AOL Chapter 1

53 3 0
                                                  

1.

Miguel's POV

Pila here, pila everywhere.

Nakakabanas na pila. Nasa kalagitnaan ako ngayon ng enrollment sa isang University na papasukan ko. Mag ffreshman na ako sa college this school year. BS Physics.

Miguel Sanchez-Mariano. Gwapo. Katamtaman lang ang yaman. Matalino pero di nerd. Ayaw sa maiingay na lugar.

This scene is bugging me. Napakataas ng pila para lang magbayad sa cashier. Daig pa ang audition sa PBB. Ang init init. Ang sikip sikip. Halos dalawang oras na akong pumipila dito. Jusme. Suddenly,  everybody's attention was caught by a scream of a girl na nasa unahang pila.

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND? THE HECK IS WRONG WITH YOUR SYSTEM? PUMILA AKO NG KETAGAL TAGAL TAPOS PABABALIKIN NYO LANG AKO BUKAS? FUDGE!"

Nakalimutan ko palang sabihin na ayaw na ayaw ko rin sa maiingay na tao. Tss. Scandalous person. Kababaeng tao. She must be some kind of a girl from somewhere.

"ANO BA? ISA KA PANG TANGA! SALAMAT SA MILK SHAKE NA NAITAPON MO SA BLOUSE KO!"

Nakarinig na naman ako ng nakakairitang sigaw. From the same person. Aksidente pala syang natapunan ng milk shake 5 persons ahead of me. Her irritating voice is getting into my nerves. Papalapit na sya sa direksyon nang mamukhaan ko sya.

What the.

FLASHBACK

Excited lang akong magtake ng UPCAT. This is my dream school. I guess everybody's dream school. Dito rin kasi grumaduate ang dalawa kong ate: BS Biology at BS Applied Math. Ang talino lang ng pamilya namin.

Nasa lounge lang ako habang hinihintay matapos ang first batch of examinees. Hooh. Kinakabahan ako. Ginutom ata ako ng kaba kaya pumunta muna ako sa Caf para bumili ng makakain. On my way to the Caf, my gaze shifted on a UP Examination Slip that's on the floor.

"Alpha Danielle C. Yen." This girl must be crying by now. Kawawa naman sya. Hindi ka kasi makakatake ng exam 'pag wala 'to. I need to find her and give this.

"HERE YOU ARE! MAGNANAKAW KA! ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA MONG NAKAWIN ANG EXAM SLIP KO!" Hindi ako nakapagsalita agad. Problema ng babaeng 'to? She must be the owner. Klaro naman sa singkit ba babae na nasa slip. Ako? Magnanakaw? Eh wala pala 'tong utang na loob eh.

Inawat sya ng kasama niya. Nagtinginan samin mga tao.

"Excuse me? Why should I steal somebody's slip when I have mine? Yayaman ba'ko dyan sa slip mo ha? Nakita ko lang dyan sa sahig ka pinulot ko." Nakakunot noong sabi ko sabay abot ng slip nya. Medyo nahiya naman ata sya sa ginawa niya.

Akmang aalis na ako nang...

TUUUUUUUGSH!

"Aray!"

Binato nya sa'kin ang orange juice na hawak nya kanina at.. at..

Tumalsik ang laman sa buhok at damit ko! Bwiset na malagkit!

What is wrong with this monstress? Argg.

Agad naman siyang natauhan sa ginawa nya. Ang walang hiya! Kinaladkad ang kasama niya at kumaripas ng takbo!

"Fudge!" Napasigaw ako sa galit.

Paano ako eexam ng ganitong lagay? It's 10 minutes to 1 pm. Our house is 30 minutes pa from here. Hindi na ako aabot 'pag umuwi ako! Aaaaa! Bwiset kang Alpha Yen kaaaaa!

END OF FLASHBACK

Kung tatanungin nyo ako anong nangyari pagkatapos? UMUWI AKO. Hindi na ako bumalik. Luhaan akong umuwi. Kinomfort nalang ako ng Mama at mga ate ko. GOODBYE UP! Mananatili ka na lang dream school ko. Thank you sa walang pusong babaeng ito. My dreams died in just a snap because of her. Tapos dito makikita ko pa rin sya?

Magbabayad sya. Magbabayad sya.

Humanda ka sa'kin. Alpha Yen. I grinned into mixed anger and excitement.

A/N: How's Chapter 1? Comment naman po kayo. Hihi. Vote din. :*

Alpha of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon