19

874 30 10
                                    

Mika was sitting on a plant box near a well-cared for shruberry. Kanina pa siya nakatitig sa canvass na nasa harap. Ilang sandali pa at napabuntong-hininga na lang uli siya.

Hindi kasi siya makapag-focus sa ginagawa. Hindi dahil wala siya sa mood magpinta kundi tila sirang plaka na pabalik-balik ang eksena sa pagitan nila ni Vic kanina sa isip niya. When she told her she loved her. When she kissed her. Napapikit siya sa imahinasyon na iyon sa isipan niya. Tila kasi biglang naging disorganized pa ang matagal nang disorganized na utak niya sa sinabi sa kanya at halik ng dalaga.

Ni hindi nga niya alam kung papaano magrereact. Kung ano ang sasabihin. Kung papaano kikilos sa harap nito. Dahil nang sandaling binitiwan ni Vic ang sagot sa katanungan niya, sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Mika ay hindi niya alam kung papaanong aaktong normal at tila wala lang sa harap si Vic.

She was so used to everything that Vic did for her, even her presence, that it did not even occur to her that she loved her. That she did not just care about her but she loved her. All along. All this time. Or it seemed like that from the way she told her, looked at her and kiss her. Was it because Vic was so good at hiding her feelings like how she could not sense her presence ever since?

Pero ang sabi nito noon ay hindi ito kailanman magkakagusto sa kanya. Na kaya siya inaalalayan at pinoprotektahan ay dahil naaawa ito sa kanyang kalagayan. Dahil naulila siya sa mga magulang nang paslangin ang mga ito ng mga bampira.

At umukit iyon sa batang utak ni Mika... sumugat sa kanyang puso. Dobleng sakit ang naramdaman niya noon dahil sa pangungulila sa pumanaw na mga magulang at pakiramdam na ang taong lihim niyang itinanggi at tanging awa lang pala ang nararamdaman sa kanya.

Kaya nga isinara niya ang puso kay Vic. At ipinangako sa sariling hindi na magkakagusto rito. Pero sa sinabi kanina at paghalik sa kanya ng dalaga, ginulo nito ang kanyang isipan nang husto. She was really caught surprised. Good thing Jessey called, that was why she excused herself dahil kung hindi baka kung saan pa umabot ang halikan nila.

Hindi niya alam kung sino ang maaaring kausapin tungkol sa nangyari kaya naman dumeretso na lang siya sa Baywalk upang makapag-isip-isip sa pangyayaring gumimbal sa kanyang pagkatao.

Masaya siya dapat. Ngunit bakit parang natatakot pa siya sa kaalamang iyon. Natatakot siyang muling masaktan. Lalo na si Victonara.

"Mika?" came the soft voice.
Nang magmulat ng mga mata si Mika ay napabuntong-hininga siya. Hindi kasi niya inaasahang makikita ang pinakahuling lalaking nais niyang masilayan nang araw na iyon.

May tangan na bulaklak na nasa paso si Keifer at iniaabot sa kanya. Sa totoo lang, bago sa kanya ang ginawa nitong iyon. Hindi niya inaasahang bibigyan siya nito ng bulaklak. Na nasa paso pa ng lagay na iyon.

He sighed. "I didn't know if I should give this to you." Napatingin naman siya sa guwapong mukha ni Kiefer, nagtatanong ang mga mata.

"Dahil hindi ko alam kung magugustuhan mo bang makatanggap ng bulaklak mula sa akin," sagot naman nito.

"Bakit mo naman naisip iyan? Of course I'd be very happy to receive it." Isang alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Kiefer, pagkatapos ay napahawak na lang ang isa ang bulaklak sa paso na hindi pa rin niya inaabot.

She tried to suppress her smile. He really looked adorable in her eyes at that moment. How she wished that this guy would never change until the very end. Bigla siyang napatigil. Dahil sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay biglang nag-flash ang mukha ni Vic.

"Mika?"
Napakurap siya nang marinig na tinatawag ng binata ang pangalan niya. "Kiefer." Napadako ang tingin niya sa pasong hawak pa rin nito. Tinanggap na niya iyon at ngumiti. "Salamat dito sa bulaklak na ibinigay mo. I liked it."

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now