Ninth Shot

368K 12.9K 6.4K
                                    


Ninth Shot

WEST.

"Alam mo pareng West, ang sarap talaga minsan dito sa mundo ng mga tao 'no? Lalo na kung ganito lang tayo. Pa chill chill lang," sabi ni Cupid sa akin habang nakababad kami sa hot spring.

Halos kakakain lang namin ng dinner at dumiretso agad kami dito ni Cupid. Si Psyche naman, pinuntahan si Jillian para yayain din mag hot spring.

Magkahiwalay kasi ang hot spring ng girls at boys sa kadahilanang, hubo't hubad ka talagang magbababad rito. Bawal ang pampaligong damit. And yes, ayun ang nakalagay sa rules nila.

At ngayon, stuck ako kay Cupid. Gusto kong mag relax pero itong kasama ko dada ng dada. Sarap ilublob ng ulo sa hot spring. Tutal immortal naman siya at hindi niya ikamamatay yun.

"Minsan nga gusto ko na lang yayain si Psyche na dito na lang kami," pagpapatuloy ni Cupid sa sinasabi niya. Buti at busy siya kaka-kwento at hindi niya naiisipang basahin ang isip ko. "Doon kasi sa amin, onting kibot nagkakagulo. At least dito chill lang."

"Saan naman kayo titira rito?" tanong ko sa kanya.

"Sa bahay mo malamang!" sagot niya.

Tinignan ko siya ng masama.

Kahit kelan talaga ang isang 'to walang kanipis-nipis ang mukha.

"So pareng West kamusta naman ang mga breezy moves mo kay Jillian? Nakaka-score ka na ba?"

Napayuko ako.

"May selfie na kaming dalawa."

"Bagal mo."

"Hoy masyado ka na ha! Hindi mo alam kung gaano ako nag-ipon ng lakas ng loob para lang makapagpa-selfie sa kanya! Malaking bagay na yun."

"Wow so feeling mo artista si Jillian na mahirap lapitan ganun?"

Tinignan ko ulit siya ng masama.

Hindi na nga nakakatulong, grabe pa manlait. Habang pumoporma ako siya busy kumain ng inihaw na pusit.

"Yung mga moves mo kasi masyadong nakaka-ewan! Pa-simple moves. Ipahalata mo naman minsan sa kanya."

Napailing ako.

"Feeling ko nga halatang halata na ako eh."

"Hindi ka masyadong halata pero na w-weirduhan na si Jillian sa'yo."

Napabuntong hininga na lang ako.

Siguro nga ang weirdo na talaga ng tingin sa akin ni Jill. Malamang na c-creep out na siya sa akin minsan.

Napapaisip ako kung tama ba ang ginagawa ko o hindi. Dapat ko bang ituloy o dapat bang mag-iba ng tactics?

Nakakainis naman.

Pag dating sa trabaho, ang dali dali kong na so-solusyonan ang mga bagay. Ang dali kong nakakaisip ng paraan pag may problema.

Pero ngayon, blangko ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin.

For the first time in my life, pakiramdam ko wala akong kwenta.

"Dalawang linggo lang tayo dito sa Japan, pareng West. Sa loob ng dalawang linggo, kailangang maging close kayo ni Jillian. Kasi kung hindi, aba, mahihirapan na ulit tayong humanap ng paraan paano paglalapitin ang mga mundo niyo. Tatlong araw na ang nasasayang mo. 11 days to go."

The Living Arrow (SWSCA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon