Traydor

3.1K 67 1
                                    





"Fuck!"

Napamura ako nang muntik na akong matamaan ng ligaw na bala.
Nabibingi ako sa ingay nang putukan.

"Agent yellow move!" Sigaw ko.

Hindi ito maaari, marami nang miyembro ang sugatan. Mabuti nalang ay meron silang suot na bullet proof jacket.

Pinapaatras ko sila agent yellow dahil alam kong hindi na nila kakayanin. Ngunit sadyang makulit talaga at hindi na iniisip ang kanilang buhay.

Siguro ay katulad ko din ang kanilang iniisip. Bakit aatras kong nandito na!

Kahanga hanga din ang ginagawang pagprotekta saakin ni Agent yellow. Halos hindi niya ako pasugurin at lahat nang nagtatangkang bumaril sakin ay inuunahan niya.

Nagpaputok ako nang makita ko ang lalaking nagtatangkang lumapit saakin.

Nakahinga ako nang maluwag. Ang iba sa kanila ay patay na dahil sa mga pain na sumasalubong sa kanila.

Gumapang ako upang makalapit kay agent yellow. Na nasa kabiling puno lang.

Napapikit ako nang mariin nang makita kong may mga katabi siyang sugatan.


"Master..."


"Damn! Agent yellow sabihin mo sa kanilang gumapang na at bumalik na sa hall" singhal ko.

"Master, iilan nalang sila. Tapusin na natin ito.."

Pero hindi yun ang sadya ko kong bat ako lumapit.


"Agent yellow. Kailangan nating makakuha kahit isa lang sa kanila para matunton natin ang kinaroroonan ni Serious black..." Agad namang sumang ayon saakin si Agent yellow.

Naghiwalay kami ni Agent yellow. Sinugurado naming hindi kami makakadaan sa paing nilagay namin.

Agaran akong nagtago nang may nakita akong lalaking gumagapang at dahang dahang naglalakad.

Hinampas ko siya sa ulo sabay baril sa kanyang mga tuhod.

Nakatutok parin ang baril ko sa kanya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay.


"Please don't.. Don't kill me..." Nanginginig siya sa takot habang sinasambit ang mga salitang yun.

"Don't kill me?!" Napangiti ako nang mapait.

Lumuhod ako para maging magkapantay kami. Yumuko siya saakin.

Hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas ang kanyang ulo.

Tinanggal ko ang bonet sa kanyang ulo.


Maputi, mapupungay ang mata at mukhang kasing edad ko lang ito.
Namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Nababakas ko ang takot!

"Please maawa ka saakin. Napilitan lang ako. I don't have choice. Dahil kong hindi papabagsakin nila ang negosyo nang daddy ko.." Aniya.

Kitang kita ko ang sincerity sa kanyang mga mata.

Itinayo ko siya.


"BB SCORT ME!!!" Sigaw ko.

May iilang lumapit saaking mga miyembro nang BB.


"Dalhin niyo siya sa hall. Siguraduhin niyong hindi makakawala yan..."

Gumapang akong muli patungo sa kinaroroonan ng may malalakas na putukan.

"AGENT YELLOWWWWW!"

Halos maputol ang ugat ko sa pagsigaw nang makita kong babarilin na si Agent yellow.

BLACK BUTTERFLY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon