Prologue

271K 3.8K 691

#PlayedByFate


--



"SAAN na ba tayong sunod na sasakay?" malawak ang ngiti ni Keij habang naglalakad kami sa Star City at tumitingin-tingin sa rides doon. May klase ngayon pero dahil nagkayayaan kaming magpipinsan, lahat kami ay nagcutting. Isa lang naman ang pasimuno ng lahat—si Keij. Bukod sa aming magpipinsan, kasama din namin si Kuya Kiro, Ate Caryl, Lean, and Enzo. Kuya Cloud has something to attend to, he told us.

"Sabi ko kasi sa inyo, Disneyland nalang tayo, eh..." ani Ate Caryl habang naglalakad-lakad kami. Wala namang naka-uniform na sa amin kaya walang problema.

"Hindi nga kasi tayo pwedeng lumabas ng bansa. Para namang makakalusot ka sa Monteverde Air?" si Theon ang sumagot sakanya.

"Eh, di sana kahit Enchanted nalang para malayo naman," sabi naman ni Lean. Napailing nalang ako. I am pretty sure, 'yung pagcucutting ngayon at pagpunta namin dito sa Star City, pagagalitan na kami, paano pa kung lumayo kami?

"Alam niyo, puro kayo reklamo," nakakunot na sabi ni Keij sa amin. Natawa nalang ako. Alam ko na kung sino ang pinaka mapapagalitan pag-uwi namin mamaya. Ang sabi niya sa akin, may emergency kay Aly kaya sumama ako sakanya. Sinabi din pala niya kay Aly na may emergency sa akin. Ganon din ang sinabi niya kay Jahann at sa iba pa hanggang sa makumpleto kami at inaya niya kaming lumabas dahil naiinis daw siya sa score niya sa exam nila.

"Eh, kung nag-aaral ka kasing mabuti, sana wala tayo dito ngayon," inirapan ni Aly si Keij.

"Kung makareklamo ka, ikaw nga 'tong tili ng tili, carousel lang naman sinakyan mo..." sagot ni Keij pabalik. "Tsaka lima lang naman mali ko, tangina kasi, talo ako sa pustahan..."

"Bakit kasi pinagpupustahan 'yung grades, eh..." iiling-iling na sabi ni Enzo. Tumahimik naman ang lahat. Hindi naman kasi madalas na kumikibo si Enzo.

"What?" tanong ni Enzo sa amin.

Nag-ilingan ang lahat.

"Maghanap na nga tayo ng masasakyan pa ulit," tumalikod na siya sa amin at tsaka naman kami natawa.

"Kumain muna tayo, nagugutom na ako..." ani Lean na nakahawak sa kamay ni Ate Caryl. "Oo nga, kain na muna tayo..." sang-ayon ni Aly hanggang sa lahat ay nagdesisyon na kumain na muna bago maghanap ng masasakyan ulit.

Nakasunod lang ako sakanila habang tumitingin-tingin sa mga rides.

"Cherinna!"

Bago pa man ako nakalingon ay nabangga na ako at tumama ang ulo ko. I am sure, hindi ako sa poste bumangga. Nag-angat ako ng tingin at may nakita akong lalaking nakatingin sa akin.

"Sorry..." agad na sabi ko habang nakahawak sa noo ko.

"Are you okay?" hinawakan ni Jahann ang braso ko at pinaharap sakanya. Tumango ako sakanya bago muling lumingon sa lalaking nakabangga ko. "Sorry, ulit. Hindi kasi kita nakita at—"

"Yeah, obviously hindi mo ako nakita," malamig na tugon ng lalaki sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi din ako makatingin sakanya ng maayos.

"Sorry..." mahinang sabi ko nalang ulit.

"Tss..."

"She said sorry already, ano pang problema mo?" biglang nagsalita si Jahann na nasa gilid ko at hawak pa din ang braso ko.

"Jahann..."

"Next time, hawakan mo kasi 'yang alaga mo. Alam mo na ngang tatanga-tanga, pinababayaan mo pa."

Played by FateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!