gabi nung concert. Naguguluhan na siya.

"Hey, are you okay?" si Bret habang nasa shoot sila.
"Kagabi ka pa ganyan." sita ng kaibigan.
"Bro, san nagwowork si Nadine?" tanong nito.
"Wow! Bigla ka atang na-curious. Well, hindi ko alam, ang kwento ni Yas is she's a freelancer for different companies." sagot nito. Tumango lang siya para hindi siya mahalata ng kaibigan.

"Good morning Engineer!" bati kay Josh ng receptionist ng kompanyang pinagtatrabahuan.
"Good morning!" ganting bati niya rito. Nakapasok na siya ng opisina nang mag-ring ang telepono niya.

"Where are you?" tanong sa kanya ng kausap.
"Office na. Why?" tanong niya sa kausap.
"Diba ikaw may hawak ng project sa warehouse ng harina?" tanong nito.
"Yes, bakit?" takang tanong niya.
"Matatapos na ba yun?" tanong nitong muli.
"Yas, matagal ng tapos yun." sagot niya. Biglang tumahimik ang kausap niya.
"Seryoso ka ba diyan?" muli tanong nito.
"Oo, bago na yung hawak ko pero kabilang warehouse din naman. Bakit ba?" nahihiwagaan na siya sa kaibigan.
"Ah wala. Sige na. Kita na lang tayo bukas. See you." paalam nito.

Nagtaka man pero isinawalang-bahala na lamang niya ito. Iisang kompanya lang ng pinagtatrabuan nina Yassi at Josh pero sa Engineering Department naman siya at iba ang kanyang lokasyon dahil sa warehouse ito nakatutok at ang kaibigan naman ay sa Admin Department.

"Sandro.." bungad niya.
"What's with the email? You I can't do that?" iritang sagot ni Nadine.
"Nadz, calm down! Trabaho lang ito. There's nothing personal.." sagot nito. Nakatanggap siya ng email mula sa Head ng NBI na kailangan niyang pasukin ang mundo ng showbiz dahil talamak din ang droga dito. At iyon ang pinaka-iniiwasan niya. Ang mapalapit sa dating kasintahan. 
"I know Sandro. Pero alam mo naman na iniiwasan ko to." sagot niya.
"You don't have a choice. That's an order! Ayos na lahat ng papeles. All you have to do is just to pretend and all eyes on them. You take care!" at agad na pinutol nito ang linya.

Walang magawa ang dalaga kundi bumuntong hininga na lamang. Kailangan nilang halughugin ang bawat lugar kung saan talamak ang droga. Hindi pa rin daw kasi nila natutunton ang mas malakihang droga sa bansa..

"Yeah! That's an order Nadz, and you don't have a choice.." bulong niya sa sarili.

Nasa isang restaurant si James at Bret nang matanaw niya sina Yassi at Josh.

"Hindi mo sinabing may kasama ka." bungad nu Yassi. Alam ng binata na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya ang bestfriend ng dating kasintahan. Maya-maya'y natanaw naman niya si Nadine mula sa entrance ng restaurant. Nagkatinginan lamang sila at agad naman umiwas ang dalaga.

"Bret..." nilakihan ng mata ni Yassi ang kaibigan.
"Sorry guys. C'mon it been's 3 yrs. Mukhang okay naman kay Nadz and James right?" sabay tingin sa dating magkasintahan.
"Yeah!" sagot ni James. Umupo naman sa tapat ni James si Nadine.
"Oo naman. Ano ba kayo. Ayos lang sakin. Lalo na magkakatrabaho kami.." tila gulat na gulat silang lahat sa sinabi ng kaibigan.
"What did you say Nadz?" tanong ni Yassi.
"You heard it right guys, makakatrabaho ko si James. Kinuha ako ng client ko to represent their clothing brand and James is part of it." walang emosyong sambit ng dalaga.
"Seriously? I thought sa article ka lang naka focus? Bakit bigla ka atang napunta sa pagmomodel?" takang tanong ng kaibigan.
"People change Yas, and so do I." sagot nito at agad na uminom ng juice. Bakas sa mukha ng mga kaibigan pagkagulat pero hinayaan na lang rin nila ang mga ito. Pero iba ang kutob ni James, alam niyang nagsisinungaling ang dating kasintahan. Kung ano man ang pakay nito, ay malalaman din niya.

"Anong nga pala ang mga publishing company ang hawak mo Nadz?" biglang tanong ni James. Nahalata niyang nagulat ang dalaga sa tanong niya.
"Oo nga Nadz, hindi mo pa nababanggit samin. Mahilig pa naman ako bumili ng magazines." sabat ni Yassi. Tila naipit naman ang dalaga sa mga tanong ng mga kasama.
"Wala pang article na nalalabas guys, December issues lahat ng hawak ko." sagot ni Nadine. Tumango lamang ang mga ito at nagpatuloy kumain. Nang magawi ang tingin niya kay James ay bigla siyang kinabahan. Alam niyang sa tanong na iyon ay may pinupunto ang binata. Kung ano man iyon, mas kailangan niyang maging maingat. Lalo na't ngayon ay makakasama niya ang dating kasintahan.

(ITUTULOY...)

BOOK 2: I'm in love with my PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon