Chapter 4

29.6K 453 0
                                    

Kinailangan nang mauna ni Rain dahil may meeting pa daw siya kaya mag-isa na lang akong pumunta sa condo ni Lean.

"Good afternoon ma'am! May I help you with something?" Masiglang bati ng receptionist. "Actually yes, anong number ng unit ni Mr. Oliquino?" Tanong ko dito. " I'm so sorry ma'am but I'm not allowed to release that information. Establishment protocol po."

Dalawang beses na 'kong na protocol protocol  na 'yan ngayong araw ha! Napupuno din ako. "I'm sorry but I'm his wife and I'm here to pick up my son. " Madiin na saad ko, medyo umanggulo pa 'ko para magmukha akong mataray, "Ay I'm sorry po Mrs. Oliquino! Uhm 'yung unit po ni Mr. Oliquino is-ah! number 1432. Sorry po ma'am!" Sabi nito, medyo natagalan pa 'ko dahil hinanap niya pa 'to sa computer niya.

"Thanks." Sagot ko sabay takbo sa elevator.  Sana lang at abutan ko sila, sana nandito pa ang anak ko. Narating ko ang top floor ng building, nasa pinakadulo ang unit ni Lean kaya't mabilis kong tinungo 'yon.

Nakailang katok din ako bago tuluyang bumukas ang pintuan, isang babae ang nagbukas non, maganda siya. Kulot ang dulo ng buhok nito samantalang sa 'kin ay bagsak na bagsak, maputi din ang balat nito samantalang ako nama'y kayumanggi. Halatang halata din ang ganda ng hubog ng katawan nito, suot niya kasi ang isang puting polo-'yung polo na linggo linggo kong nilalabhan, polo ni Lean.

"Excuse, who are you?" Tanong niya kasabay ang pagtaas ng kilay nito. "A-andyan ba si Lean?" Nagsimulang magluha ang mata ko, hindi ko alam kung bakit-baka hormones lang 'to.

"He's-" Naputol ang sinasabi niya ng-

"Babe, who is-" Napamaang ako ng makita ko siya.

Biglang nagdilim ang paningin ko, nakita kong bigla siyang yumakap at humalik sa pisngi ng babae.

"that?" Tinapos niya ang tanong niya sabay tingin niya sa 'kin.

Mabilis ko silang hinawi at agad hinanap ng mata ko ang kinalalagyan ng anak ko.

"Asan si Gabby?!" Nagsimula akong magwala, pinagbubuksan ko lahat ng pinto hanggang sa- "Ma!" I heard him giggled. Kahit pa pa'no ay naibsan nito ang sakit na nararamdaman ko.

"Baby! Oh my God! Okay ka lang ba? Ha? Let's get out of here." Yakap ko dito, kinarga ko siya at palabas na sana kami ng-

"Where do you think your going with my son?"  Tiim bagang na tanong niya, "Alam mo Lean, napupuno na 'ko ha! Napapagod na 'ko sa kakaintindi sa 'yo! Oo nga't mayaman ka, maimpluensya pero mag-isip ka naman! Isasama mo pa talaga ang bata sa pambabae mo?! Hindi ka nag-iisip! Makikipagbahay bahay ka na nga lang dyan sa babae mo idadamay mo pa 'yung bata! Grow up Lean! Get a life. I'm taking my son. I'm getting him out of your miserable life! Have a great day." Nilagpasan ko siya, alam kong hindi naman ako naiintindihan ng anak namin dahil masyado pa siyang bata, ano ba namang malay ng batang 1 year old hindi ba? Pero para itong nakikisabay sa bugso ng damdamin ko nakayuko lamang ito habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"You can't do that! I'm his dad!" Sigaw ni Lean, nagmadali akong tumakbo at hinawi ang babae ng asawa kong humaharang sa dinadaanan ko. Tumakbo ako sa elevator at sakto namang bumukas ito.

Nakatayo na 'ko sa loob nito ng lumabas ni Lean sa unit niya, naka t-shirt na siya pero na boxers lang.

"Mervyn! Don't you-" Sumara ang pintuan ng elevator, I know that I should keep moving dahil sa oras na huminto ako, mahahabol niya 'ko. At baka sa panahong maabutan niya na 'ko ay tuluyan na 'kong sumuko.

The C.E.O.'s Wife [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Where stories live. Discover now