Chapter One

9 1 0
                                    

"Dad, just stop, okay?" Irita kong sabi. "I can handle myself. Ilang taon na bang ako lang mag-isa dito sa Pilipinas? And now, you want me to go there just to study and be with you? Just wow, dad!"

"Don't you dare use that tone to me, Domina Bellona Agustin!" Inilayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "I am still your dad!"

"Paano mo natatawag ang sarili mong tatay ko pa rin when in the first place, you left me here all alone?!" asik ko sa kanya. "Dad, I want to be here. I'm not like you and please, don't force me to something that I do not want."

Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. Natahimik siya ng ilang sandali bago muling nagsalita.

"Bibigyan kita ng oras. Ayusin mo na ang mga gamit mo, lilipad ka rito sa ayaw o sa gusto mo man," pinal niyang saad. "Hanggang sa birthday mo lang ang ibibigay kong palugit, Bellona."

"What? Are you nuts- hello? Hello?!"

Naiinis kong binato ang telepono ko sa sofa saka sumalampak dito. Aba't binabaan pa ako ng magaling kong tatay! Anong klaseng tatay ang tumatawag lang para pagalitan ka at piliting pumunta sa lugar na ayaw mong puntahan? Well, that's Cross Agustin for you!

Sa sobrang yamot ko ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit kong makatulog.

"AND CAN YOU IMAGINE that?" Eksaheradong tanong ko. "Gusto niyang liparin ko ang kalahati ng mundo sa mismong araw ng birthday ko! Like really?"

"Aw, we'll miss your craziness, bruha ka," sabi ni Gabbi saka umaktong yayakapin sana ako. I stopped her hands saka ko siya inirapan.

"God! Iniisip niyo talagang pupunta ako sa Seattle? No way!" Kontra ko saka tumawa.

"Hindi ka pupunta kasi mamimiss mo kami ano?" Tudyo ni Abigail sa akin.

Humalakhak ako sa sinabi niya. "Hindi ko kayo mamimiss 'no! I can find better friends than you."

Bigla naman silang nanahimik sa sinabi ko. Tinignan ko sila isa-isa saka ako tumayo at kinuha ang bag ko.

"O siya, aalis na ako at may titignan pa akong damit sa taas," paalam ko sa kanila.

Hindi na ako naghintay ng sagot mula sa kanila, umalis na agad ako at umakyat para tignan kung naroon pa ba ang damit na nagustuhan ko noong nakaraan.

While climbing, I thought of Gabbi and Abigail. Hindi naman sa masama silang kaibigan o hindi sila masayang kasama, but I do not need anyone in my life. Not anymore.

Nang marating ko ang parte kung saan ko nakita iyong damit, may napansin akong kakaiba. Na parang may sumusunod at nagmamanman sa akin. Lumingon-lingon ako para makasigurado pero wala naman akong nakita kaya pinagpatuloy ko ang paghahanap sa damit.

Ilang minuto ko itong hinanap pero tinamad na ako kaya tumigil nalang ako. Bumaba ako at tinignan ang lugar kung saan ko iniwan sina Gabbi pero wala na sila roon kaya dumiretso nalang ako sa ice cream stand at bumili.

While licking the ice cream I bought, naramdaman ko ulit iyong naramdaman ko kanina. Tumaas ang balahibo ko sa batok at braso nang inikot ko ang tingin ko sa buong lugar at magtagpo ang mata namin ng isang estranghero.

Kinabahan ako, sobrang lakas ng kabog ng puso ko kaya agad akong umikot at lumabas sa gusali. Mabilis ang mga hakbang na ginawa ko papalabas but I still have this feeling na nakasunod pa rin sa akin 'yong lalaki, natatakot naman akong tignan kung tama ba ang hinala ko kaya naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang isang makipot na eskinita. Doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na silipin kung naabutan ba ako ng estranghero, at tila ba nabunutan ako ng tinik nang makitang wala na siya.

Maglalakad na sana ako ulit pero para bang dumikit ang mga paa ko sa lupa nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labasan ng eskinitang iyon. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nang ilang hakbang nalang ang layo namin sa isa't isa ay huminto siya.

"You can't run away from your responsibilities," aniya sa malamig na boses.

Hindi ko mahagilap kung nasaan ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Dapat ay tumakbo na ako dahil kanina pa kumakabog na parang drums ang puso ko pero ang sunod niyang ginawa ang mas nakapagpaluwa ng mga mata ko at nakapagpagulo ng utak ko.

Lumuhod siya sa mismong harapan ko at bumulong, "Not anymore, lost goddess of Sabines."

Forsaken DeityWhere stories live. Discover now