AOL Chapter 3

28 4 0
                                                  

 3.

Miguel's POV

*kriiiiing*

 ...

*kriiing kriiing*

Asar na alarm clock naman 'to oh!  

Time check: 8:15 am.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Patay late naaaa! I rushed into the bathroom para maghilamos. Wala na akong panahon maligo. Dali dali akong nagbihis, nagsuklay ng buhok at sinuot ang eyeglasses ko.

--

"You're late Mr. Mariano."

"Sorry po Mam." Nako naman. Kebabago ng skwela late. Takte.  

At Physics pa talaga 'tong pinaglate'tan ko.

Umupo na ako sa seat tabi ni Jerome, best friend ko.

"Dre bakit ka ba late?" Bulong niya.

"Late na akong nagising dre."

"Bakit ka late nagising?" Kainis. Upakan ko na'to.

"Ang dami mong tanong. Makinig ka na nga dyan." Loko 'to.

--

Sabay na kaming pumasok na Jerome sa PE class.

"We will be having a dance practicum next week. By partner. It can be waltz, tango, or cha-cha." Paliwanag ng instructor namin.

Ang paningin ko naman ay naibaling kay Alpha. Now she's with a familiar face. Oh. Yung kasama nya during UPCAT.

Nakita naman ako ni Alpha at inirapan lang niya ako at may binulong sa friend niya.

Siguro sinabi niya sa kaibigan niyang ako yung 'four-eyed nobody' na nakatapon ng orange juice sa blouse niya. Hahahaha.

"First pair, Galindez-Paz."

"Monteclaro-Roa." Agad namang hinanap ni Jerome ang magiging kapartner niya. By the way, his full name's Jerome Monteclaro. Aba! Hindi ko inaasahang makakapartner niya ang kaibigan ni Alpha.

Patuloy lang si Mam sa pagtatawag nang..

".. And the last pair is Mariano-Yen."

Ano raw?

Partners kami ni Alpha Yen?

This time it's unplanned.

Alpha's POV

"WHAT?" (・Д・)ノ

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tangna dance partner ko yung four-eyed nobody na yun?

Tinapik naman ako ng best friend kong si Samantha na hiyang hiya na dahil pinagtitinginan na kami ng lahat.

"Is there any problem with that Ms. Yen?" Nagtatakang tanong ng instructor namin.

"N-nothing Mam. I'm sorry." Eeeeesh. Sa lahat ng makakapartner nerd pa.

--

Nagsilabasan na kami nang lumapit sa'kin si F.E.N.

"Alpha!"

"What?" I responded irritatingly.

"Saturday. 8AM. Dance studio." Walang ka emo-emosyon niyang sabi tsaka umalis na kasama ang kasama niya.

Hindi naman mukhang nerd yung kasama niya. Katunayan ang gwapo. Partner pa ni Sam. Pag sinuswerte ka nga naman.

"What the? Is he ordering me? Ang kapal din ng mukha ng nerd na yun ah!"

"Bru, maghunosdili ka nga. Bakit ba galit na galit ka sa kanya? What happened before was accidentally." Bru nga pala tawagan namin. Bru as in Bruha. Kanya kanyang terms of endearment lang 'yan. Hahaha.

"Bru! Kahit na! I hate him I hate him I hate him pa rin! Arrg."

"No choice ka Bru."

Oo na. Alam ko.

A/N: Comment and Vote. :)

Alpha of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon