78: Sealed with a kiss.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ka naman kasingganda ni Angel Locsin. Hindi ka rin kasing-sexy ni Megan Fox pero bakit patay na patay ako sa 'yo?" Habang sinasabi niya 'yon, nakatingin siya nang diretso sa 'kin. Damang-dama ko 'yong hininga niyang sobrang bango. Kahit inasar niya ako, sobrang kinilig ako. Deads na ang puso ko sa kilig. Feel ko talaga, talong-talo ko sina Angel Locsin at Megan Fox!

"Mahal kita kung ano ka kaya huwag kang magbabago. Para sa 'kin, ikaw pa rin si Nerd na pangit. Huwag mong babaguhin 'yon, ah. Kasi do'n kita minahal, e."

Ang aga-aga, binanatan niya ako, kinilig tuloy ako. Kailan pa ba siya natutong bumanat nang ganoon? Hihi, ikaw na ang sweet Jeydon ko.

"Hindi ako magbabago. Ako pa rin 'yong nerd na pangit na mahal 'yong hari ng mga bad boy na si Jeydon Lopez."

Ngumiti siya sa 'kin tapos unti-unti niyang inilapit 'yong mukha niya sa mukha ko. Pinikit ko 'yong mga mata ko. Naku, ah! Nakatatlo na siya! Quotang-quota ka na, hubby. Ang tagal naman niya akong i-kiss? Ay, teka. Akala ko, hahalikan niya ako sa lips pero sa noo lang pala. Wah! I expected more! Haha, epic fail lang. Landi mo, Candice.

"Baba na raw tayo sabi ni bayaw. Tara?"

Sabi ko nga, baba na tayo, e. Huhu, pwedeng huwag na? Dito na lang tayo? Hehe, charot lang.

Pagbaba namin, nakaupo na sa mesa sina Mama. Si Kuya Charles, nakabusangot 'yong mukha. Ang aga-aga, ganoon ang hitsura niya. "Kaya siya tumatanda agad, e," bulong ko sa sarili ko.

"Ako? Tumatanda agad?" Ay, shit lang. Napalakas 'yong pagkakasabi ko sa utak ko.

"Ha? Wala naman akong sinabi." Pagkaupo ko, ang sama pa rin ng tingin niya sa 'kin. Hehe, peace tayo, Kuya Charles. Joke lang naman 'yon, e.

"Jeydon, saan naman kayo pupunta ni Candice ngayon?" Ha? Anong sinasabi ni Mama?

"Saan naman kami pupunta?"

Tiningnan ko si Jeydon. Nakangiti siya at anong ibig sabihin no'n? Alam niyang aalis kami pero ako, walang kaalam-alam?

"Ano na naman ba 'yan, hubby?"

Kinindatan niya ako. "Mag-EK lang po kami, Tita." Ang lapad ng ngiti niya. Si Kuya naman, umasim na naman 'yong mukha. "Ibabalik ko rin po si Candice nang maaga."

Wah! Enchanted Kingdom daw kami pupunta? Wow, excited na akong pumunta ro'n kasama siya!

"Ano ka ba? Okay lang, Jeydon! Mag-enjoy lang kayo ng baby girl ko." Si Mama talaga, hindi pa rin nagbabago. Mas excited at kinikilig pa siya kaysa sa 'kin, e.

"Kapag wala pa si Candice dito ng seven ng gabi, malilintikan ka sa 'kin, Jeydon, at hindi na ulit kayo makakapag-date ulit." Tiniklop niya 'yong diyaryong binabasa niya. Tiningnan niya muna kaming dalawa ni Jeydon nang pamatay na tingin bago siya umakyat sa taas.

Ang weird ni Kuya Charles, palagi na lang high blood. Ano kayang problema no'n?


"O, bakit?"

Nakahiga siya sa kama niya habang naglalaro ng PSP niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Kuya, may problema ka ba?" Hindi man lang siya tumingin sa 'kin, nakatutok pa rin siya sa PSP niya. Psh! High blood na nga, isnabero pa.

"Wala." Ha? Wala raw? E, sa boses pa lang niya, halata nang may problema siya.

"Ano nga kasi? Akala ko ba walang lihiman sa 'tin?" Oo, bawal mag-secret-secret sa 'min. Siya ang nag-set ng rule na 'yon. "Galit ka ba sa 'kin, Kuya?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon