CHAPTER 12: WAREHOUSE

850 20 1
                                    

"Josh c'mon sige na. I-check mo na." pangungulit ni Yassi sa kabilang linya.

"Ano ba kasi yun? Hindi ko naman trabaho yung sa warehouse." sagot naman nito.

"Iba talaga kasi pakiramdam ko. There's something wrong." sambit niyang muli.

"Kung ano man yun wag mo ng pansinin. Wala naman kasing kakaiba dito sa warehouse." paliwanag nito. Agad na binaba din ni Yassi ang linya matapos siyang pagsabihan ng kaibigan.

Nakatutok lang si Nadine sa laptop. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa din niya murder case na hawak niya. Nangangamba siya sa mga kababaihan dahil sunod-sunod nang nangyayari ang pagpatay. Biglang tumunog ang cellphone niya.

"Yes?" sagot niya.

"Any news about the murder case?" tanong ng nasa kabilang linya.

"None for now. Masyadong madulas yung killer." sagot ni Nadine.

"By the way, I got an email. I'll send it to you. This will lead you sa isa sa mga malalaking tambakan ng drugs. You need to verify first, hindi ganun ka-sure yung informant." paliwanag ng kausap.

"Thanks Sandro. Hanggang dito tinutulungan mo pa ko." pasasalamat ni Nadine.

"We're buddy right? Mag-ingat ka diyan." at agad na naputol ang linya.

Nadine can't deny the fact na talaga namang alaga siya ng binata simula pa nung unang tapak niya sa ibang bansa. Kaya laking pasasalamat niya dito ng hindi siya iniwan nito at mas lalo pang tinuruan ng mga bagay na dapat niyang malaman. Ngunit batid niyang may iba pang kahulugan ang pagiging concern nito sa kanya.


FLASHBACK..

"Nadz.." mahinang tawag sa kanya ni Sandro. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya. Lumapit pa ito at kinuha ang mga kamay niya.

"I know you're in the state of moving on, but I think it's about time to open your heart again." nagulat si Nadine sa ipinagtapat nito sa kanya. Ngumiti naman siya sa binata at hinawakan din ang kamay nito.

"Sandro, you've been a good friend to me since day one or should I say when we were still kids. Utang ko sayo kung ano man yung mga natutunan ko ngayon. And I appreciate your feelings towards me. But I'm really sorry, I'm not yet ready to open my heart to anyone. Masakit pa rin. And I don't want to be unfair to you. I hope you undesstand.." hinging paumanhin niya. Ngumiti ang binata tanda ng pag-intindi nito. Walang nagbago simula ng umamin ang binata mas lalo pa nga itong naging malapit sa kanya at todo paalala lagi ito.

Tumunog muli ang kanyang cellphone.

"Yes?" sagot niya.

"Ma'am yung tungkol po sa email ni Sir Sandro nareceive niyo na po ba?" tanong nito.

"Yes, ako ng bahala. Salamat.." agad na pinutol niya ang linya.

Pinagmasdan niya ang email na natanggap niya. Isang kilalang kumpanya ng harina at asukal ang pinaghihinalaan ng mga awtoridad. At kailangan niyang pasukin ito. Pinag-aralan niya ang lugar at kung paano ito papasukin. Ngunit tila mahihirapan siya dahil kulang ang mapa ng buong pasilidad na nakuha nila. Biglang tumayo si Nadine at nagbihis. Kailangan niyang puntahan ito para mas maging pamilyar sa lugar at makaisip pa ng ibang paraan kung paano ito mapapasok.

Mula sa malayo at tanaw ni James ang papaalis na sasakyang ng dalaga. Simula nang sundan-sundan niya si Nadine at nalaman na rin niya kung saan ito nakatira. Nagtataka siya dahil hindi alam ng mga kaibigan kung saan ang condo niya.

Sinundan niya lang ng palihim ito hanggang matagpuan ang sarili na nasa tapat ng isang pabrika. Tumigil si Nadine ng panandalian at ilang minuto ang lumipas ay nilisan din niya ang lugar. Walang maisip na ibang dahilan si James kung anong ginagawa ng dalaga doon.

KINABUKASAN..

"Hey are you okay? You know what bro, nagiging weird ka these past few days." sambit ni Bret sa kanya.

"I'm okay brother. Ilang beses niyo pa lang nakakasama si Nadine simula nung umuwi siya dito?" tumingin naman ito sa kanya.

"Hmmm. Maybe 3 or 4. Busy siya masyado eh. Bakit?" tanong nito.

"Wala naman just wondering sobrang busy niya ata." sagot ni James. Kibit balikat na lang si James.

"Bro, samahan mo ko mamaya. Nagpapasundo kasi si Yassi." nakangisi ito.

"Ano ko driver niyo?" asik nito.

"Sige na. Ikaw sanay sa rush hour eh. Hindi ko kayang sumiksik sa traffic. Sige na. I'll treat you." pag-aya nito.

"No way!" ngunit pinilit parin siya nito at sa huli ay napapayag din siya.

Kinahapunan ay pinag-drive ni James ang kaibigan. Tinuro lamang nito kung saan ang lugar ng kompanyang pinagtatrabahuan ng dalaga.

"Bro, nagtext si Yas. Wala daw siya sa office. Nasa kabilang location siya." tiningnan niya ito ng masama.

"Sorry na. Hindi naman niya kasi sinabi." pagpapaumanhin nito. Nag-iba na sila ng daan ngunit nagtataka si James nang wari ay pamilyar sa kanya ang daan na tinuro ng kaibigan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na sila. Laking gulat niya nang makita ang kabuuan ng paligid. Natatandaan niya, ito yung lugar na pinuntahan ni Nadine nang nagdaang gabi.

"Huy! Andiyan na pala kayo." si Yassi papalapit sa kanila.

"Your working here?" bungad agad ni James. Nagulat si Yassi sa tanong niya.

"Ahh no! Warehouse namin to. Josh works here kasi isa siya sa mga Engineer. Ako naman dun sa Makati office." sagot naman nito.

"Let's go na. Susunod na lang daw si Josh." aya ng dalaga.

Bago umalis ay pinagmasdan muna ni James ang buong paligid. Wala naman siyang makitang kakaiba kaya sumunod na rin siya sa mga kaibigan.

"Anong warehouse yun Yas?" tanong ni James habang nasa loob sila ng sasakyan.

"Ahh yun? Flour and sugar. Inaangkat pa sa ibang bansa then diyan na iniimbak." kwento nito.

"Ah okay. Laki ha. Big time siguro may-ari." sagot naman ni Bret.

"Yeah. Sabi Chinese-Fil sosyo sa company na yan." sagot ni Yas.

"Pero you know what? Nagdududa nga ako diyan eh. Madalas kasi imbakan nila yung office sa Makati. Eh ang laki-laki ng warehouse. Kada imbak sa madaling araw may kumukuha din ng truck truck." kwento pa ng dalaga.

Napatingin na lamang si James kay Yassi. Hanggang ngayon ay wala pa rin maisip ang binata kung anong pakay ni Nadine sa pagpunta sa lugar na yon. Pero isa lang ang alam niyang nasa delikadong sitwasyon ito.


(ITUTULOY..)

BOOK 2: I'm in love with my PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon