"Anara! Andito kami sa hospital! May mass shooting kanina sa event! Napuruhan ang mommy mo!" Nagpapanic na sinabi ni daddy sa akin sa tawag.
Agad akong napatayo sa aking kama. Ang dugo ko sa mukha ay parang nawala. Nanuyo ang labi ko.
"I-I'll call for Kuya Len para ihatid kami d-dyan ngayon po." Nanginginig ako sa takot ng balita ng ama ko sakin.
"Hurry, Anara!" Nagpapanic na sigaw ni dad.
Binaba ko ang telepono at nag madaling nagbibis ng sweater at jeans.
Tinakbo ko ang kabilang kwarto at maging si Kuya Eiro ay nagsusuot na ng sapatos. Ang mukha ay namumutla at puno ng pangamba. Tumango siya sakin kaya tumakbo na ako sa kwarto ng bunso kong kapatid na si Eron. Tinulungan ko siyang suotin ang sapatos niya kasi nanginginig na siya habang naiyak.
Nang natapos ko na ay sabay sabay kaming bumaba. Nagmadali akong hanapin ang driver namin ngunit wala siya.
"Fuck!" Sigaw ni Kuya at kinuha ang susi ng isang kotse ni daddy. Agad siyang dumiretso sa labas kaya sumunod kami ni Eron.
"Kuya! Di ka pa pwede mag maneho! You're 17! Baka hulihin tayo!" Sigaw ko sa kuya kong papasok na sa driver's seat.
Bumaling siya samin ni Eron na nakaigting ang panga. Nag aalab ang mata nito.
"Baka tayo mahuli kay mama. So get in, Anara." Mariin niyang sinabi.
Napatikhim ako at tinuro ko na sa likod si Eron at ako sa passenger's seat.
Agad na pinaharurot ni Kuya ang kotse. Panay ang iyak ni Eron sa pag aalala. Maging ako ay napapaluha narin.
Nang nakarating na kami sa ospital ay tumakbo na kami ni Eron.
Nakita ko si dad na nakaupo sa labas ng ICU. Tinatakpan ang mukha niya. Guminhawa ang pakiramdam ko ng biglang may lumabas na doctor sa ICU. Napatigil kami ni Eron saglit.
Kinausap ng doctor si daddy na mukhang nakikisimpatya at tinapik ang balikat niya. Natulala si daddy ng ilang saglit pagka alis ng doctor at ilan pang sandali ay napahikbi.
Bumagsak ang puso ko sa reaksyon ni daddy. Ang bagsak ng luha ko ay parang gripo. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko. Si Eron ay iniwan ako at dinaluhan si daddy. Nang nakita siya ni daddy ay yinakap niya ang bunso kong kapatid at humikbi lalo.
Napaupo ako sa pwesto ko. Walang kahit anong lumalabas na boses sa bibig ko. Hinampas ko ang dibdib ko kakaiyak. Sa sakit na nararamdaman ko para sa pagkawala ng nanay namin nila Eron at sa ilaw ng buhay ni daddy.
Dumating si Kuya at nakita ang reaksyon ko. Tumitig ako sa gulo gulo niyang buhok at pula ng kanyang mata at ilong. Pumikit siya ng mariin. "FUCK!" Sigaw niya at dinaluhan ako. Tinayo niya ako at yinakap. Parehas kami ng kuya ko na nahikbi. Ang buong katawan ko ay nanginginig. Maging si kuya ay di na sinupress ang emotions niya.
This is it. I love you, mom.
YOU ARE READING
Above all
RomanceAnara is from a well-known family that lives in Gensan. Nasa kanya na nga ang lahat eh. Ang looks, ang yaman, ang magandang ugali, ang sikat na pamilya, and above all her ELEGANCE. Lahat ng nasa bayan nila ay kilala ang pamilya nila dahil sa busin...
