11

937 29 2
                                    

It was raining. Magulo ang paligid, makakarinig ng ingay sa kung saan-saang panig. The place was ablaze. Mika could hear shouting everywhere. It was as if everyone was in pain and in agony. She could hear cries from a distant.

Gustong tulungan ni Mika ang mga naroroon. Tulungan ang mga nahihirapan. I-comfort ang mga umiiyak. Gamutin ang mga sugatan. Ngunit hindi niya magawa. Ni hindi niya kayang igalaw ang kanyang katawan. Naroroon siya at pinapatakan ng ulan. Unti-unti siyang nanghihina. Malapit na rin siyang panawan ng ulirat ngunit pinapanatili niyang gising ang kanyang diwa.

Blood was spilling from a part of her body. She was aching everywhere. But no one was helping her.

Nararamdaman niyang malapit na rin siyang pumikit. But she refused to accept that would be her demise. She still had a lot to do. She still needed to avenge her parents' death.

Na pinatay ng mga walang pusong bampira. Ang noon ay masaya at tahimik niyang pamilya ay tila naglaho sa isang iglap dahil lang naulila siya ng mga magulang. Because they were killed. Killed mercilessly without a fight. Killed by those loathsome vampires.

Nanlalabo na ang kanyang paningin. Mukhang wala na siyang magagawa kundi tanggapin na iyon na nga ang kanyang katapusan. But she wanted to live. That was why she kept on fighting to stay awake and never close her eyes.

Lumabas ang kanyang luha, pagkatapos ay ipinikit na ang kanyang mga mata. Wala siyang magagawa kundi tanggapin na iyon na nga ang kanyang katapusan.

Ngunit bago tuluyang mawala ang kanyang kamalayan ay narinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan.

"Mika!"
Then someone rushed towards her side. She felt those gentle hands hold her with care.
"Hold on, Mika! Hold on!"
She opened her eyes and she saw Victonara. Her beautiful and worried face registered in her vision. Gusto niyang abutin ang pisngi ng dalaga at haplusin ang mukha nito upang pawiin ang pag-aalalang naroroon. Ngunit wala na siyang lakas upang gawin iyon.

"Don't worry... everything would be fine now. I'm here, Mika, I'm here..."

"Mika?"
Biglang naalimpungatan si Mika nang maramdamang may yumuyugyog sa kanyang balikat at tumawag sa kanyang pangalan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nabungaran niya ang mukha ni Kiefer.

He was looking at her and seemed worried.
"Are you okay?"
"Ahm... yeah," sagot niya, luminga-linga sa paligid. Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya. She looked at her watch and it was past four in the afternoon.

Naroon uli siya sa Baywalk, sa usual niyang puwesto kung saan sila unang nagkita ni Kiefer.

Ilang araw na rin silang nagkikita roon ni Kiefer dahil ito ang ginawa niyang subject para sa nalalapit niyang exhibit. There would be a lot of sessions though. Mabuti na lang at pumayag ang binata na kanyang maging modelo kahit alam niyang abala rin ito sa trabaho. Nang tanungin naman niya kung hindi ba siya nakakaabala ay sinabi nitong wala namang problema at hindi siya nakakaabala.

Hindi alam ni Mika kung bakit madalas na naroroon sa Baywalk si Kiefer. At sa ilang beses nilang pagkikita roon ay wala rin naman siyang nakukuhang gaanong information patungkol sa binata. Hindi naman ito gaanong nagsasalita at tipid ding magkuwento tungkol sa sarili.

Kapag kasama si Kief ay sandaling nakakalimutan ni Mika ang ibang bagay tulad ng pagiging slayer niya at naiisip na normal ang kanyang buhay tulad ng ibang taong naroroon. Mabuti na nga lang din at lie-low ang show nila kaya naman wala rin siyang gaanong inaalala at nakakapag-concentrate siya sa kanyang trabaho.

And how she wished that peaceful moment would last forever. Na hindi dalawa ang uri ng buhay na kanyang tinatahak. Ngunit naisin mang talikuran ang buhay na mayroon siya sa kasalukuyan ay hindi na maaari.

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang panaginip niya kanina. Kumunot tuloy ang kanyang noo nang wala sa oras. Nagtataka kung bakit napapanaginipan ang pangyayaring iyon nang ilang beses na rin nitong nakaraan.

And it would always end up with her looking at Victonara.

That was weird. She could feel that scene had happened before pero hindi naman niya mahagilap sa kanyang memorya ang pangyayaring iyon.

Nang magbaling uli ng tingin si Mika kay Kief ay nahuli niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. Ganoon pa rin ang expression ng mukha.

"May problema ka ba, Mika?" Nasa tinig ng binata ang pag-aalala. "Parang namumutla ka yata."
"Huh?" Napahawak tuloy siya sa mukha. "Medyo kulang lang siguro ako sa tulog." Nginitian niya ito. "Salamat sa pag-aalala pero okay lang ako."

Nanatili lang nakatingin sa kanya ang binata nang may ilang segundo, pagkatapos ay napabuntong-hininga na lang. "Here." Inabot nito sa kanya ang hawak na mineral water. "Magpalamig ka muna."

"Salamat," aniya, muli itong nginitian.
Tumango lang si Kief nang bahagya ay gumanti rin ng ngiti. Pagkatapos ay naupo na ito sa tapat niya at tumanaw na naman sa kawalan tagos-tagusan sa kanyang likuran.

Lihim lang na natatawa si Mika. She noticed that Kief was always like that. Gusto sana niyang usisain ang binata tungkol sa bagay na iyon pero sino naman siya para kuwestiyunin ito, hindi ba? Besides, she was happy just by seeing him and talking to him a bit. Siguro ay dahil isa ito sa mga  iilang normal na taong nakakasalamuha niya at nakapalagayang-loob na rin.

Minsan nga, iniisip niya na attracted talaga siya kay Kief hindi dahil isa siyang artist na nabighani ng maganda nitong mga mata, but as a woman attracted to a man. Tuwing kasama kasi ang binata ay nakakaramdam siya na tila ligtas siya. Tulad ng pakiramdam tuwing kasama niya si Victonara. 

Agad na umangat ang isang kilay ni Mika sa huling naisip. Hindi niya alam kung bakit bigla na namang nasingit ang babaeng iyon sa kanyang isip. Siguro ay dahil sa hindi nila ito pagkikita nitong mga nakaraan. Which was a good thing, in her own opinion.

Ilang araw na silang hindi ipinapatawag ni Aly sa organisasyon upang magkaroon ng meeting. Normal naman ang ganoon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nagmi-meeting sila sa kung papaanong papatayin ang mga bampira. Mayroon din naman silang sari-sariling buhay na dapat harapin. At hindi rin naman sila gabi-gabing nangha-hunting.

Kung saka-sakaling mayroong meeting ay tiyak na sasabihin sa kanya ni Kianna. Bukod kasi sa pagiging intelligence officer ng kanilang organisasyon, si Kianna rin ang assistant ni Aly. Minsan, nawi-weirduhan nga lang siya sa babae dahil palagi itong naka-hood. Hindi pa niya nakikita kahit kailan ang mukha nito at kadalasan din ay naroroon ito sa loob ng computer room kung saan ay mini-monitor nito ang galaw ng mga kalaban nila at tinitingnan rin ang lagay ng kumpanya.

Bilib siya sa pagiging dedicated sa trabaho ni Kianna kahit na medyo may pagka-weirdo. Kunsabagay, hindi na siya nasa-shock sa ka-weirduhan ng kanyang mga kasamahan dahil kahit hindi artist ang mga ito na tulad niya ay hindi naman sila maikokonsiderang normal talaga.

They were vampire hunters, sorcerers, and slayers. At kalaban nila ang mga nilalang na kung tutuusin ay hindi alam ng karamihan na totoong nage-exist nga sa lipunan. Well, there were a lot of unexplained phenomena that she had encountered in her life but sometimes she was still wondering about a lot of inexplicable things. Tulad na lang ng panaginip niyang paulit-ulit. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon, which she kept on having these past few days, that was why she haven't had a decent sleep.

At kung bakit naroroon si Vic sa panaginip niya. Ipinilig na lang ni Mika ang ulo. Kung ano-ano na naman kasi ang naiisip niya.

Inayos na lang niya ang kanyang mga gamit na gagamitin upang simulan ang pagpipinta, tutal ay nakapuwesto na si Kief. As usual, the guy seemed oblivious of his surroundings yet again. Natatawa na lang tuloy siya.

But she liked his sense of mystery in him nonetheless. Parang si Vic lang din.

#Miefer moment

Hi guys, if you have any comment or suggestion to make our story more interesting please feel free to comment. Hehehe!

Hope you like it. I still keep on updating kahit walang nagbabasa.heheh. Thankies po..

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now