Twenty Eighth Shot

260K 9.1K 3K
                                    

IMPORTANT NOTE:

Baka po kasi di niyo nakita dahil buset si wattpad, nag update po ako last week, 27th shot. :)


Twenty Eighth Shot

JILLIAN.


"Wala na bang i-iikli pa 'yang skirt mo?" tanong ni Cupid sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Yung totoo? Gusto mo ba mag hubad na lang ako sa harap ni West habang ini-interview niya 'ko?!"

Ngumisi si Cupid.

"Pwede rin. Malay mo yun lang pala ang solusyon para manumbalik ang mga alaala niya sa'yo."

I rolled my eyes at him. Minsan talaga hindi ko alam kung nakakatulong ang isang 'to, eh.

Interview ko na mamaya kay West. Para akong back to basic. Babalik ako sa publishing company na yun at magiging boss ko ulit siya. Walang pinagbago. For sure pag iinitan na naman ako ng ulo nun araw araw.

Ang pinagkaiba lang, dati ginagawa niya yun to hide what he truly feels, pero ngayon, matinding galit talaga ang nararamdaman niya sa akin. Thanks to Hades.

At ngayon, abot langit ang kaba ko dahil makikita ko na ulit si West. Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan sa interview. I'm confident na makakapasok ako thanks to my dad na kaibigan ng ama ni West.

Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko iiyak ako sa harapan niya kapag may binitiwan siyang masakit na salita sa akin.

I am not a sensitive person. Pero si West 'yun, eh.

"Mukha kang manang Jillian!" sabi ni Cupid.

Lecheng 'to. Parang gusto atang mangyari eh i-seduce ko si West mamaya.

Tumayo si Cupid sa pagkakaupo niya sa kama ko at binuksan niya ang cabinet ko.

Feel at home talaga.

Dahil kay Cupid, napakuha ako ng condominium malapit doon sa opisina namin. Nakakahiya naman kasi sa kanya, eh. Wala siyang tutuluyan sa bahay namin at ayoko namang maya't-maya siyang nag t-teleport sa kwarto ko. Buti na lang at pinahiram ako ni daddy ng pera.

May palamunin na naman ako.

"Ito isuot mo."

Inihagis sa akin ni Cupid ang isang sleeveless plain black dress na above the knee ang haba.

Tinignan ko, "pwede rin. Mag b-blazer na lang ako."

Tinaasan niya ako ng kilay, "blazer talaga? Baka sabihin niyan CEO na ang job position na ina-apply-an mo."

I rolled my eyes at him.

"Asawa ng CEO ang ina-applyan kong posisyon."

Napa-ngisi si Cupid.

"Hidden agenda natin yun. Pero sa ngayon, mag tiis ka muna sa pagiging tatanga-tangang proofreader."

"Hoy!" binato ko siya ng unan. "Tatanga-tanga talaga?!" pinaghahampas ko siya sa braso.

The Living Arrow (SWSCA #2)Where stories live. Discover now