4: I'm falling

4.5K 134 10
                                    

Lunes na naman. Sana ito na yung huling araw kong pumasok. Alam ko namang matutuloy na din yung plano ko mamaya eh. Kaya, for the last time, "Goodbye campus." Eh ano naman kung may makarinig sakin. Last na naman to. Last. Last.

Pagpasok ko ng classroom,(na parang wala namang nakapansin sakin) nagtataka ako kung bakit nakacivillian silang lahat. Ang lalaki ng dala nilang bagpack. Tapos, may paper bag pa silang dala-dala. Tsaka ko lang naalala na may swimming pala yung lahat ng Seniors ngayon. Sa dami na ng iniisip ko, hindi ko na talaga makuhang magsaya.

Sana pala, hindi na lang ako pumasok kung ganito din yung makikita ko. Si LA, at ang sakit sakit makita siya pagkatapos lang ng breakup namin ng... basta. Naluluha na naman ako. HIndi ko na lang siya pinansin. Uuwi na lang ako. Siguro, iisip na lang ako ng ibang paraan para matapos lang tong problemang to. Tumalon sa balon? Pwede na siguro yun. 

Aalis na sana ako palabas ng classroom, kaso, may mabigat na kamay na humila sakin papasok ulit. Ano ba? Bakit ba may pumapansin sakin? 

"Aalis ka na naman eh lahat ng 4th year kasama dito. Baka naman ituloy mo yung plano dyan. Tsk." inismiran na naman ako ng lalaki sa rooftop. Mukhang lahat ng 4th year, nasa room namin ngayon.

"Eh kasi, mas gusto ko pang magstay sa bahay kesa sumama. Ano ba, uuwi na ko."

Kaso, kasabay ng mga kaklase kong nagsilabasan papuntang bus, hinila na naman ako ng lalaking yun. Sa sobrang saya ng buhay ko dati, hindi ko pala napansin, na kaklase ko pala siya. Papano, puro Aldrin, Aldrin. Siya lang naman ang lalaking tinitignan ko sa school, malliban na lang syempre kung may teacher kaming lalaki.

Halos sinalampak niya naman ako sa unahan ng bus. Tapos, tinapon yung mga gamit niya sa patungan ko. Ang bigat kaya. "Ano ba yan! Hindi naman kasi ako sasa--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya ng kamay niya yung bibig ko. "Isang salita mo pa, gagawin ko ulit yung ginawa ko sa'yo sa rooftop." Tsaka niya ko binitawan. Noooo! Ang daming tao gagawin niya yun! Asar.

 Sa buong byahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana, naisip ko na siguro, ito na yung last time na makakapagswimming ako. Kaya bago ko mawala, siguro, makikisama na muna ako sa lalaki sa rooftop, tutal, tinulungan niya naman ako kahapon.

"Ano na namang iniisip mo dyan?" medyo maganda naman yung pagkakatanong niya kasi parang concern siya. Kahit ako nakapalumbaba sa may bintana.

"Wala lang. Naisip ko lang na mas maganda rin sigurong magswimming muna ko bago ko--"

"Ayan ka na naman." pinutol niya na naman yung sasabihin ko. Hindi na lang ako nagsalita ulit. Hindi naman kasi ako ganun kainteresado sa pupuntahan namin.  "Nilalamig ka ba?" siguro, follow up question niya yun, porket di na ba nagsasalita, nilalamig na? Medyo malakas kasi yung aircon sa bus kaya niya siguro nasabi yun.

"Hmmm." tapos, nakakagulat nang slight niya kong niyakap para ata tignan kung nilalamig ako o-- Teka? Chansing yun ah!



"Bastos!" pinalo ko siya sa hita niya at kumawala sa mga pinagagagawa niya sakin. Pakiramdam ko nagkunwari lang siyang hindi nasaktan. Kinuha niya yung jacket niya sa bagpack niya tapos, inabot sakin.

When Heart Skips a Beat Where stories live. Discover now