KABANATA 32

49 5 0
                                    

32.

"Mauuna na ako." wika ni Rafael at tumayo. "I'll catch my flight before midnight sa Naga."

"Ipapahatid na kita kay Eight."

"Salamat." makahulugang sabi ni Rafael kay Fort. Ngumiti lang ng bahagya si Fort sa kaniya.

Sina Andray, Lewis at Jordan naman ay tumayo na at nag-umpisa nang magligpit ng mga upuan.

Samantalang sina Eight, Viv, Ysa at Shaznae ay nagku-kwentuhan sa 'di kalayuang kubo.

"Eight! Uuwi na raw itong bisita mo!" sigaw ni Fort sa kaniyang kapatid. Agad naman nagtungo sa kaniya ito.

"Okay. I'll walk with you hanggang doon sa bamboo."

Nag-umpisa na silang lumakad palayo.

"Hoy, Fort! Ano na? Hindi mawawala si Eight dyan." sambit ni Andray. "Tulungan mo na kami para makapag-pahinga na tayo!"

Humarap si Fort kay Andray at nakapamaywang. "Kanina ka pa ah! Mando!"

"Andray pangalan ko, hindi Mando!"

"Damn you!" hinagisan naman ni Fort si Andray ng isang upuan. Mabuti at nasalo agad ito ni Andray.

"Isa pang hagis mo dyan, Fort! Bukas na bukas, I'll marry your cousin!" pagbabanta ni Andray sa kaniya. Tumawa naman ang dalawa nilang kaibigang lalaki kaya napapunta na rin sa gawi nila ang mga magkakaibigan na babae.

"Oh, damn. Please, pakibalik na sa Manila yan si Andray." sabay hilot ni Fort sa kaniyang sentido.

Nagsama sama naman sila upang mag-ayos na ng mga kagamitan.

Ngunit may binulong si Viv sa kaniyang nobyo kaya napatingin ang mga kaibigan nila sa kanila.

"Bulungan mo din ako, love!" asar ni Ysa kay Lewis na ikinatawa nila.

Matapos bumulong ni Viv ay tumango si Fort sa kaniya at bumalik na sa pagliligpit.

Habang abala si Shaznae sa pagpupulot ng mga kubyertos ay lumipat sa tabi niya si Jordan.

"You good?"

Tumango lang si Shaznae sa kaniya at tumingin. "Bakit?"

"Are you happy?"

"Oo naman, ano ka ba."

"Then, is that can make you stay?"

Natigilan si Shaznae sa tanong ni Jordan na iyon bagamat hindi nakatingin sa kaniya ng diretso sa mata at ang tingin ay sa pagpupulot ng gamit. May kung anong kirot sa puso ni Shaznae ang tanong na iyon.

Natigil lamang siya sa pag-iisip nang magsalita ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Guys, pagbalik ni Eight... may sasabihin ako." malumanay na saad ni Viv.

"Ano 'yon, Viv? Hindi na ba tuloy ang kasal?!"

"Ysa naman! Ayan talaga naisip mo?" sabi ni Fort.

"Hindi ba?! 'Yon lang naman kasi ang big event na paparating sa atin! Tapos ang tono pa ni Viv parang malaking revellation."

"Well, kind of..."

"So, hindi na nga tuloy?!"

"Ysa! Makakaisa talaga 'yang asawa mo, Lewis. Grabe kung mag-isip. Nahahawa na sa 'yo!" wika ulit ni Fort at tumawa naman silang lahat.

"Naging Ysa na kasi kami kaya siguro nakukuha na niya kung ano ako at kung ano siya." sagot ni Lewis sa kaniya na mas pinalakas ang tawanan nilang magka-kaibigan.

Between the two (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat