Kabanata VIII

Depuis le début
                                    

Binaba ko ang tingin ko. Naninikip ang dibdib ko. Sa palagay ko ay hindi ko kakayanin kung ako ang nasa posisyon ni Tyler. Bakit kailangan siya pa ang unang makakita? Bakit hindi na lang iyong kanyang ama?

"Tyler used to smile before, he used to laugh, and greet people around him, he's also quite a bit shy. That was him, until before that incident. Everything changed about him, he was traumatic, of course. His rage at our father worsened, but he's blaming not just our father, but also the whole world. He hates the fact that there's seven billion people in the whole world, but why does it has to be our mother? She's perfectly imperfect, why does it has to be her?"

I remained silent, totally speechless. Kahit na parang naglalabas ng sama ng loob si Tyron ay malamig pa rin ang boses niya, hindi nga iyon nahahanapan ng galit. Naging ganoon din ba siya nang dahil sa nangyari sa nanay nila?

"Damn, I never told a story that long." Iiling-iling na sabi nito. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti kahit na hindi siya sa akin nakatingin.

"Salamat sa lahat ng impormasyon Tyron," tumingin siya sa akin.

"I won't explain that long for nothing, I expect an exchange."

Namilog ang mga mata ko. Naghahanap din siya ng kapalit. Parehas na parehas talaga sila ni Tyler. Nakagat ko ang pangibabang labi ko.

"W-What exchange?"

"Never, ever, leave Tyler." Natigilan ako. "Don't let him experience hell again." Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Naiwan akong magisa sa verandah.

Pumikit ako at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. Nasasaktan ako para kay Tyler. Paniguradong dala-dala niya pa rin ang pait ng kanyang nakaraan. Dahil sa kaisipang iyon ay mas lumaki ang kagustuhan kong pasayahin siya.

Huminga ako ng malalim at maglalakad na sana paalis nang may biglang sumagi sa utak ko. Sinabi sa akin kahapon ni Tyler na may pupuntahan kami pagkatapos ng klase namin ngayon. Napakunot ang noo ko at napatagilid ang ulo. Ito ba ang sinasabi niyang pupuntahan namin? Kung ganoon, bakit hindi natuloy ang pagyaya niya sa akin dito? Nakakapagtaka.

Tuluyan na akong umalis ng verandah. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay may narinig akong tunog. Isang pinto na parang kasasara lamang. Sinundan ko kung saan iyon nagmula at nakita ko si Tyler na kalalabas lang sa isang kwarto. Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod na siya akin. Naglakad siya at hahabulin ko na sana siya pero nakita ko ang pagsuklay niya sa kanyang buhok na tila siya'y naiinis o naiinip. Kaya imbis na kunin ang atensyon niya ay tahimik ko na lang siyang sinundan. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagkainis niya.

Under His SpellOù les histoires vivent. Découvrez maintenant