Chapter 2

34.5K 491 1
                                    

Naluluhang pumasok ako ng bahay, hindi ko man alam kung san ko sila hahanapin pero kailangan kong magbakasakali, nagbihis ako ng maayos ayos na damit atsaka lumabas pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isa sa mga lugar na pwede nilang puntahan, ang Oliquino's Mansion.

Panay ang doorbell ko ng makarating ako doon, sa isang minuto kong pagkakatayo sa harap ng gate nila ay halos isang daang beses ko nang napindot ang buzzer, maya-maya'y may lumabas na babae dito na nakasuot pa ng maid's uniform, "Ma'am Mervyn! Ay! Napadalaw po kayo?" Natataranta nitong binuksan ang gate, "A-andito ba si Lean? Pati si Gab?" Naluluhang tanong ko, nabigla naman siya at mukhang nahabag, "Wala po ma'am, hindi pa po nagagawi dito si sir Lean simula nung isang buwan. Pumasok po muna kayo, nasa loob po si Madame Lyka, nagmemeryenda." Saad nito.

Pumasok ako sa mansion at nadatnan ko si Tita Lyka na nagbabasa habang kumakain, "Hija! Long time no see! Kamusta? Ang apo ko, kasama mo ba?" Tuluyan akong naiyak, "T-tita, a-alam niyo po ba kung nasaan si L-Lean? Dinala niya po kasi ang anak ko. Hindi ko po kasi alam kung san sila pumunta." Saad ko. Nabigla naman ang babae at napahawak sa kanyang bibig.

"Oh God! That boy! Don't worry hija, I will make my husband find that ungrateful bastard! Don't cry hija! Maupo ka. C'mon sit." Paanyaya nito, bakit ba kasi hindi namana ni Lean ang kabaitan ng ina?

"Kelan mo ba sila huling nakita?" Tanong nito sa 'kin, napaisip naman ako, two hours ko palang pala hindi nakakasama ang anak ko pero miss na miss ko na ito, kung alam ko lang na mangyayari 'to ay itinakas ko na sana siya.

"Kanina po, tita. Mga after lunch. Pinapatulog ko po kasi si Gabby ng tanghali tapos dumating naman po si Lean, kumain lang po ako sa baba tapos...tapos...s-si Lean po, isinakay niya sa kotse niya s-si Gabby tapos po sabi niya hindi ko na daw po makikita ang anak ko, s-sinubukan ko po silang habulin pero natakot po akong madapa baka...baka po kasi mapano ang baby ko." Salaysay ko sabay hawak sa tiyan ko. Napamaang naman si tita.

"Y-you're pregnant?" Tanong nito habang nangingislap ang mga mata niya, "Opo tita." Nangingiyak na sagot ko. Agad naman akong inabot nito at niyakap, binulungan niya 'ko na magiging okay lang daw ang lahat. Sana nga.

Maya-maya'y nagpaalam na 'ko sa kanya sabi naman niya tatawagan niya 'ko 'pag may balita na. Kailangan ko na din kasing mauna dahil may isa pa 'kong lugar na alam kung saan ko sila pwedeng makita, baka kasi nandodoon lang sila ng anak ko.

The C.E.O.'s Wife [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Where stories live. Discover now