2: Eye disorder

6.2K 161 12
                                    

Papauwi na ko galing school. Hinintay ko munang maubos lahat ng tao sa school bago ako lumabasa. Ayoko ng makihalubilo sa tao. Nagsasawa na talaga ko sa buhay ko. Lahat sila masaya. Sinusundo ng nanay o kaya tatay nila. Yung iba, sinusundo ng kapatid. Ako, simula nang nagulo yung buhay ko, nilalakad ko na lang pauwi sa bahay.

Nakakainis kasi. Isang hakbang ko nalang dapat wala na ko ngayon. Wala na kong nararamdamang lungkot ngayon, kaso dahil sa epal na lalaking yon, hindi na natuloy yung solusyon ko sa problema ko.

Papatapak pa lang ako palabas ng gate nang magsimulang lumakas yung ulan. May payong naman ako sa bagpack ko, kaso, ayoko na din siyang gamitin. Para sa'n pa yung pagpapayong ko kung wala din namang patutunguhan yung buhay ko.

Ang mas masakit pa sa lahat eh, tulad na lang ngayon, nakita kong hinatid ni Aldrin si L.A na dati kong bestfriend. Nakapayong sila habang ang saya-saya talaga nilang tignan. Samantalang ako, eto, basang basa sa ulan. Pwede bang magcollapse na lang ako?

Naglakad ako ng mabagal. Oo nga't Disyembre na, pero, wala namang kwenta yung Pasko para sa tulad kong mag-isa na lang sa buhay, hindi naman ako namatayan pero parang  ganun na nga. Iniisip ko pa lang na pauwi pa lang ako sa bahay, nalulungkot na ako agad.

Basang basa na yung uniform ko. Pati nga bagpack ko. Pati na din yung sapatos ko at medyas ko sa loob, basang basa na din. Kaso, tapos, naramdaman ko na lang bigla na parang may nagpapahinto ng ulan. Yun pala, may nagpapayong na sakin.

"Alam mo, walang namamatay sa pagpapaulan," siya na naman yung lalaking papansin kanina sa may rooftop.

"Meron pa din, pa'no kung tinamaan ng kidlat?" kahit na hinahabol niya ko ng payong niya, binibilisan ko pa din yung lakad.

"Sa itsura ba ng dinadaanan mo ngayon, sa palagay mo may kakapitan yung kidlat? Pwede ba Miss. Kung ayaw mong makaabala, pwede bang 'wag mo na lang pahirapan yung sarili mo."

"Eh ano ba kasing pakialam mo? Hindi mo ko kilala. Wala kang alam. Wala."

"Wala akong alam pero may nakikita ako. Hindi mo ba napapansin na kanina mo pa nasusundan yung ex mo at yung bestfriend mo? Alam mo, masakit talaga 'yan."

"T-Teka. Pa'no mo nalaman na--" tsaka ko napansing nasusundan ko na pala si Aldrin at si L.A. Ang sakit sakit talaga.

"Kung ako sa'yo, iiyak na ko," hindi siya nakatingin pagkasabi niya nun. Iiyak? Ano pang iiiyak ko, eh nung sabihan pa lang ako ni Aldrin na wala na kami, hindi na tumulo ulit yung luha ko.

"Alam mo, hindi ko alam, pero kung disorder ang hindi pag-iyak, ako yung unang taong matutuwa. At least, kahit papa'no, walang makakaalam na nasasaktan na 'ko," seryoso kong sabi.

Hindi naman siya umimik. Hawak niya lang yung payong at lumalakad lang siya kasabay ko. Basang basa pa din ako at sa tuwing iihip yung hangin, literal na nangangatog ako.

"Nilalamig ka na, pero nagpapaulan ka pa din," nakamaong nalumang  jacket pala siya. Nagulat na lang ako nang nilapit niya yung katawan ko sa katawan niya. Sa gilid ng bewan ko, nandun yung kamay niya at parang pinapasandal niya ko sa kanya. Nararamdaman ko namang tuyo siya at ang init ng katawan niya.

When Heart Skips a Beat Where stories live. Discover now