Sixth Shot

388K 13.1K 6.1K
                                    


Guys, from now on, I'll be inserting photos in between updates para mas ma-visualize niyo yung lugar na pinupuntahan nina Jillian. Kaya I suggest, iupdate niyo ang Wattpad app niyo sa pinaka latest version para mabasa niyo ng maayos ang mga updates ko. OR, pwede niyong basahin sa browser para mas maayos.

Yung putol na word last update, hindi browser at app ang may problema, yung author. Putol talaga. Lutang eh. Hahaha XD


Happy reading!


Sixth Shot

WEST.

What the hell, West?! What the hell?!

Nagpalakad-lakad ako sa hotel room ko. Hindi ako makatulog. Gusto kong i-umpog ang ulo ko sa pader.

Kasi naman! Kasi kasi kasi! Hindi ko alam kung anong masamang demonyo ang sumanib sa akin kanina?! Paano ko nagawa yun kay Jillian? Isinandal ko siya sa pader, nilapitan ko siya nang sobrang lapit, tinitigan ko siya sa mata, at sinabi ko na hindi ko siya lulubayan?

Napahilamos ako sa mukha ko at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

Nakakapanghina ng tuhod.

Alam ko nababasa ko na 'yan sa mga rom-com novels na pinupublish namin. Typical scene. Sabi nila nakakakilig daw eh.

Pero langya, pag ginawa mo pala talaga ng actual, ang creepy at ang gago ng datingan. Malamang na-creep out si Jillian sa akin. I invaded her personal space. Maswerte na ako at hindi niya ako sinipa palayo sa kanya. Pero positive ako na mas lalayo na siya sa akin.

Mag sorry na kaya ako?

Pero anong oras na! It's already past 3am. Malamang tulog na yun.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong mag relax. Napupuno ng negative thought ang utak ko.

Proofreader ko dati si Jillian kaya malamang nabasa niya talaga yung mga rom-com novels namin. Alam niyang nakakakilig yung ginawa ko kanina.

Kaya mag-a-assume na lang akong kinilg siya?

Kaso hindi naman ako katulad ng mga lalaki doon sa mga nobelang yun! Yung sobrang confident nila sa babae. Yung hindi tumitiklop. Alam na alam nila paano kausapin ang babae. Yung ngitian pa lang nila ito, kinikilig na sa kanila.

Eh ako?

Mag hi nga lang kay Jillian nauutal na ako eh. Lumapit pa lang sa kanya kailangan ko na nang matinding lakas ng loob. Feeling ko kapag ngingitian ko siya mukha akong serial killer.

At kanina?

Oo. Nadala ako ng selos ko. Wala pa kaming 24 hours sa Japan, may pumoporma na sa kanya.

Pero ibang klase pala talaga ang selos. Parang alak lang ang tama sa sistema ng isang lalaki. Tipong bigla ka na lang magkakaroon ng lakas ng loob gawin ang mga nakakatangang bagay.

At katulad ng alak, pag humupa na, gugustuhin mo na lang iumpog ang ulo mo sa pader dahil sa mga pinag gagagawa mo.

Halos isang oras lang ang naging tulog ko. I have to wake up at 6am para maligo at mag-ayos. Mga bandang 6:30am, palabas na ako sa kwarto ko para pumunta sa buffet hall at kumain ng breakfast.

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon