KABANATA 3

363 58 54
                                    

03.

"Guys, sorry to tell you pero hindi raw makaka-punta si Jordan," walang ganang sabi ni Viv at umupo kasama ng kaniyang mga kaibigan. Napa-buntong hininga na lang ang magka-kaibigan, "Kailan nga ba umalis si Jordan kasama natin? E, laging work ang nasa isip no'n. Nakaka-limot na siya sa atin."

"Bakit daw po ba ate Viv?" Tanong ng babae habang kumakain ng tsokolate.

Lumapit naman ang kuya ng babae na si Fort, "Eight! How many times did I tell you na tigilan mo na ang pagkain n'yan!" Kasabay ng pag-bulyaw sa kapatid ay pag-kuha ng tsokolateng kinakain nito.

"Ang Kj mo Kuya! Pang-apat ko pa lang yan, e! Kaasar!"

"No, this is not. This is your seventh chocolate! Enough of sweets, lil sis. Got that?" Ma-awtoridad na sabi ni Fort. Humalukipkip na lang si Eight at nanahimik.

"So, Viv.. ano bang sabi ni Jordan bakit hindi siya pupunta?" Tanong ng lalaking nakatayo sa pintuan.

"Lewis.. i-tanong niyo raw sa dalawang 'to, e," Sabay turo kina Andray at Fort. Tinignan naman sila ng barkada.

"Hoy wala kaming ginawa, 'no! 'Di ba, Fort?" Agad na sabi ni Andray.

"Oo kaya! Wala!" Sabi naman ni Fort.

"Hays. Hayaan na natin si Jordan, guys. Mayaman naman 'yun kaya na niyang gawan ng paraan 'yung tux nya. So, babe? Tawagin ko na lang muna si Eyra. Para makapag-start na tayo," wika ni Ysa. Ang Bride-to-be ng groom, na si Lewis del Mundo.

Sa pag-bukas ng pinto ay lumabas na si Ysa at ang kasama nito.

Mabilis pa sa hangin ang pag-kuha ng kamay ng binatang si Andray, sa kasamang dalaga na kasama ni Ysa.

"Hi lady," bati niya rito at hinalikan ang kamay nito. "You did'nt tell me Ysa that we have a beautiful lady like this here, huh."

Mapanuyang sabi nito sa kaibigang si Ysa.

"Ay nako! Kilala ko kayo! Lalo kana, Andray! Kaya nga hindi ko agad pinakilala si Eyra saiyo eh! Kita mo na," at tumawa ito, "Naging mapula agad 'yung mukha nito. Naku, sorry Eyra ha? Ganyan talaga 'yan e. Sorry. By the way, ipapakilala kita sa kanila."

Bahagya silang lumapit upang mapagkilanlan ang isa't-isa.

"Guys. Si Eyra Queen Yui. Yung family ko at family niya ay magkakilala, so as we. Sa kaniya rin 'tong shop na 'to. Managing this about a year na 'di ba, Eyra?"

"Ah, oo. Nasa family na namin 'yung may bussiness talaga. So, I'm glad na isa sa shop ko ang pinagkatiwalaan niyo na isusuot nyo sa kasal-"

"Don't worry, Eyra. Sa susunod kasal na natin yung pagpa-planuhan mo," naka-ngising sigaw ni Andray.

"The heck, Dude? Seriously?" At tumawa ng malakas si Fort kasama ng mga kaibigan nya, "So gay, Andray. What they called it.. uhm, uh hokage?! Yeah and you suck at flirting!"

"Screw you!" At nagbatuhan sila ng marshmallow.

"Uhm, Hi Ate Ey! I'm Eightleen but you can call me Eight. You know Ate? Ang pretty ng theme ng shop n'yo. Black and Pink. Tapos, basta! Ang ganda talaga! Parang gusto ko nang tumira rito e! Kuya, patawag naman si Mr. Engineer and Mr. Architect," sabi ni eight.

Sandaling tumigil sa batuhan ng marshmallow si andray at fort, "What are you going to do with them?"

"Magpapagawa ng kwarto! 'Yung ganito! 'Yung kasi'ng ganda nito! 'Pag di mo sila, tinawagan? Sasabihin ko kay ate Viv 'yung sinasdfghjkl! Ew! Yuck! Kadiri! Umalis ka nga sa'kin Kuya!"

"Pasensya na kayo sa daldal nitong kapatid ko, a? Minsan talaga wala sa lugar e," sabi ni Fort at niyakap ang kapatid.

"Ew! Kadiri kuya! Umalis kana! 'Yung germs mo- Ew! Kuya! Let go off me! Jerk! Hindi ko na sasabihin sa kaniya! I swear!" At umalis naman si Fort sa pagkaka-yakap nito sa kapatid. Tinignan nila si Viv, na ngayon ay tahimik.

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now