CHAPTER 5 THE CASANOVA

Start from the beginning
                                    

Dahil tatluhan lang ang upuan, napahiwalay ako sa kanila. My seat is located beside the window. “uhmm excuse me, pwede mo ba akong tulungan na ilagay tong baggage ko sa taas?” nilingon ko ang kung sino man ang nagsasalita and

WOW!! Ang ganda niya. Para akong nakatingin sa isang anghel galing sa langit. She is wearing a simple summer dress with a white short underneath. Tapos, nakashades pa siya. Kitang kita ang pinkish na cheekbone niya na halatang natural ang pagkapink

“ehem. Excuse me?” ang cute niya talaga!

“ah sige” at tumayo ako. Kinuha ko ang baggage niya at accidentally nagkatama ang kamay namin. Pakiramdamn ko, bolta boltaheng kuryente ang ddumaloy mula sa kamay ko at kumalat sa buong katawan ko.

“thank you.” Pakiramdam ko, isang anghel ang nagsalita. Naupo narin ako sa upuan ako at tumingin sa labas ng bintana, pero sinusulyapan ko rin siya paminsan minsan.

“if you do not mind, wag mo naman akong tignan baka matunaw ako.” Sabi niya.

Nagulat ako kasi akala ko natutulog siya, pero gising pala.

“sorry.” Tinaas niya ang shades niya at nakita ko ang magaganda niyang mga mata.

“it’s ok. Niloloko lang kita. By the way, im Charmaine, but you can call me charm for short.” And she stretched her hands para makipagkamay. I also did the same.

“Im Eros Joseph. Seph for short.” Sabi ko. Pagkalapat na pagkalapat ng kamay namin. Naramdaman ko na naman ang kuryente na galing sa kamay namin at kumakalat na naman sa buong katawan ko. Pero, nakakakiliti yung kuryente na nararamdaman ko. Ang lambot ng mga kamay niya. Ang sarap hawakan.

Nagkabitaw na kami pero, parang hindi parin nawawala ang pakiramdam ko kanina. Pakiramdam ko ay nakahawak parin ang kamay naming dalawa.

Nagkwerntuhan kaming dalawa. Sa tono palang ng pananalita niya, alam kong mabait siya. Kausap ko siya pero pakiramdam ko tumigil na ang pag-ikot ng mundo. Nakakatuwa siyang kasama at napakalight ng usapan namin.

“seph, I’m a bit sleepy. Matutulog muna ako ha.” Tumango ako. Binaba niya ang shades niya at sinara ko ang window. Napasandal siya sa balikat ko at inaamin ko kinikilig ako. Hinawi ko yung buhok na tumatakip sa mukha niya at kahit na may shades pa siya, kitang kita ko ang gandang taglay niya.

“excuse me sir, ano pong drinks ang gusto niyo?” yung stewardess. Nagseserve na pala sila ng breakfast. Ganun kasi sa eroplano, nagseserve sila ng breakfast sa plane. “hot choco nalang.” At nilapag na niya dun sa table ko. Meron kasing table/tray na katapat ang bawat upuan sa plane. Natutupi ito kaya  pwede mong itupi kung ayaw mong kumain. I sip my hot choco. ANG SARAP!!

“eh yung girlfriend mo po sir, hindi po ba siya magbibreakfast?” halos mabulunan ako sa tanong ng stewardess. Napagkamalan niya kaming magboyfriend-girlfriend ni charm.

“no need. Masyado na siyang busog sa pwesto niya.” Sabi ko sa kanya at umalis na.

Nakarating na kami sa Cebu. Nalaman ko na mag-isa lang pala si Charm na pumunta dito, kaya I offe na sumabay nalang sa amin. Pumayag siya so we stayed at the same hotel. Pero, kahit na iisang hotel lang siya, bihira siyang lumabas ng kwarto niya.

Dahil sa curiousity, pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Pero, imbes na isang masayang charm ang sumalubong, isang malungkot na charm ang nagbukas ng pintuan.

WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)Where stories live. Discover now