24

709 41 3
                                    

"What the hell are you doing here, anyway?" tanong ni Mika kay Vic matapos dumistansiya.

May inilabas ang dalaga mula sa likuran ng suot na pantalon. Ang silver-fan tessen niya iyon, na iniabot nito sa kanya. "Ipinakisuyo ni Cyd na ibigay ko sa iyo dahil hindi ka na bumalik kanina sa laboratory niya. She said she told you to return after an hour."

"Kala ko kasi busy pa siya kanina." Tinanggap niya ang iniaabot nito. "Salamat."

Tumango lang si Vic, pero nanatiling nakatingin sa kanya. Her eyes were not the usual clear brown eyes she used to see. They were a shade darker and she could see some intense passion when Vic gazed at her. But when she blinked, it was gone.

Muling nagsalubong ang mga kilay ni Mika, hindi malaman kung ano ang iisipin habang nakatingin sa dalaga. Kung namamalikmata lamang ba siya o totoo ang kanyang nakita. But her heart quivered and Vic gaze sent a shiver down her spine.

Hinintay niyang muling magsalita si Vic ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya kahit ilang sandali na ang lumipas. Sumaglit ang tingin niya sa labi ni Vic na siyang nagpa-init sa pisngi nito. Tila iba ang nasa isipan niya at pilit iwinawaksi iyon. She suddenly felt uncomfortable with Vic gaze. It was as if she was drowning with powerful fervor resonating from Vic, an intense feeling that she couldn't deny between them.

Then Vic sighed. Napakunot-noo na lang siya. Tila kasi may gusto itong sabihin sa kanya ngunit tila hindi makaapuhap ng tamang salita.

Nais sanang mag-iwas ng tingin ni Mika dahil hindi na niya matagalan ang matamang pagtitig nito sa kanya. Ngunit pinigilan niya ang sarili.
"May gusto ka bang sabihin sa akin, Victonara?" She wanted to compliment herself for not stammering. Because right at that moment, she felt her knees weakening from that gaze of Victonara.

"Are you having nightmares lately?" sa halip ay tanong din nito.

Hindi niya inaasahang itatanong iyon ng dalaga kaya naman nabigla talaga siya. "Bakit mo naitanong?"

"Because..." She paused. She just gave her a lingering look then turned around. "Kalimutan mo na iyong tanong ko." Sinundan nito iyon ng pag-iling. "By the way, I just wanted to remind you that we have a show at twelve midnight." Iyon lang at tuluyan na siya nitong tinalikuran.

Kunot-noong sinundan niya ng tingin ang dalaga. She really hated Vic when she was being that cryptic. Agad niya itong sinundan. Hindi siya makapapayag na basta na lang itong aalis doon matapos siyang bitinin. Isa pa, matagal na niyang gustong itanong ang tungkol sa mga kakaiba niyang panaginip.

"Victonara!" malakas niyang tawag sa dalaga, na lumingon naman kaagad sa kanya. "I want to ask you something. But first, I want to know why you asked me if I am having nightmares lately."

"Are you?"
"Oo." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Mika. Tutal naman ay matagal na niyang gustong tanungin dito ang tungkol sa mga kakaibang panaginip na iyon kung saan ay naroroon ito, mabuti pa sigurong samantalahin na niya ang pagkakataon.

"I am having weird dreams lately. And you're always there. Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang nangyari ang mga nakikita kong iyon sa panaginip ko pero hindi ko naman mahagilap sa memorya ko." Muli siyang tumingin sa mukha nito.
"May alam ka bang pangyayari kung saan nasa bingit ako ng kamatayan?"

Her face remained placid. Ni hindi man lang gumalaw kahit isang muscle sa mukha nito. She just looked at her, seriously. "Do you really want me to answer that?" mahina nitong tanong.

Sa tono pa lang ng pananalita ni Vic ay nakaramdam na si Mika ng pagbangon ng kaba sa dibdib. It was as if Vic was silently asking her if she really wanted to know the truth. But could she handle it? Bahagya siyang napailing. She was afraid to know the answer to her questions, afraid to know the truth behind her nightmares. Pero hindi niya gusto ang pakiramdam ng tila nangangapa sa dilim.

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now