Chapter 1

57.5K 746 8
                                    

Author's Note

This is a work of fiction. Which means I just made it up. Any names, characters, place, and incidents are either the product of the author's hideous imagination or are used fictitiously, and any resemblance to living or dead, establishments, events, or locales is coincidental.

"Saan ka galing?" Mahinang tanong ko sa kanya. Hindi na 'ko nagulat ng lagpasan niya 'ko at tuloy-tuloy na umakyat ng hagdan. Siguro nga nagiging masyado na 'kong pakialamera. Dapat siguro sanayin ko na ang sarili kong hindi siya pansinin dahil anak ko lang naman ang dahilan kung bakit niya 'ko pinakikisamahan.

Ewan ko kung anong katigasan ng ulo ang meron ako pero sinundan ko pa rin siya hanggang sa kwarto. "Kumain ka na ba? Nagluto ako ng-"Pero agad niya 'kong pinutol, "Lumabas ka." Angil nito. "Pero-" Napalunok ako ng tignan niya 'ko, mukha na naman kasi siyang papatay, "Wala akong pakialam! Labas!" Asik nito. Aayain ko lang naman siyang kumain, napakasama talaga ng ugali ng lalaking 'yon!

Bumaba muli ako ng kusina,kung ayaw niya 'di 'wag! Ako na nga 'tong iniisip siya e ako pa 'tong masama! Edi ako ang kakain, problema ba 'yon?

Matapos kong kumain ay napansin ko agad ang lalaki na karga karga ang anak kong natutulog, may dala siyang back pack at palabas na sana ng pinto.

"S-saan mo dadalhin ang anak ko?" Isang ngisi lang ang naging sagot nito sa 'kin. Habang papalabas siya ng pinto ay nanghihinang tinakbo ko ang pagitan namin, "Lean! San mo dadalhin ang anak ko?!" Sigaw ko, pinilit kong kunin sa kanya ang bata nang maabutan ko sila, "Ibigay mo sa 'kin si Gabby,Lean! Ako ang nanay niya! Ako ang nagluwal sa kanya! Please! 'Wag namang ganto!" Nagsimula akong humagulgol, hindi ko alam kung anong pakay niya, kung bakit niya kinukuha sa 'kin ang bata, sabi naman niya sa 'kin noon ay hinding hindi niya ito ilalayo sa 'kin pero bakit?

"L-Lean, mag-usap muna tayo. Please, 'w-wag ang anak ko." Unti-unti akong nanghihina, pakiramdam ko'y konting konti na lang ay bibigay na 'ko.

"You don't deserve to be my son's mother. You will never see him again. Never." Madiin na saad nito. Ano bang nagawa ko? Wala naman akong natatandaang ginawa kong mali, bakit niya 'ko pinaparusahan ng ganito?

Mabilis pa sa alas kwatro na dumating ang driver nito dala-dala ang sasakyan niya, sumakay sila doon ng anak ko, hindi ko na sila mahabol, hindi ko na kaya.

"Baby, kinuha na ni papa si kuya, please stay strong for mama, okay?" Dahan dahan kong hinimas ang tiyan ko, sana...sana maging okay na ang lahat.

The C.E.O.'s Wife [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Where stories live. Discover now